(Enjoy Reading!)
~0~
"Ito ho pala ang bahay ninyo, Lola Luna, Lolo Ed." sabi ni Tangerine nang makababa kami mula sa sasakyan nila.
"Oo ito nga, hindi gaano kalakihan. Pumasok muna kayo." pag-aaya ni Lola Luna.
"Oo nga, ipagtitimpla ko kayo ng tsokolate." sabi ni Lolo Ed.
"Sige po. Maraming salamat po." pasasalamat nilang dalawa. Ako na ang nagbukas ng pintuan at pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa tabi lang, kaya lumiwanag na ang buong sala.
Pumasok kaming lahat sa loob ng bahay, inayos ko lang ng kaunti ang mga unan sa mahabang upuan pagkatapos ay binuksan ko ang electricfan.
"Ang pagtitinda po ng gulay ang kabuhayan ninyo? Saan po kayo humahango ng mga paninda?" panimula ni Tangerine. Si Lolo Ed ay nagpunta na sa kusina para magtimpla ng tsokolate.
"Oo hija, may hindi kalakihan kaming pagmamay-ari na bukid. Doon namin kinukuha ang mga paninda, maging ang pang araw-araw na kailangan." sabi ni Lola Luna.
"Ganoon po ba? Grabe, kaya po pala napakagaganda ng mga paninda ninyo, mas lalong sumarap ang mga putahe kanina dahil doon, magagamit pa namin ang iba para bukas." sabi ni Tangerine.
"Kami kasi ang nagtatanim, kami rin ang nag-aani, kapag hindi maganda ang kinalabasan ng gulay, itinatapon namin ito o kaya kinakain namin ang parteng ayos pa. Upang walang sayang." sabi ni Lola Luna. Tumango naman habang nakangiti si Tangerine.
"Nako, sayang at hindi nakasama si Gabrielle, nitong mga nakaraang buwan po kasi, nahilig kami sa mga pananim." sabi ni Tangerine.
"May iilang bulaklak kaming tanim, kaunti lang dahil ginagawa lang naming dekorasyon iyon sa bungad ng bukid. Hayaan mo at ipagtatabi ko kayo" sabi ni Lola Luna.
"Gabi na pala hija, hindi ko na makukuha iyon sa bukid baka ako ay madapa roon. Atsaka, hating gabi na, makakauwi pa ba kayo ng ligtas niyan? Dumito na muna kayo magpalipas ng gabi." sabi ni Lola Luna. Lumabas naman si Lolo Ed mula sa kusina dala ang isang tray at dalawang tasa ng tsokolate.
"Baby?" tanong ni Tangerine sa kanyang asawa.
"Sure baby. Dito na muna kami Lola Luna, para mabisita rin namin kahit papaano bukas ng umaga ang bukid ninyo." sabi ni Xian.
"Salamat naman, ako'y nag-aalala lalo na't hating gabi na, delikado bumiyahe. May isang bakanteng kuwarto roon, aayusin ko lamang. Sydney, kausapin mo muna ang mga kaibigan mo." sabi Lolo Luna at umalis na.
Kaibigan? Hindi ako komportable, lalo na't hindi ko pa rin sila naaalala, kahit na nagpakilala na sila at nagpakita ng mga pruweba. Maayos naman ang pakiramdam ko kapag kasama ko sila, pero naiilang pa rin ako dahil sila ay kilalang kilala ako, samantalang hindi ko sila lubos na maalala.
"Uminom na kayo, galing iyang mga cacao sa bukid, ibinibilad ko sa araw atsaka dudurugin ng pino." sabi ni Lolo Ed.
"Panigurado pong masarap ito. Sobrang nakakatuwa naman po kayo Lolo Ed." sabi ni Tangerine at humigop ng mainit na tsokolate.
"Tamang-tama lang ang tamis. Magugustuhan ito ni Rigel panigurado. She loves chocolate drinks." sabi ni Xian.
"Bukas, ipagtatabi ko rin kayo, para maipatikim mo rin iyan sa mga kasama ninyo." sabi ni Lolo Ed.
"Talaga po? Nako maraming salamat po Lolo Ed!" pasasalamat ni Tangerine at Xian.
"Maliit lamang na bagay iyon, sapat na nagustuhan niyo ang tsokolate na galing sa bukid namin." sabi ni Lolo Ed.
"Ibahin ko lang po, paano niyo po pala nakita si Sydney?" tanong ni Xian.
"Nakita namin iyan sa tabing ilog, nung una ay tulala at nanginginig, pagkatapos noong nilapitan namin ni Luna ay bigla na lang nahimatay." sabi ni Lolo Ed.
"Ganoon po ba, mailalarawan niyo po ba kung anong itsura niya?" tanong pa ni Tangerine.
"Bukod sa gutay gutay ang suot niyang damit, puno ng galos ang braso at binti niya, gulo gulo rin ang buhok niya, kaya yung ibang napadaan sa ilog ay hindi siya pinapansin, pero nung nilapitan namin siya ay nawalan na siya ng malay, dinala namin siya sa ospital pagkatapos, diyan sa pampublikong ospital sa kabilang bayan." sabi ni Lolo Ed.
"Ano hong sinabi ng doktor?" tanong ni Tangerine.
"Nung nagising kasi iyan sa ospital, ay nagwawala, ayaw magpahawak, itinataboy ang mga lumalapit sa kaniya. Ang sabi ng doktor ay baka may trauma siya. Ilang araw lang ang nakalipas, kumalma na rin siya at naging kampante sa amin ni Luna, pero hindi niya raw alam kung ano ang pangalan niya, Saka na namin nalaman na Sydney ang pangalan niya ng siya mismo ang nakaalala nito." sabi ni Lolo Ed.
"Ano ba talagang nangyari sayo Sydney? Sobrang hirap na ng pinagdaanan mo, akala namin ay kung nasaan ka na. Tutulungan ka namin hangga't sa abot ng makakaya namin para tulungan kang makaalala." sabi ni Tangerine at hinawakan ang kamay ko.
"Salamat sa inyo Tangerine, laking tulong na nakilala ko kayo, matutulungan ninyo akong alamin kung sino ba talaga ako." sabi ko sa kanya.
"Gawain namin iyon bilang kaibigan mo, ang tulungan ka. Nandito lang kami palagi, tatandaan mo iyan." sabi pa niya at ngumiti sa akin. Napakaganda ng mga ngiti niya, para siyang walang problema at masaya lang sa lahat ng bagay. Para siyang isang anghel.
"Salamat." sabi ko sa kanila, nakita kong papalapit na si Lola Luna, panigurado ay tapos na siyang mag-ayos sa bakanteng kuwarto.
"Nandoon ang banyo kung maglilinis kayo ng katawan, at katapat lang noon ang kuwarto, tumawag lamang kayo sa amin kung may kailangan kayo." sabi ni Lola Luna habang nakangiti ng malawak.
"Salamat po sa pag-aasikaso sa amin, Lolo, Lola." sabi ni Xian.
"Nako, huwag na kayo magpasalamat pa, sapat na ang pagtulong niyo sa aming apo." sabi ni Lolo at Lola.
Tumayo sina Xian at Tangerine mula sa upuan, nauna si Xian sa banyo habang si Tangerine ay sinamahan ko muna sa kuwarto nila. Sila Lolo at Lola ay nagtungo na rin sa kanilang kuwarto pagkatapos namin isara ang mga bintana at pintuan.
"Wala kayo ibang kasama nila Lola dito?" tanong niya.
"Wala, kami lang tatlo rito, ang alam ko ay nasa ibang bansa ang anak nilang lalaki at hindi na bumalik pa muli dito sa bayan." sabi ko.
"Nakakalungkot naman, paano iyan kapag naalala mo na ang lahat? Sinong maiiwan sa kanila?" tanong ni Tangerine.
"Hindi ko naman sila basta-basta iiwan. Sila ang nakasama ko sa lahat ng mahirap na yugto ng buhay ko kaya mahalaga sila sa akin, kung maaalala ko man ang nakaraan ko, hinding hindi ko sila iiwan, dahil noong araw na nakita nila ako sa tabing ilog, nilapitan at tinulungan nila ako kahit na isa lang naman akong estranghero. Pinakain, pinatira at inalaagan nila ako rito na parang isang tunay na kadugo." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Hindi na ko makapaghintay na makaalala ka na, sobrang swerte ng mga taong malapit sa iyo, dahil ipinararamdam mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa iyo. Sana ay magbalik na ang alaala mo. Para maalala mo ang mga ibang tao na mahalaga sayo, ang mga mahal na mahal mo. Sobrang halaga sa iyo. Lalo na siya." sabi ni Tangerine.
"Lalo na si Tripp. I bet he misses you so much."
~0~
Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!
NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.
(I worked hard for this. So you better work on your own story.)
@_Sodaaaaa | 2021
BINABASA MO ANG
Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series 4: Khael Andreiux Villareal Khael Andreiux Villareal is a Filipino and Italian doctor. One of the hottest bachelors in the town. The wealthy and gorgeous owner of his company, Villareal Cruise Ships and Ports. A CEO a...