Chapter 1

2 0 0
                                    

"Patingin nga ako ng score mo.."untag sa akin ni Ellen sa malalim na pag iisip matapos ang quiz.

"Ang daya naman, nag aral naman akong mabuti bakit ganito parin mas mataas parin ang score mo?" She said and pout. Hinablot ko naman ang papel ko sa kanya"alam mo Ellen di naman kasi sa lahat ng oras kailangan mo magseryoso sa lahat ng bagay.. Minsan madali lang ang buhay pag marunong ka  makipaglaro. Gaya sa pag aaral pag masyado mo tong sineryoso map-pressure ka lang dahilan kung bakit nawawala ka sa focus at di na makapag isip ng tama ang susunod nyan madidis appoint ka saka mad-depress tapos magpapakamatay then paglalamayan at ililibing" napasimangot naman sya sa sinabi ko habang ako ay tawang tawa lang

"Puro ka naman biro Doti! Ano ba kasing sikreto mo?"pangungulit nya pa
"Psh. Pano na magiging sikreto yun kung sasabihin ko?"napaisip naman sya ng dahil dun"ah basta sige na Doti sabihin mo na?!"napangiti lang ako sa kanya

Ellen is always my competitive classmate.. Ayaw nyang nauungusan ko sya, di nya rin naman  ako malamangan o kahit mapantayan man lang. Ewan ko ba dapat nga talaga at nagseseryoso na kami sa pag aaral dahil gagraduate na kami ng highschool pero para sa akin di big deal. Alam kong makakagraduate ako, I'm confident about that kahit na maloko ako!

Nilabas ko ang phone ko at binasa ang mga walang kwentang texts.

From:09*******56
*hi.. Ako nga pala yung nakasayaw mo last time sa Astro Bar*

From:09******74
*Kamusta kana? Shot tayo*

From:09*******23
*asan ka? Lunch tayo then shot*

Napabuntong hininga nalang ako.. Wala man lang bang matinong magtetext sa akin? Nakakasawa na ang ganito. Tumayo ako para sana lumabas na ng room nang harangan ako ni Julan"at san ka pupunta?"

"Maglalakwatsa.. Wala na tayong klase diba kasi recess na?" Tanong ko, tumango naman sya sa akin saka ako inakbayan. Naging hobby nya na to ang pag akbay sa akin kaya parang naging kumportable narin ako."let's go.."

Bigla nya ako hinila palabas ng room. Julan is one of the famous guy in our batch.. Marami ang nagkakagusto sa kanya kahit na medyo may pagka sintu-sintu sya kaya di ko masisisi kungbmay maiinggit habang naglalakad kaming sobrang close sa isa't-isa.

Pagdating namin sa cafeteria ay maraming nakatingin. Sino ba namang hindi kung ang pinapangarap nilang Julan Natividad ay may kasamang pariwara na babae

"Yan ba yung gf nya?"
"Ewan ko.. Ano ba nagustuhan ni Julan dyan? Masyadong gusgusin kung manamit.. Para naman yang di babae eh"matapos ay nag hagikhikan na sila.. Psh! Nagbulungan pa, rinig na rinig naman kung inannounce nalang sana nila?

"Doti.. Keep your eyes on the way not on some bitch that's probably happy seeing you affected"napataas naman ang kilay ko at napatingin Kay Julan na sobrang lapit naman ng mukha sa akin. Nakaakbay parin sya habang nakapila kami. Ngumiti lang ako ng matamis"okay" saka hinalikan sya sa pisngi."good girl"rinig ko naman ang pagsinghap ng mga fans nyang nakakita.. Mamatay kayo sa inggit mga inggitera!!

Siguro iniisip nyong may something samin ni Julan but this is what we called pure friendship. Walang malisya yan.. We know the real score between us. At wala din naman kaming feelings sa isa't-isa!

Binili nya lang ako ng sandwich at coke in can. Ang galante talaga ng bestfriend kong to!

"Kumain ka puro ka alak"sabi nya"psh. Kaya napagkakamalan tayong mag on eh."saad ko sabay irap,natawa lang naman sya at ginulo ang buhok ko"alam mo namang ginagamit lang kita eh" prangka nyang sagot na nagpangiti sa akin.

Oo! Ginagamit nya lang ako at hindi magulo diba? Ganito kasi... Ginagamit nya ako para mapalapit kay Janessa.. Yes madla si Janessa talaga ang gusto nya at hindi ako that's the truth at yung isa ? Hindi nya naman talaga ako ginagamit lang dahil tunay ang friendship na pinapakita nya sa akin.

Ewan ko ba sa tukmol na to ba't di nalang diretsuhin ang kaibigan ko ng di na sya gumastos sa akin. Pero minsan useful din naman ang ganito nakakatipid kasi ako. Mwehehehe!

"Ano na wala ka paring gagawin para umamin? Mag iisang bwa na yang feelings na yan ah? Di ako magka boypren nang dahil sa yo"pag iinarte ko. Napahawak naman sya sa dibdib nya na parang nasasaktan talaga"aray ko, tinataboy mo na ba ako? Ayaw mo na ako maging kaibigan?"saad nya at umaktong parang naiiyak pa.

"Tado, eh kasi naman.. Pag di ka pa umamin iisipin ko na talagang crush moko!" Prangka kong sagot sa kanya. Natawa lang naman sya sa sinabi ko.. Abnoy talaga! "Kumportable din naman kasi ako sayo Doti kung pwede nga lang maturuan ang puso ikaw nalang kasi, kaso hindi eh.. Sa kaibigan mo ako may tama" saad nya at parang nag dedaydream pa. Binato ko naman sya ng coke in can na walang laman"ang hard mo talaga sa akin"matapos ay natawa na naman sya.

Matapos ang recess ay hawak kamay kaming naglakad pabalik ng room. Binati naman kami ng ibang mga kakilala namin. Malaki ang school pero halos magkakakilala lang ang mga studyante. Yearly kasi ay nakashuffle kami kaya ang labas we will know others from the others that we have encounter.

Pero meron din namang nagsstay kung along section sila. Pero ako? From the highest section to the lowest ang trip ko.. I never got low grades it's just that, maloko lang ako kaya napunta ako sa last section. Pero di naman yun big deal Mas mabuti nga marami akong makasalamuha...

Nang sumapit ang hapon ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko. Paminsan mo lang ako makikita na natatapos ang klase. Dalawang bagay lang naman kasi ang nagpapastay sakin sa class. Una ay yung mga kaibigan ko pangalawa is yung crush kong teacher na twing  Thursday at Tuesday lang kung pumasok.

"Oh san ka na naman?"pangungulit na naman ni Julan"kina Koreen, patapos na rin ang klase nila eh" matapos ay ngumiti ako sa kanya ng matamis. Inginuso ko naman si Janessa "Bhe hinahayaan naman kitang ikiss ako sa pisngi pero masyado kang abusado nakareserve ang first kiss ko--"di na nya naituloy ang sasabihin matapos kong hablutin ang kwelyo ng polo uniform nya.

"Gusto mong masapak? Ang gusto ko lang naman diskartehan mo na habang may pagkakataon ka pa buwan nalang ang bibilanginvat gagradute na tayo.." Nanggigil kong bulong sa kanya. Namutla naman sya na parang nakakita ng multo at napalunok. Tinapik ko ang pisngi nya nilagpasan sya " Alis na ako. Mag iingat kayo Janessa.. Bye!" Matapos ay tumakbo na ako papunta sa room ng best friend kong si Koreen " Baaaaaabbbee.." Sigaw nito nang makita akong palapit. Niyakap nya naman ako na parang sampung taon kaming di nagkita.

"Ano uwian nyo na?" Tanong ko" yep! Kayo ba?" Tumango rin ako"kaso di pa bukas ang gate eh" sabi nya. Nagkatinginan nalang kami na parang parehas ang naiisip. Namalayan nalang naming nasa tas na kami ng pader sa matalahib na parte ng campus at dahan-dahang bumababa. Mahirap na di pa naman masyado maayos ang paa ko.

Nagmimeryenda kami dito sa malapit na bakery ng school namin ng pudding at tree na juice. Naubos na allowance ko dahil iniambag ko sa tequila kanina na di man lang nakalahati.. Buset!

"Party daw tayo mamaya.. Nag aya sakin si Sky remember him?"Koreen said. Nag isip naman ako sandali"wala na ako allowance next week pa" tanging sagot ko." Doncha worry babe all expense paid ni Sky ito" confident nyang saad. Napatango nalang ako

Sumapit ang gabi and found myself at the dancefloor being wild with the music again. Alam ko bata pa kami.. Minors to be exact pero dahil sa tindig at ayos namin ay di naman gun mahahalata as long as we use our brains on how we can get out in case of trouble...

"Whoooo! Partyyyy!!" Sigaw nang may tama nang si Koreen. Aaminin ko medyo  umiikot naein ang paningin ko. Pero kailangan imaging matatag.

Gegewang gewang kami ni Koreen habang naglalakad pauwi ng apartment ko." shot pa!" Sigaw nya ng nakataas pa ang kamay.. Nang makapasok ay itinulak ko sya sa kama dahilan kung bat sya gumulong papunta sa kabilang side at nahulog sa sahig"Aray ko po masakit Doti" reklamo.. Pero nagpatay malisya lang ako"Sus lasing ka lang kaya mo yan nararamdaman"pagrarason ko. He he wag nya sanang maalala na tinulak ko sya..

--
First chapter lutang 😁

Player HeartsWhere stories live. Discover now