03 - R

9 0 0
                                    

Patingin-tingin ako sa oras sa relo ko. Late na akong nagising at traffic pa papunta sa school, nasa tapat lang kasi non ang Dory's. 10:30 na, 10 ang usapan namin ni Luigi. Hindi ko naman siya masabihan dahil bukod sa wala akong number niya ay hindi ko rin siya friend sa facebook.

Mabilis akong sumakay sa nakaabang na tricycle ng makababa sa kanto ng school. Mabuti na lang ay sabado kaya walang nakakalat na mga sasakyan at estudyante.

Nang tumigil ang sasakyan ay bumaba kagad ako at inabot ang bayad. I saw Luigi on his white shirt and black pants, naka white sneakers lang din ito at may silver dog tag na nakasabit sa leeg. Nakababa ang ulo niya, he looks down.

"Luigi," tawag ko nang huminto sa harap niya, mabilis naman siyang napatayo kaya napaatras ako, "Sorry, tinanghali kasi ako ng gising. Nakalimutan kong mag-alarm. Wala pang masakyan dahil punuan, idagdag mo pa na traf—" napahinto ako sapagsasalita when he suddenly embrace me.

"Luigi..." Mahina kong bigkas ng pangalan niya. Humiwalay siya at tiningnan ako sa mata, "Akala ko ay hindi ka na dadating." nagtatampo nitong saad but you can't hide the fact that his eyes are glistening because of happiness.

"Wala naman akong balak indianin ka," napasimangot ako, " Hindi ko ata magagawa 'yon dahil crush kita." bulong ko.

Ngumiti siya at magaang pinisil ang ilong ko, " Tara, kain na tayo. Nag-breakfast ka ba?" Marahang tanong nito habang inaalalayan akong tumawid.

"Hindi. Nagmamadali nga kasi ako." sagot ko habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso.

"Sana kumain ka muna. I-add nga kita sa facebook para sa susunod ay maic-chat mo ako pag mal-late ka." Simpleng banat nito. Napasinghap ako, " May susunod pa?!" Natawa lang siya sa reaksyon ko at hindi na nagkomento.

Pumasok kami sa loob ng Dory's. Walang masiyadong tao dahil kadalasan ay bila-bilao ang ino-order nila through call. Umupo kami sa bandang pintuan.

"Ano gusto mo?" tanong ni Luigi habang tinitingnan ang nakapaskil sa pader na menu. "Carbonara sakin saka shanghai. Mountain Dew sa drinks." I smiled shyly to Luigi. Ngumiti lang ito at ginulo ang buhok niya. Napansin nga niyang mahilig 'tong mang gulo ng buhok.

"2 order ng Carbonara, 10 piraso na shanghai saka 2 mountain dew." Narinig niyang order ni Luigi sa counter. Hindi rin nagtagal ay bumalik na ito dala ang order nila.

She smiled, "Thankyou." Tumango lang ito at umupo sa harap niya.

"Taga-Catmon ka, diba?" Luigi initiate a conversation.

Uminom muna siya bago nagsalita, "Oo. Paano mo nalaman?" Takang tanong niya.

"Nagkasabay na tayo sa jeep. Sa robinson lang dapat ako bababa pero nauwi ako sa crossing. Ganda mo kasi." Natawa ito kaya nahawa rin siya. She can't remember it. But she's happy na napapansin pala siya nito.

"Ikaw? Taga saan ka ba?" balik tanong niya. Nakita niya ang paghawak ni Luigi sa bandang puso at uminda.        "Grabe, Sera my bab. Alam ko kung saan ka nanggaling tapos ako hindi mo alam?" Madramang saad nito. Hindi niya maiwasang matawa. Ang cute lang.

"Hala, anong pake ko?" Biro ko pa. Natawa ako lalo ng sumimangot siya. "Fausta, Sera. Malapit lang naman kaya nag-c-commute na lang.  " Napatango siya. Naalala niya na may service na tricycle to dati, " Diba, may service ka dati? Kasama sina Mariel?" She asked. Tumango naman ang isa, " Oo, pero humiwalay na ako. Di na ako bata." Maktol nito, napataas ang kilay ko. Talaga lang, ha?

Iniikot niya ang carbonara sa tinidor niya. "Ano nga pala yung sasabihin mo?" I asked without looking at him at sinubo ang pasta.

"Liligawan kita." Nasamid ako sa narinig. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Luigi. Tinapik tapik ko ang dibdib ko. Did I heard it wrong? Nang umayos ang paghinga ay  hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya.

"A-anong sabi mo?" Dahan-dahan kong tanong, "Ang sabi ko liligawan kita." Balewalang sagot nito.

"A-ano?" Lutang na sagot ko, "Ang sabi ko—" mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"I get it, okay? I get it." Mahinang sagot ko. Tinanggal naman ni Luigi ang kamay ko sa bibig niya.

"S-sigurado ka?," Mabilis siyang tumango, "Gusto mo ba talaga ako o na c-challenge ka lang?", Mabilis na nagtagpo ang mga kilay ni Luigi. "Kasi diba, we're too young for i—" Luigi cut my words.

"Ofcourse, I'm sure Sera. I'm not like this. Mailap ako sa babae at ikaw lang tanging nilapitan ko."sandali itong natahimik at nagpakawala ng hiniga, "Nevermind. I don't need your answer. Liligawan kita kahit ayaw mo." Pinal na saad nito.

"Okay." Maikling tugon ko. Bakit pa ako magpapakipot diba? Sabi na nga ba ay mabubusog ako ng mga salita ko.

Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha nito, nagkibit-balikat siya. Masaya siya. I can feel the happiness inside my heart. Masaya ako sa desisyon ko. Gusto ko si Luigi, hindi ko maitatanggi. But I will never let him see it.

We talk about other things. Masayang kausap si Luigi. Hindi nauubusan ng tanong at topic. May sense rin kausap hindi tulad ng iba na napaka nonsense.

"Where are we going?" I asked, inalalayan niya akong sumakay sa tricyle na nakaparada. "Rob, gala lang tayo tas maglalaro. Game ka?" Napairap siya, "Nagtanong ka pa. Nakasakay na nga tayo." Tinawan lang niya ako.

Pakiramdam ko ay ang haba ng byahe kapag kasama siya. Kinakausap niya lang ako. Siya pa nga ang naghawak sa hinahangin kong buhok at nakakain daw niya, tinawanan  ko lang.

We entered the mall. Dumeritso kami sa fourth floor kung nasaan ang timezone. Sabi ko nga ay mag videoke kami, ang sabi ba naman ay baka hindi na siya makarinig pagkatapos. Baliw talaga.

"May card ka ba?" Tanong ko sa kaniya, "Oo. Kaso walang load." Tumawa siya ng nalukot ang mukha ko.

"Magpapa-load tayo, Serafine. Ako bahala sayo." Yabang. Palibhasa ay may kaya sa buhay.

"Dito ka lang, punta lang ako counter." Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin.

Luigi is tall. Nasa 5'9 ata ang height nito, basketball player din. Kahit bata pa ay may tindig na ang katawad. He also has a white complexion na kahit simple lang ang damit ay babagay. Gwapo, matangos ang ilong at singkit. Hugis puso at manipis ang labi na kapag tumatawa ay mas lalong nadedepina.

"Tara na. Hangang-hanga ka naman sa akin. Hindi pa nga ako nagtatagal sa panliligaw ay mukhang sasagutin mo na ako." He said cockily. Namula ang pisnge ko at inismidan siya.

Hays, I really like him.

 Kabayani (Highschool Series #1)Where stories live. Discover now