🍓KABANATA UNO

5 1 0
                                    

Matagal na kaming mag ka relasyon ni Mark, yes matagal na, it's been almost 3 years na road to 4 years na kami.

Wala paring nagbabago sa relasyon namin. Mag aaway man kami siya yung nagpapakombaba palagi kasi mataas ang pride ko. Maldita akong tao pero kahit ganito ako wala akong balak na iwan si Mark at saktan dahil mahal na mahal ko siya.

And today is my birthday, I'm 24 years old. Ahahahaha tanda ko na.

"Joan, do you think he will come?" mataray niyang tanong sa akin.

"Yes ngayon paba siya hindi darating, every birthday ko he is always here and surprise me" masaya ko namang sagot sa kanya pero deep inside ay para bang kinakabahan ako at sumisikip ang dibdib ko.

"Joan, ang tao nagbabago rin, do you think you are still?" mataray niyang tanong sa akin para bang may pino-point siya sa sinabi niya.

"What's your point Claris? Diretsuhin mo nga ako" napataas na ang boses ko at kinakabahan na ako.

"Hindi mo ba alam na nasa bar si Mark ngayon?" medyo mataas nadin ang boses niya. Para ko na siyang kapatid kaya hinayaan ko siya na taasan ako ng boses.

"What? What is he doing there?" nabigla ako ng subra sa sinabi niya sa akin at nanikip ang dibdib ko, grabi na ang kaba at nanginginig na ako, di ko na alam ang gagawin ko 'pag bumalik si Mark sa nakaraan niya.

"I don't know! Look" sabay patingin niya ng picture sa akin ni Mark  na nasa bar kasama ang friends niya at may kasama pang mga babae.

Napatulo ang mga luha ko sa nakita ko, halos hindi ako makapag-salita at hindi makapaniwala sa nakita ko.

Agad kong kinuha ang bag ko para pumunta sa bar na kung saan andoon si Mark.

"Huy! Where are you going?" sabay hawak sa kamay ko na siyang kinatigil ko.

"Sa lintik kong boyfriend" namumuot na ako ng galit.

"Wait Joan, wait" sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako na wag pumunta doon. "Do you think pag nanggulo ka doon pag gising mo sa umaga may babalikan kapa? Look Joan, lalaki lang yan, di mo deserve na masaktan. Noon pa natin alam na babaero yang si Mark pero tinanggap mo siya sa buhay mo, pinapasok mo siya sa tahimik mong mundo kahit alam mo na masasaktan ka parin sa huli. Oo nagbago siya dahil mahal ka niya. Asan na yung sinasabi niya na mahal ka niya? Kung mahal ka niya di sana hanggang ngayun nag bago parin siya pero asan siya unti unti ng nagbabago, bumabalik na siya sa dati kong ano siya at kung ano ang pinanggalingan niya. Wala kang alam sa mga nangyayari Joan kasi kahit nasasaktan ka na pinipilit mo parin ang sarili mo sa mga bagay na subra ng tumutusok sa sarili mo. Weak up Joan for that fucking love" tumaas na ang boses nito.

Halos nanikip na ang dibdib ko sa sakit dahil sa sinabi ni Claris at sa mga nalaman ko.

Napaluhod nalang ako at napaupo sa labas ng pinto namin habang inalalayan niya ako hanggang sa maka upo ako. Nakasandal ako sa dibdib niya at umiyak ng umiyak.

"Gago siya" nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya at bumuhos na ang mga luha ko.

"Di mo deserve yang sakit na nararamdaman mo ngayon. Hayaan mo siya Joan hanggang sa mapagod siya na halos wala kanang gana sa kanya, iparamdam mo sa kanya ang sakit na nararamdamam mo nong mga panahon na sinaktan ka niya" sabay haplos sa balikat ko.

Di ako sumagot sa sinabi niya sa akin umiyak lang ako habang nakasandal sa dibdib niya.

[9:00 PM]

Andito ako sa kusina umiinom ng wine habang hinihintay siya.

Makalipas na ang mga oras dumating na si Mark.

"Hon" masaya niyang sabi sa akin.

Di ako sumagot sa kanya, at nakatitig lang sa kanya. At kitang kita ko sa mukha niya ang pagtataka at kaba.

"Hon" tawag niya ulit sa akin at sabay halik sa akin. Agad ko iniwas ang halik na ibibigay niya sa akin.

"Hon, I'm sorry I'm late, napainum lang kasama ang mga kaibigan ko" nakangisi lang ito pero di ko siya nginitian o inaasekaso siya.

"Anong oras na?" Relax lang ako sa pagsasalita at patuloy sa pag inum ng wine.

"U-uh..."nauutal utal niyang sagot sa akin.

"Anong oras na" nang gigigil na ako at hinawakan ko ang kotselyo.

"U-uh-uhmmm..."nauutal parin niyang sagot sa akin.

"Anong oras na!.." sigaw ko sa kanya at sabay tinusok ang kotselyo sa mesa na sinasandalan ko at ang pinapatungan ko sa wine.

Nakita ko sa mga mata at labi niya na natakot siya sa akin.

"H-hon" nauutal niyang sabi sa akin.

"Sino kasama mo doon?"relax ko parin na tanong sa kanya.

"S-s-si J-j-joseph at M-miko" utalutal parin niyang sagot sa akin.

"Sino pa?"relax parin ako sa pagsasalita.

"Yun lang hon"sabay lapit niya sa akin at pumunta sa likod ko at niyakap ako at nakangisi lang ito. "Selos ka naman, wala akong babae doon" pabulong niya sa akin sabay kuha ng kotselyo na hinawakan ko at nilagay niya ito sa kabilang mesa at yumakap sa akin ulit.

"Sinungaling" sabay tulak sa kanya.

"Babae? Ayan ka nanaman hon, nagseselos ka nanaman" galit na ang boses niya.

"Kapal mo no! Ikaw pa ang may ganang magalit sa akin. Samantalang ako nag bibingihan nag bubulag bulagan kasi akala ko nag bago kana pero hindi parin pala. Puro ka salita wala ka sa gawa hinayupak ka" mataas na ang boses ko sa kanya.

"Ano ba yang sinasabi mo! Wala akong masamang ginagawa doon nagkatuwaan lang kami doon" napataas na rin ang boses niya.

"Nagkatuwaan" mahina kong sagot sa kanya at nakataas ang isa kung kilay. "Katuwaan sa mga babae? Ang landi mo! Ang landi mo" malakas kung sabi sa kanya at tumulo na naman ang mga luha ko, di ko mapigilan ang sakit na naramdaman ko sa tuwing nag aaway kami.

"Babae? Tang ina mo Joan. Babae na naman! Babae na naman ang pag aawayan natin!"galit na galit na rin siya sa akin para bang ako na ang may kasalanan.

"Ikaw ang potang ina Mark, wag mo akong murahin dahil mas putang ina ka hayup ka wala kang kuwenta! Puro pagpapakasarap lang nasa utak mo! Ang landi mo! Malandi ka! Hayup ka! Hayup!" patuloy parin ang pag buhos ng mga luha ko.

"Okay hayup na kung hayup, demonyita ka naman! Hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa pagtrato mo sa akin. Napaka manhid mo Joan, nagkasala lang ako ng kaunti kahit wala ka naman ebendesya na ginawa ko yun, ayun halos mabaliw na ako kakaisip kong ano gagawin ko baka iwan mo ako. Dinadagdagan mo kasi ang mga bagay na dapat yun lang, hanggang doon lang. Nagpapaniwala ka sa mga tao na wala namang katutuhanan ang mga sinasabi nila" mataas parin ang boses niya sa pag sagot sa akin.

"Meron Mark! Nasa akin ang deperensiya dahil nagpakabingibingihan ako dahil mahal kita, that's my bigest mistake na ginawa ko sa buong buhay ko. Dahil sa pagmamahal ko sayu yung relasyon na sana matagal nang natapos pero inaayus ko parin dahil mahal kita" halos sunod sunod na ang pag buhos ng mga luha ko.

"Tapusin na natin 'to, noon mo naman pala gusto tapusin to ba't mo pa pinapahaba?" Sabay talikod sa akin at umalis.

Wala na akong ibang magawa kun'di ang umiyak lang ng umiyak nakasandal ako sa upuan sa kosina namin, wala na akong ibang iniisip kun'di   ang... ano na kaya ang mangyayari sa amin sa alitan namin ngayun, dapat ko lang gawin ay maging handa kung ano man ang susunod na mangyayari .

"Valetines Break Up"Where stories live. Discover now