Prologue

3 0 0
                                    

Life is too short to make opportunities get wasted. Kaya kung may chance, grab agad! What are you waiting for? Di sa lahat ng oras kailangan magsettle ka kung anong meron ka. This is not being ambitious, praktikal lang ako. Ang ayoko kasi sa lahat ay yung magsesettle lang ako sa kung anong meron ako. I hate settling things! And if it's settled I want it be settled my way. Gusto kong ako ang dapat na magdesisyon kung tama na ba o sapat na ba ang isang bagay bago ako pumirmi dito. And when I say settling things this includes relationships.

Masyadong maiksi ang buhay para magsettle lang sa isang tao when you can have anyone you want in this world bago ka pumirmi. It's just like you need to taste every food in a buffet para masabi mo kung alin ang masarap. Fit all the dresses that you wanted to wear to see which suits you well. Gaya din sa boys, date everyone you like para malaman mo kung sino ang pasado para sayo, and that's only the rule that I imply for myself.

"Yeah, yeah Doti and her pananaws!"matapos ay nagtawanan ang mga kaibigan ko. They can't accept my logic in life. Masyado daw itong idealistic bitter!

"Look, I wasn't called a player for nothing! And I like it being called like that, sounds cool for me" I said as I drink the shot of tequila in front of me. Gumuhit ang maanghang na lasa sa lalamunan ko.

"Hoy! Ano yan?!"nanlalaki ang mga mata namin saka sinakop ang mga gamit namin na nagkalat sa matalahib na parte ng campus namin"Patay ayan na yung kalbong tanod!"sigaw naman ni Riva na di rin magkanda ugaga. Tumakbo kami at iniwan ang shots doon. Targis! Ang laki pa naman ng ambag ko sa tequila na yun tapos di man lang ako natamaan?!

"Doti sa pader!" Walang pag aatubiling sumampa ako sa pinaka mababang parte ng pader na pwede kong matapakan at walang kahirap hirap na binuhat ang sarili ko patungo sa taas para makatalon sa kabilang parte ng campus!

Napangiwi ako ng maramdaman ang kirot sa paa ko dahil sa naging pagbagsak ko. Tinulungan ako ng mga kaibigan kong kakababa lang din sa pader"P*ta ka Doti, di namin sinabing mag ala wonder woman ka"at dali-daling naglakad kahit medyo paika ika ako.

Nang makalayo na kami ay nagtinginan kaming apat at nagtawanan" Ganda ng landing ah? Ano inisip mo wonder woman ka o darna?!" Matapos ay sabay-sabay silang nagtawanan

"Gusto mo balian din kita para malaman mo ang nararamdaman ko ngayon?"sarcastic kong tanong

Lumayo naman sila saka nagpeace sign."Aling Sasa yosi nga po.."baling ko sa tindera sa isang maliit na tindahan dito sa likod na parts ng campus namin.

"Nako.. Doti cutting na naman? Kayong mga bata talaga kayo oh."reklamo nya sabay iling"Aling Sasa wag na kayo magreklamo malaki naman ang naaambag namin dito sa tindahan nyo ah?"pangungumbinsi ko at inabot ang yosi. Sinindihan ko ito at agad na naramdaman ang nakakarelax na hagod nito sa lalamunan ko.. Ah a sign of relief!

"Pwede na daw pumasok sabi ni Julan, wala na daw yung boring na teacher."saad ni Chyna sa amin. Inapakan ko naman ang sigarilyo ko matapos ay medyo paika ikang naglakad. Napapangiwi ako sa bawat hakbang ko dahil sa kirot sa paa.

Pagpasok sa campus ay para kaming mga artista dahil sa bawat ikot ng ulo papunta sa direksyon namin"Ano, gandang ganda kayo sakin?"panunuya ni Janessa sa kanila. Agad namang nag iwas ng tingin ang mga studyanteng nadadaanan namin.

Pagpasok sa room ay isang nakabukas na braso ang sumalubong sa akin"ladies, ba't di nyo ako sinama namiss ko tuloy yung fun" saad ni Julan sabay yakap sa akin. Iniakbay nya ang braso matapos ako yakapin.

Binatukan naman sya ni Janessa dahilan kung ba't napakamot sya ng ulo"bawal sumama ang duwag, baka ikaw pa magsuplong sa amin kung sakali" napangiwi nalang si Julan dahil don

Naupo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Alam kong nangangamoy alak at sigarilyo ako pero wala along pakealam! That's who I am.. Walqng pakealam basta di lang ako pakealaman ayos na.

Yun din siguro ang dahilan kaya walang may lakas ng loob na magsumbong sa amin sa faculty. Nagkakarecord lang kami pag ang teachers mismo ang nakakahuli sa amin pero sa bandang huli nakakalusot parin naman kami pakitaan lang ng kaunting drama at mabulaklak na salita ayos na!

I know how to play some scenarios kahit nasa sitwasyon ako ay gumagana parin naman ang utak ko. I told you I wasn't called a player for nothing di lang sa buhay.. Pati narin sa puso

I am Dorothy Katana Cordero proud to be a player..

Player HeartsWhere stories live. Discover now