RUN!

20 0 0
                                    

 ‘hay naku, san ba bahay non lokong yun? Sabi niya nasa may pulang gate na nalililiman ng malaking puno ng mangga ang kanilang residensya. Pero halos lahat naman ng kabahayan rito eh ganon ang itsura eh. Badtteerrpp!’

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad lakad ng mapatigil siya sa isang malaking bahay na may malaking compound, nakita niya kasi na nakaparada don ang kotse nung si sungit. Napangiti siya. “finally.” Nasambit niya.

Lumapit siya dito at nagdoorbell….nang nagdoorbell…nang nagdoorbell. Hehe. Walang tao, kawawa naman ang bida natin.

Lumapit siya sa may gate only to find out na nakabukas pala ito. “Ay peste. Bukas ka palang tae ka, pinahirapan mo pa ako.” She decided to get in.

When inside the compound, tumingin tingin muna sya sa paligid. “Wow, may swimming pool pa. tutyal.” Maya maya pagkatapos malibang napagdesisyunan na niyang hanapin ang kung sino mang nasa loob ng bahay. “Tao po.. tao po? May tao po ba riyan?........

..yuhoo? hello? Is anybody here?...

…po tao? Tao po………” narealize niyang para na siyang tanga. She decided to leave the façade and went at the back part of the house.

Kaliwa kanan ang tingin ni Sherry Lou. Ang laki kasi talaga ng bahay. Nalilibang siya masyado sa pag oobserve. Ang daming nakakaagaw ng kanyang atensyon ngunit sa paglalakad niya, di niya inaasahan na matatapilok siya sa isang nakausling bato.

At hayun.. nadapa siya. “ouch! Aruy! Sakit.” Daing niya. Hinimas himas niya ang nasaktang tuhod at paa. Nagkasugat ito at dumudugo. “Grabe. Parang magkakapilay ako.”

Bigla ding kumirot ang kanyang noo, nang hawakan niya ito, naramdaman niya ang mainit na likido, tiningnan niya ang kamay niya. Mayroong dugo. “hay kung minamalas nga naman.”

She tried to stand up but to no avail. Napaupo muli siya, napayuko na lang hanggang sa….

Makarinig siya ng…

Nakakatakot na tunog.

Mabangis na tunog na kinakatakutan niya mula pa nung paslit pa lang siya. “God, don’t let it be….”

Napaangat siya ng tingin. “No..” biglang tulo ng luha sa mata niya and she suddenly hyperventilated. Dalawang k9 dogs ang kanyang nakita. They were mad, and ready to attack and break her bones into pieces.

Grabe na ang paghyperventilate niya. She can’t breathe anymore, nakita niyang papalapit na ito sakanya. Tumatakbo ang mga ito. At don naisip na niya ang katapusan niya. “Papa, ingatan nyo po ang sarili nyo….” Naisigaw niya before everything went black.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

a thousand miles and a thousand cliffs for my one big wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon