(Enjoy Reading!)
~0~
"Ako na ang bahalang mag-uwi sa asawa ko."
"A-Ano..." di na ko nagkapagsalita dahil hinigit na ako ni Khael, ngumiti na lang ako kay Lir bilang paghingi ng pasensya.
"M-Masakit." pagdaing ko, dahil naging mahigpit ang hawak siya sa pulsuhan kong may sugat. Ngunit hindi niya ako pinansin at pinasakay na lang sa kanyang sasakyan.
Tahimik lang niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Tumingin ako sa bintana ng kotse niya at kinawayan si Lir na seryosong nakatingin sa amin.
Siguro ay nabigla rin siya, sabagay, maging ako ay nabigla. Lalo na't inakala ko na umalis itong si Khael kanina sa bahay nila.
"D-Dapat hindi mo na ko sinundo, b-babalik naman ako agad." sabi ko sa kanya nang hindi inaalis ang aking tingin sa bintana. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko kakayanin ang nakakalunod niyang mga tingin.
"If I didn't fetch you, that bastard will make his way. I don't f*cking want that." sabi niya na hindi ko lubos na naunawaan. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Si Lir ba? Mabait naman ang kaibigan ko na iyon, atsaka may malasakit pa sa akin. Bakit naman niya sasabihan ng ganoon si Lir, hindi na lang ako nagsalita pa.
Nanahimik na lang ako sa buong biyahe habang nakatingin sa bintana. Madilim na rin. Gusto ko nang makita si Tripp, para naman maipagluto ko siya kahit papaano.
"What's your relationship with that man, Sydney?" mariing tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Magkaibigan kami, bakit mo naman naitanong?" sabi ko sa kanya.
"Friends huh? He's obviously flirting with you." sabi niya na hindi ko gaanong narinig dahil para niya lang itong binulong sa kanyang sarili. Napailing na lang ako.
Bakit ba para siyang galit? Palagi na lang ba siyang ganyan?
Ilang minuto lang ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan, nandito na pala kami.
"Let's go, Tripp is crying a while ago, because he can't find you." sabi niya kaya nagmadali akong lumabas ng sasakyan.
Nang makapasok ako sa gate, ay nagtaka pa ako dahil pinabayaan na lang ako noong mga guwardiya. Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Tripp na umiiyak habang kumakawala sa kanyang Lola.
"Mama!" sigaw nito at tumakbo papalapit sa akin.
"Bakit umiiyak ang baby boy ko?" tanong ko sa kanya. Kinarga ko siya at hinaplos-haplos ang kanyang likuran para kumalma siya sa kanyang pag-iyak.
"I thought you left me again!" sabi niya kaya nalungkot ako, pinunasan ko ang kanyang mga luha at hinalikan ang kanyang noo.
"Kumuha lang ako ng gamit. Hindi ka iiwan ni Mama hindi ba? Nag-promise na si Mama." sabi ko sa kanya. Tumango siya at yumakap sa aking leeg.
"Dito ka lang." bulong niya pa at mahigpit na yumakap.
"Khael Andreiux! What's the meaning of this? You'll let her stay here?!" sigaw ng ina ni Khael.
"Mama, please. It's for Tripp." saad ni Khael at hinila na ako papaakyat sa ikalawang palapag.
Pumasok kami sa isang kuwarto na sa tingin ko ay pagmamay-ari ni Tripp, dahil halos puno ito ng mga laruan.
Atsaka ko lang napansin na inaantok na si Tripp, marahil dahil sa kanyang kakaiyak.
Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kanyang kama at kinumutan. Hinawakan niya ang aking kamay gamit ang kanyang maliit na palad.
BINABASA MO ANG
Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series 4: Khael Andreiux Villareal Khael Andreiux Villareal is a Filipino and Italian doctor. One of the hottest bachelors in the town. The wealthy and gorgeous owner of his company, Villareal Cruise Ships and Ports. A CEO a...