Winona Marquez: Grade 8 and Grade 9, meeting tomorrow. Let's meet at Kabayani, 11 am, sharp.
I read the message that Ate Winona sentto our GC last night. Ngayon ko lang nabasa. Fortunately, I'm on my way to school now, 9:17 pa lang. Uumpisahan namin yung mga props para sa skit mamaya sa English, excuse kami sa first subject para mag-ayos. But, 1 hour is not enough for us. Mag p-practice pa ulit at mag-aayos, isama mo pa yung mga kaklase na walang dulot. Mga pabuhat.
Pumara na ako ng nasa tapat na ako ng footbrigde. Hihintayin ko si Kim, sa kabilang banda siya bababa since galing pa siyang Tikay.
"Serafine! I'm here na, ang init jusko. Pero may gwapo sa jeep, estudyante rin." Kwento niya kagad pagkababa ng footbridge. Natawa ako at nailing. Basta talaga gwapo ay matalas ang mata niya.
"Tangina ni Angel. Ang bait ng pangalan pero demonyo ang ugali. Pabida sa TLE teacher namin eh. Panget naman ng drafts niya." Pagmamaktol niya. Angel is her oh so called 'bida-bidang' classmate. We are in not same TLE class kaya nagkahiwalay kami. At simula first day ay si Angel na ang reklamo niya.
"Hayaan mo na lang kasi. Pagdasal mo na lang soya." Kibit balikat ko, napatakip siya ng bibig at suminghap.
"Nako, serafine ah. Vry Values Formation Club representative datingan ah?" Asar niya at humalakhak. Nagsalubong naman ang kilay ko at hinampas siya. Imbes na umaray ay mas lalo pa siyang natawa.
Dumiretso kami sa Kabayani pagkapasok ng school. Nandoon na ang iba naming kaklase at kaunti na lang ang hinihintay.
"Oh, Juaquin. President pero huling dumating. Gawain ba yan ng matinong presidente?" Nagsalubong ang kilay niya sa sinalubong ni Elora sa kaniya. Natawa ako ng nalukot ang mukha niya.
"Ayan. Late pa more." Asar ko. Sinamaan niya ako ng tingin at binato ng ballpen. Tumawa ako at dumila.
Lumiwanag ang mukha niya, "Wow, blooming. Ayan ba ang resulta pag inlove?" Tawa niya pa, pabatong binalik ko sa kaniya ang ballpen at sumimangot. Palibhasa ay sa kaniya at Kim ko kinuwento ang tungkol sa nagugustuhan ko. Epal talaga.
Nagsimula na kaming gumawa ng props habang nagk-kwentuhan. Minsan pa ay nagagalit si Juaquin dahil may mga pasaway na tinatawanan lang siya.
Nilibot ko ang paningin ko ng may naramdamang nakatingin sakin. And I'm not wrong. I saw Luigi leaning on the fish pond's bridge. He's with his friends, Carl and Joseph. They both smile at me while Luigi remained serious. Not bothered that I caught him looking at me. Iniwas ko ang tingin at pinagpatuloy ang paggugupit.
"Ouch," Napangiwi ako ng pati ang daliri ko ay nagupit. Ang tanga naman. Bakit ba kasi nalulutang ako pag nakikita ko si Luigi? Napailing ako at kukuha na dapat ng panyo ng may umagaw sa kamay ko at pinunasan iyon. Napanganga ako ng makita si Lugi sa harapan ko. Masama ang tingin sa dugo na lumalabas sa daliri ko.
"A-ah, ako na po Kuya Luigi." Pinigilan ko ang mapangiwi sa tawag ko sa kaniya. Kuya? Laugh on you Serafine. You see him as a lover not a brother.
Nakita ko ang pagngiwi niya. Tiningnan niya ako sa mata kaya napaiwas ako. Nakita ko ang kakaibang tingin ng mga kaklase ko. Pero ng makita akong nakatingin ay kaniya kaniyang balik sa ginagawa. Nakita ko pa si Juaquin na nagt-text ng nakapatay ang phone. Napairap ako.
"Be careful next time." He said and ruffles my hair. Napahawak ako doon ng tumalikod na siya at bumalik sa pwesto niya kanina, I saw how his friends tease him na pinagbabatukan niya lang. Lihim akong napangiti.
"Hoy! Ohmayghad ka, Sera! Jowa mo ba si Luigi? Akala ko ba ay bata ka para sa ganon? O kaya naman ay MU mo. Omg. Marunong ka na lumandi? Congrats!" Masayang bati ni Kim at pinagpag pa ang kamay ko. Napailing ako at hinila ang buhok niya.
"Hindi ko 'yon jowa! Friends lang kami." I denied. Gosh. We're not even friends. Bakit ba kasi siya bigla bigla na lang susulpot at ganoon ang ikikilos? I can't get him. He's too confusing.
"Hindi ako naniniwala! Feel na feel ko yung spark. Parang makukuryente ako habang pinapanod kayo!" Tumili pa ito at niyugyog ang balikat niya. Natawa na lang ako sa inasta niya.
Sumapit ang 11, I saw ate Winona with Luigi. Magkatabi sila na nakaupo sa lapag ng maliit na stage ng Kabayani. Nagpaalam ako kay Kim at sinabing may meeting kami ng club. Asar lamang ang natanggap ko at sinabing lumandi raw ako ng maayos.
Lumapit ako sa kanila at ngumiti. Ate Winona approached me, "Hi, what's your name? Grade representative?" she asked while sitting next to me.
"Uh, Serafine, Ate Winona. Grade 9 representative." I said and smiled at her. Alam ko ay girlfriend ito ni Joseph. Kaya siguro ka-close si Luigi. Hindi naman ako nakaramdam ng selos.
Napatigil ako, bakit ako magseselos?
Napasimangot ako at iniwas ang tingin ng magtagpo ang mata namin ni Luigi. Ayan na naman ang puso ko, parang sasabog.
Dumating pa ang ibang representative kaya nagsimula na ang meeting. Iniiwas ko talaga ang paningin sa gawi ni Luigi. I can feel his stare. Walang pakealam kung may maka pansin.
"On friday, 8 ang start ng misa. Since first friday need nating mag misa. Nakagawian na ng school 'yon. Morning class lang ang makaka-attend sa misa pero that's not a problem." She stopped and look at us, "Kung pwede lang ay 7 pa lang ay nandito na kayo, Grade 8 and 9. Need kayo ng club. Ang grade 7 naman ay nasabihan na rin ni Sir. Kaya please, aasahan ko kayo sa Friday. 7, sharp, nandito na kayo sa school. Madami tayong aayusin para sa misa. Okay?" She asked, tumango kami at doon natapos ang meeting.
I bid a goodbye to them before making my way out. Nasa tapat na ako ng Building B ng may sumakop sa siko ko para mapahinto ako sa paglalakad. I gasped.
"L-luigi," Shit, ba't ako nautal. Napangiti siya at kinagat ng bahagya ang labi, pinipigilang magpakawala ng tawa.
"Uh, may kailangan ka p-po?" I asked him softly. Gosh. My voice is never like this, ngayon lang.
"Pwede ka bang imbitahan bukas na kumain sa Dory's? Libre ko, promise. Sige na, Saturday naman." He asked, his eyes is full of hope.
"K-kasi ano—" pinutol niya ang sasabihin ko.
"May sasabihin din kasi ako sayo bukas." Itinaas pa niya ang kanang kamay niya na parang nanunumpa. Cute.
Napabuntong hininga ako, "Fine. Dory's, 10." I said. Nagliwanag naman ang mata niya at niyakap ako. Nagulat ako, natakot na baka marinig niya ang tibok ng puso ko.
"A-ah, Luigi, ano ba." Mahinang sabi ko at tinapik ang likod niya. Mabilis naman siyang humiwalay na hinanap kagad ng katawan ko.
"Hihintayin kita sa waiting shed sa labas ng school. Bye, Sera." He smiled, I nodded at him and smiled back.
"Una na ako." I told him, he nodded. Tinuro ng kamay niya ang daan. Tumitig ako sandali sa kaniya saka tumalikod.
"Ingat ka, Sera." He said, hindi malakas, sapat na para marinig ko. My cheek burned.
Gosh, how can he flutter me like this?
YOU ARE READING
Kabayani (Highschool Series #1)
RomanceSerafine Salome is known as the top student of the class. She promised to herself that she will never be into relationship until she graduated in highschool, because she's too young for it. Until a new officers is got elected where she is the repres...