Simula

5 0 0
                                    

Guy

"tala ano sasama ka na?"

"Saan naman tayo?" Kausap ko ngayon ang isa sa mga kaibigan ko na si Natalia

"Sa quitinday falls, magdadala naman ng kotse si mark syaka uuwi naman tayo ng maaga"

Kakatapos lang kasi ng final exam kaya siguro gustong magswimming ng buong tropa.

"Sige uuwi muna ako para makakuha ng two-piece at para makapagpaalam na din"
Gusto ko din magligaliw tutal tapos na din ang exam.

"Sige daanan ka namin sa bahay nyo"

Nang maghiwalay ay agad na kong dumeretsyo sa nakaabang na sasakyan namin, siguro magpapaalam ako kay manang tutal wala naman si mama syka dad laging busy at laging nasa ibang bansa pero kahit ganon ay di naman ako tulad ng ibang nagbubulakbol, maayos ang pagsasama namin ng pamilya ko umuuwi naman sila kapag special na occasion syaka di naman ako yung taong nagtatanim ng sama ng loob lalo na sa pamilya ko.

"Manang lalabas po kami nila Natalia pupunta kami ng quitinday falls baka alas singko po ay pauwi na kami"

"Isama mo si mang karding para may magbantay sainyo"

"Wag na po, magdadala ng sasakyan si mark sasabay na lang po ako sakanila"

"Oh sya sige basta umuwi ka ng maaga" bilin niya

"Opo"

Nang makapagpaalam ay agad naman akong umakyat sa kwarto para makapagbihis at makapagayos ng dadalhin.

"Iha anjan na sila natalia"wika ni manang ng makapasok sa loob ng kwarto

"Opo manang"
Sabay na kaming bumaba ni manang bitbit ang isang bag at basket na puno ng prutas ay sumakay  na ko sa sasakyan.

"Hi tala, musta ang exam?" Tanong ni mark

"Sobrang hirap" sagot ko rito

"Nahirapan ka tala, eh 1 mistake ka nga lang" wika naman ni Natalia

"Mahirap kaya syaka yung kay ma'am aragon sobrang hirap feeling ko nga mababa score ko don"

"Sus!sige nga saan ka part nahihirapan don! Eh Ang talino mo kaya! Samantalang ako nga napaka bobo!"

"Natalia walang bobo na tao sadyang tamad ka lang magaral kaya mahina"

"Magpapatuitor na ko sayo! Sa pasukan graduating na tayo tapos baka di ako makagraduate!" Humalaklak Ito at tumitig ulit sa kanyang cellphone

"Hayst inuuna mo pa kasi ang pagboboyfriend kaya ka bumabagsak!"

"Alam mo bitter ka lang! Buti pa tong si mark same vibes kami"

Tumingin ako kay mark na busy sa pagdadrive

"Bakit mark may bago ka nanaman?"

Papalit palit kasi ng girlfriend itong si mark 1 week na pinakamatagal

"Tawa tawa ka pa jan mark balita ko college jowa mo!eh highschool ka pa lang"

Nagulat ako sa sinabi ni Natalia as in college!

"Wala na kami non natalia"sagot naman ni mark

"Eh Sino nga kasi!?"

"Naghahanap pa!" Tuwang tuwa ako sa pagaaway ng dalawa kinukulit kasi ni Natalia si mark kung sino yung nililigawan nya ngayon!

Nakarating kami sa falls ng mag aalas dos at naghihintay na raw samin ang iba naming kasama tanaw ko na ang cottage na paglagyan ng mga gamit namin matagal na rin nung huling punta ko dito at wala namang nagbago.

Nang matapos kaming magbihis ay agad na kong sumulong sa tubig sobrang sarap sa pakiramdam, nakaka alis ng stress.

"Hi Tala!" Bati ng Isa kong kalila
Kinawayan ko lang ito bilang pagbati

"Uy tala!may nakita akong gwapong lalaki shittttt lang andon sa may kabilang cottage!"

"Ewan ko sayo Natalia!" Nagbasaan kaming dalawa at kalaunan ay napagod napagdesisyunan naming magpahinga muna sa cottage at kumain na rin para makabalik ulit sa falls. Alas kwatro na din at baka gabihin pa kami sa daan liblib pa naman itong falls.

"Tala ayon yung gwapo oh"panay turo ni Natalia sa kabilang cottage as if naman enteresado ako

Tumingin ako sa lalaking kanina pa ikinukulit ni Michelle, matangkad Ito at sobrang puti makapal ang kilay at kissable lips din hayst bat ko nga ba diniscribe eh wala nga pala kong pake

"Omg!!!tumingin dito tala!!"

"Hayst..bilisan mo na nga jan at mag aalas singko na!" Saway ko rito

Pinagpatuloy naman niya ang pagkain at bumalik sa kanyang cellphone at ako heto panay sulyap sa lalaking kanina pa nakatingin sakin. Anong problema niya?bulgar na bulgar kung makatingin!

"Magpalit na kayo tala at Natalia at uuwi na tayo" wika ni mark

"Sayang gusto ko pa sana maligo ulit" nalungkot din ako sa sinabi ni Natalia kahit ako ay gusto ko ding magswimming ulit kaso baka abutin pa kami ng gabi

"Next week balik na lang tayo syaka umaga na tayo pumunta para mahaba habang oras ang maigugol natin" ako naman

"G sa nextweek! Sa katapusan pa naman ang enrollment diba?"tanong ni Natalia

"Oo" sagot ni mark

"Edi tara na balik na lang tayo nextweek"

Nang makapagbihis ay tumulak na kami pauwi naihatid ako nila mark bago mag alas singko pagkatapos magpasalamat ay agad na kong bumaba sa sasakyan.

After kong magbabad sa bathtub ay naisip ko muli yung lalaki kanina, aaminin kong gwapo syaka mukhang anak ng mayaman pero yung mga mata niya parang mahina at parang pasan niya buong mundo ewan ko lang baka guni guni ko lang yon!

The One That Got Away (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon