First day
Wala namang ganap sa mga natitirang bakasyon namin, nagswimming at nagmall lang kaming magkakaibigan. Nung sunday naman ay pumunta kaming bar para uminom muntik na nga kaming hindi makapasok dahil below 18 pa kami, buti na lang kilala ni mark yung may ari kaya pinayagan kami, actually di naman ako naglasing, si natalia lang naman ang umuwing lasing, na sobrahan sa tequila ang gaga.
Maaga kaming pumasok dahil ngayon pa lang namin hahanapin ang magiging section namin, buti na lang ay magka klase kaming tatlo.
Andito kami ngayon sa room, napili naming sa pinaka likod umupo para di mapansin ng teacher, kanina lang ay kami lang ang tao dito paunti unti ay nagsisidatingan na ang iba.
"Tala!" Tawag ng isa sa mga naging kaklase ko noon"Dito ka din ba?" Tanong ko
"Oo, naligaw pa nga ko kasi akala ko nasa kabilang room yung section natin" natawa kami dahil sa ikinuwento ni Denise
"Nakita ko sa list na classmate natin yung anak ng prinsipal" nagulat ako sa sinabi ni Denise, di ko man lang napansin ang pangalan ng lalaking yon
Maya maya lang ay dumating na din yung lalaking laman ng kwento ni denise, masyado akong naging ukupado kaya di ko man lang napansin na nakalapit na ito sa banda namon
"Pwede bang umupo dito?" Lahat ng mata ay nakatingin samin kahit itong mga kaibigan ko kulang na lang ay maglaway itong bestfriend ko
"Ah okay lang sakin wala namang nakaupo jan"
Buti na lang di ako nabulol
"Salamat" agad itong umupo sa tabi ko at inayos ang gamit niya buti na lang ay dumating na ang magiging teacher namin at natuon sakanya lahat ng atensyon ng mga kaklase ko.
"Hoy gaga! Kilala ka niya?" Tanong ni Denise
Lunch na kaya nasa canteen kami ngayon, kasama ko si Denise at Natalia"Nakilala ko lang noong kasagsagan ng enrollment"
"Type yon ni tala" panlalaglag naman ni natalia
"Manahimik ka nga" sagot ko rito,nakakahiya baka may makarinig
"Diba anak ng dean si cloud?" Tanong ni Denise
Hindi na ko nakasagot ng biglang pumasok sa canteen ang grupo ni cloud , lahat naman siguro natahimik dahil sa pagdating ng kalalakihan lalo na si cloud.
First day palang nakaka agaw na agad ng pansin, syempre gwapo syaka mayaman kaya magugustuhan talaga sya ng lahat."Ang tahimik tala ah!" Bigla kong bumalik sa reyalidad ng magsalita si natalia " hoy Denise! reserved na yan kay tala."
"Gaga! Titingin lang naman e!" Sagot naman ni Denice
"Ewan ko sainyo!" Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko para maka saglit man lang sa library " bilisan niyo na pupunta pa kong library"
Inirapan lang ako ng dalawa at nagpatuloy na din sa pagkain nila.Natapos ang buong klase na puno ng stress dumagdag pa tong dalawa kong kaibigan na panay asar sa likod ko ,dahil katabi ko raw crush ko. Gusto ko na nga lang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan dahil feeling ko naririnig ni cloud ang pinagsasabi ng dalawa.
"Sasabay ako sa sundo mo tala" si natalia
"Di ka pa uuwi?" Tanong ko rito,habang sabay sabay kaming naglalakad palabas ng gate.
"Tambay muna ako sainyo"
"Cge"
"Mauuna nako sainyo" pagpapaalam ni Denise
"Ingat ka"
Kumaway ito at dumeretsyo na sa sundo niya
🙂
BINABASA MO ANG
The One That Got Away (on going)
Short StoryNote: Sariling storya, sariling imahinasyon kung may pagkakapareho sa iba ay di sinasadya at nagkataon lamang. Plagiarism is not in itself a crime, but like counterfeiting fraud can be punished in a court for prejudices caused by copyright infringem...