"Anak kumain ka na ba?" Tanong ni mama sakin habang may hinahanap sa tabi niya."Hindi pa po." Sagot ko at tumingin sa harapan ko na puno ng mga nagdadagsaang sasakyan at mga tao.
"Hala! Anak wala na pala tayong pagkain. Paano bayan... teka dito ka muna ha? Manghihingi lang ako ng pagkain." Sabi ni mama pero hindi pa man siya nakakatayo ay pinigilan ko na siya.
"Wag na po, mama. Ako nalang po dito nalang po kayo, kaya ko naman po ang sarili ko." Sabi ko nalang at ngumiti nang bahagya para hindi na siya mag-alala pa.
"Oh sige mag-iingat ka ha? Wag lumayo dyan lang sa tabi-tabi. Umuwi kaagad pagkatapos." Bilin pa nito at inayos ang magulo kong buhok.
"Opo, mama." Pagkatapos kong mag-paalam umalis na ako para maghanap ng pagkain namin.
Ako nga pala si Carlotta Jones. Anim na taong gulang, nakatira kami sa lansangan ngayon dahil wala kaming bahay. Kami lang dalawa ang nagsasama ngayon ni mama ko dahil wala na akong ama dahil hindi niya ako pinagutan at iniwan niya si mama ko pagka-alam palang niya na nabuntis niya ito.
Nag-iisang anak lamang ako dahil hindi na pumatol pa si mama sa ibang lalaki maliban sa papa ko na sobrang minahal niya hanggang ngayon pero iniwan lang niya kami. Naging matagal rin ang relasyon ng mama at papa ko sabi ni mama sakin at umabot daw sila ng tatlong taon at sa tatlong taon na iyon talaga namang minahal niya nang lubos ang papa ko at hindi na ito nagawa pang palitan ng ibang lalaki nung iniwan niya kami, hanggang ngayon.
Naalala ko pa nang kinuwento mismo sakin ni mama ang pagkakilala nila ni papa at hanggang sa iniwan siya nito nang basta-basta nalang...
FLASHBACK
"Mama, nasan po papa ko?" Tanong ng isang batang babae sa kanyang ina habang naglalaro ito ng hawak niyang manika.
"H-Ha?... A-Ano a-anak... ma-may pinuntahan l-lang hehe..." Nauutal na sabi ng kanyang ina at parang hindi mapakali sa kinauupuan.
"Bakit hindi ko pa po siya kita?..." Nalulungkot niyang tanong at yumuko habang nilalaro parin ang manika sa kanyang mga kamay.
Katahimikan ang namayani sa pagitan ng mag-ina.
Ilang minuto pa bago niya nilapitan ang anak at inilagay sa kanyang kandungan paharap sa kanya.
"Noong high school pa lamang ako, siguro grade 8 ako nun... habang naglalakad ako sa tabi ng kalsada sa madilim na daan pauwi sa bahay galing ako nun sa eskwela dahil uwian na namin. Ginabi ako kasi may ginagawa pa ako. May apat na lalaki ang humarang sa dinaraanan ko nun kaya huminto ako sa paglalakad dahil sa pagtataka, nung tiningnan ko sila agad akong kinabahan dahil kilala ang mga yun sa loob ng campus namin dahil mga masasamang tao yun o gangster. Kinakatakutan at walang sinuman ang gustong kumalaban dahil hindi ka na aabutin pa ng sikat ng araw kapag binangga mo sila. Kaya sobrang kaba ko nun nang humarap sila sakin parang yun na ang huling buhay ko dito sa mundo kaya dasal ako nang dasal nung mga oras na yun. Tinanong ko sila kung ano ang kailangan nila sakin pero tumawa lang sila na parang mga baliw—ay hindi baliw talaga. Lumapit sakin ang dalawa sa kanila at hinawakan ako sa magkabilang braso at inilapit sa boss ata nila yun... ang isa kasi ay nagtitingin sa daan baka may makakita kaya sobrang kaba ang naramdaman ko nun nang hinawakan nila ako at palapitin sa amo nila. Ayaw ko ng ikwento ang totoo talagang nangyari dahil ayaw ko nang balikan pa pero nung mga oras na iyon... biglang dumating ang isang sobranggg gwapong lalaki! As in gwapo talaga siya baby hindi ko alam pero nung una ko palang siyang nakita nabihag niya na ako hihi..." Kinikilig na sabi ng kanyang ina sa huling mga sinabi habang inaalala ang araw na iyon.
YOU ARE READING
Living The Simple Life✔️(SOON)
AdventureSi Carlotta Jones, ay isang dalagang hindi pinagpala ng kagandahan base sa kanyang itsura ani nga nila. Maraming nanghuhusga sa kanya dahil sa kanyang mukha at itsura, mukha na para bang isang durian dahil sa dami ng tigyawat at freckles o pekas at...