[KINAUMAGAHAN]
Bigla kong naalala ang away namin kagabi mi Mark, napatulo bigla ang mga luha ko ng malala ko ang nangyari sa amin kagabi. Asan na kaya siya ngayun? Kumusta na kaya siya? Saan kaya siya natutulog ngayon? Yan ang mga tanong ko sa sarili ko. 'Di ko alam kahit anong away namin pagkatapos pag bumalik siya tatanggapin ko na naman. Kahit mataas ang pride ko sa kanya pag bumalik siya tatanggapin ko ulit.
Habang na sa kusina ako nakatulala lang at iniisip ko na...
"Hanggang dito nalang ba kami lord? Hanggang dito nalang ba ang relasyon namin ? Di ba talaga kami ang pwede para sa isat isa. Sana kami nalang lord" nakatulala lang ako at biglang tumutulo ng kosa ang mga luha ko na hindi ko namamalayan.
"Joan" tawag sa akin ni Claris at agad akong nilapitan. Nakatulala parin ako at di ko siya pinapansin. " Asan na ang hinayupak mong jowa? Asan na?" galit niyang tanong sa akin at inuga uga ako pero hindi ako sumagot sa tanong niya at nagpatuloy lang ang pag agos ng mga luha ko.
"Sumagot ka Joan! Wag kang umiyak jan! Lalaki lang yan!" mataas ang boses niya sa akin.
"Mahal na mahal ko siya Claris" sunod sunod ang pag tulo ng mga luha ko at nakatunganga parin.
"Mahal, ano ba! Kailan mo ba ititigil ang lintik na pag ibig na 'yan! Sinuportahan kita kasi akala ko makakabuti siya sayo, mabuti ang maidudulot niya sayo. What the hell Joan, wake up to the truth na niloloko kalang niya" mataas parin ang boses niya sa akin.
"Hayaan mo na ako Claris! 'Bat ba nangingialam ka sa buhay ko ha! Kaibigan lang kita! Wag kang mangialam sa buhay ko dahil buhay ko 'to, hindi mo ito buhay! Kung ganyan lang kadali sayo na e give up ang taong mahal mo ako hindi" nataasan ko siya ng boses dolot lang siguro iyon ng sakit na nararamdaman ko na mahirap mawala at matanggap na wala na kami ni Mark.
Matagal siyang naka sagot sa akin at ako naman patuloy parin sa pag agos ang mga luha ko.
"Bakit ba kasi kahit nasasaktan ka na pinipilit mo parin ang sarili mo sa kanya?" hindi na mataas ang boses niya sa akin at parang tutulo na ang mga luha sa mga mata niya.
"Wala kanang paki alam! Wag ka naring maki alam sa buhay ko! Bakit? Nagmahal ka na ba ng subra? Diba hindi dahil laro laro lang ang na sa isip mo! Pinaglalaruan mo lang ang mga lalaki na...." hindi ako nakapagsalita ng biglaan siyang sumabat.
"Tama ka Joan! Oo nilalaruan ko lang sila. Hindi mo din alam kong anong nakaraan ko kaya ko ito nagawa, di mo alam kung ano ang sakit na nararamdaman ko sa mga panahong iniwan niya ako at pinagpalit sa iba kasi nag sawa na siya! Di mo alam ang katutuhanan sa nakaraan ko at kung makahusga ka sa akin alam na alam mo ang kuwento ko! Akala ko ba kaibigan kita, hindi karin pala totoo" pinunasan niya ang mga luha niya at sabay umalis sa harapan ko.
Ang dami ng nawala sa akin. Pati pa naman ang matalik kong kaibigan na para ko nang kapatid mawawala pa.
[Kinaumagahan]
[7:00AM]
Andito ako ngayon sa sala ng bahay ko at nakaupo lang sa sofa at iniisip kong ano na ang mangyayari sa akin ngayung wala na ang mga taong importante sa buhay ko at masasandalan ko.
"Joan" napatigil ako bigla sa pag iisip ng marinig ko na may boses ng lalaki na kaboses ni Mark.
"Joan"sigaw niya sabay tulak ng gate.
"Sir... hindi po talaga kayo pwede pumasok" sabi naman ng guard sa kanya.
"Papasukin mo ako! Kakausapin ko si Joan!" sagot naman niya sa guard at sinabayan pa niya ng pagtulak ng gate. "Joan...." sigaw ulit niya .
"Hindi po talaga pwede sir" sabi ng guard sa kanya.
"Joan... lumabas ka jan... mag usap tayo... parang awa mo na kausapin mo ako... lasing lang ako kagabi! Joan... please maawa ka" sigaw niya sabay tulak sa gate at sinipa pa niya ito.
Sa pagsipa niya ay na injury ang paa niya.
Sinilip ko kung sino ang sumisigaw at nagmamakaawa, at nakita ko si Mark pala, bigla nalang tumulo ang luha ko ng makita ko ang pagmumukha niya.
Agad kong pinunasan ang mga luha na tumulo mula sa mga mata ko at lumabas ako ng bahay at agad sinabihan ang guard na...
"Papasukin mo" agad akong bumalik sa loob ng bahay.
"Joan" tawag niya sa akin pero di ko siya pinapansin at patuloy parin ako sa paglalakad.
Pagkarating ko sa loob ay umupo ako sa sofa.
"Joan, mag usap tayo" mahinhin lang ang boses niya at parang may mali sa lakad niya.
"Anong nangyayari sayo?" nag aalala kong tanong sa kanya at agad naman itong nawala.
"Sinipa ko kasi ang ng gate kaya ito napilayan, pero don't worry I'm okay, maliit lang na injury" sagot naman niya sa akin at parang nasasaktan siya sa pilay ng paa niya.
"Ipagamot mo yan baka mapaano pa yan" sabi ko naman sa kanya .
"Consern ka parin sa akin? So pinapatawad mo na ako?" masaya niyang sabi sa akin na siyang ikinatingin ko sa kanya.
" 'Di ibig sabihin na concern ako sayo ay pinapatawad na kita. Ano ka sinuwerte. Ano pala ang pag uusapan natin?" mataray kong sagot sa kanya at bumalik ang attention ko sa pagbabasa ng books.
"Patawarin mo na ako joan"mahinhin lang ang boses nito na nagmamakaawa sa akin.
Napatingin ako sa mukha niya at tumayo. "Patawad? Naririnig mo ba yang sarili mo Mark, ha! Ikaw na ang tumapos tapos ngayun aayusin mo na naman! Lilipas na naman ang mga araw tatapusin mo na naman tapos aayusin mo!"mataas na ang boses ko sa pagsagot sa kanya.
"Papatunayan ko sayo Joan na ikaw lang talaga, promise. Patawarin mo na ako at bigyan pa ng isang pagkakataon na magbago"pagmamakaawa niya sa akin.
"Mahal naman talaga kita Mark, ewan ko sa tuwing nagmamakaawa ka sa akin para bang.... ewan ko talaga"naiinis kong sabi sa kanya.
"Mahal mo naman pala ako pagbigyan mo na ako, parang awa mo na Joan"pagmamakaawa niya sa akin at sabay hinawakan ang dalawa kong kamay.
Ngumiti ako sa kanya at...
"Kung hindi lang kita mahal Mark matagal na siguro kitang hiniwalayan"naiinis kong sagot sa kanya.
"So... pinapatawad mo na ako?" nakangiti siya ng alinlangan na ngiti dahil baka sumagot na naman ako ng hindi.
Yumango lang ako sa kanya.
"Maraming salamat Joan promise hindi na mauulit" sabay yakap sa akin at agad naman siya umalis mula sa pagyakap sa akin ng mahigpit nadama ko ang saya niya.
"Talaga lang ha, aasahan ko yan"ngumiti ako sa kanya at nakita ko na 'yun din ang kinasaya niya.
"Oo naman pangako"masayang masaya siya at niyakap ako.
Pinatawad ko si Mark dahil mahal ko siya at siguro ganon talaga pag mahal mo ang isang tao kahit gaano pa kalaki ang kasalanan niya papatawarin mo talaga siya.
YOU ARE READING
"Valetines Break Up"
Roman pour Adolescents🍒Incomplete || Under editing. The background photo is not mine.