ENJOY READING GUYS!!!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ -------------------------------------------------------
Shelou Zaragosa
Accountant, twenty years old.
About me? Hmm..,my friends usually call me as “bangko ko, angat ko”. Ewan ko ba, pero totoo naman talaga na maganda ako, kahit pa nga morena ako, I consider this as my asset. Lol.
Lukaret daw ako minsan especially sa mga Korean novellas! Just can’t get enough of them!!
Love?....hmm, pending. For me I don’t want to rush things, marami pa naman mgkakagusto sakin kahit mag thirty na ko no!
--and i’m still a virgin!! hahaha
CHAPTER 1
“She, ano ba?!” nakasimangot na sita ni Laila kay Shelou dahil panay ang hampas nito sa kanya. Si Shelou naman ay parang walang narinig dahil tuloy pa rin ito sa ginagawa at impit ang pagtili nito habang pinapanood sa youtube ang isang KOREAN film kung saan naroroon ang ultimate crush niya.
Kasalukuyan silang naroroon sa Johnny's coffee, ito ang pinakapaborito nilang tambayan mula pa noong highschool at kahit hanggang ngayon ay ito pa rin ang tambayan nila.
“Ang pogi nya talaga! You know what guys? I’m willing to give up everything for him. As in everything!” Wika nito sa kanila na walang kakurap kurap ang pagtitig sakanyang crush. Nagkatitigan naman silang magkakaibigan, sabay iling.
Maya maya ay napansin nilang nakalukot ang mukha ni She at parang maluluha ito.
“Que horror! She, will you stop that?” sita ni Laila. Si she naman ay inosenteng napatingin dito with pouting lips.
“Ang ano?”
“Yang kadramahan mo, kanina lang titili tili ka tapos ngayon eh para kang maiiyak, tingnan mo tuloy pinagtitinginan na tayo ng mga tao.”
“Sus, di ka na nasanay diyan.” wika naman ni hailey, ang bunso ng barkada.
“Haysus, hayaan mo silang malurki! Eh sa talaga namang nakakadala tong pinapanood ko, wapakels!”proud namang sabi ni she.
“Hmp! Sige kapag pinagtawanan ka, wag kang umasang reresbakan kita!” hamon ni Laila.
“Fine!” and she stucked her tongue out on her. Natahimik na lang ang lahat sa tinuran nito.
“Oy may pogi!” mahinang tili ni hailey.
“Oh My! san? ” tanong ni Shem, ang pusong babae sa kanila, habang hinahanap ang tinitingnan ng kaibigan.
“San ba, Hale? Wala naman ah” hinahanap pa rin ni Shem. “Ayun nga, may kausap sa phone, dito ka kasi para makita mo”. Nakukublian kasi ito ng poste kaya hindi masyadong makita sa pwesto ni Shem.
“Hay Hale, you’re so vigilant talaga pagdating sa pogi. Tabi nga dyan at nang makita ko naman ang hulog nang langit, hindi yung ikaw lang ang nag eenjoy no!” agad namang tumayo si Hailey para pagbigyan ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
a thousand miles and a thousand cliffs for my one big wish
Romanceistorya ito ng isang babaeng may nunal sa pwet......lol.jowk lang..lagi lang talaga siyang minamalas, and then she met this rude slash super gorgeous guy. their story started when this jinx girl chased the other half of her heart na ang nagmamay ari...