Kabanata 1

43 1 0
                                    


Panic...


They said my eyes are like stars in the dark sky, glittering like diamonds. Smiles as wide as beautiful as the sea. And the looks that are enticing like the moon that always grab people's attention.


Life is colorful like a rainbow. As bright as the stars, and deep as an ocean.


Ang akala nila gano'n kaganda ang aking buhay because I'm known for being an independent woman, I am free like birds that are free to fly and do what they want to do.


Ngunit ang hindi nila alam ay patuloy akong hinihila ng madilim at tanging sa kaunting liwanag na lamang ng araw ako'y kumakapit kaya hanggang ngayon ay nandito parin ako, nakatayo at nagagawa ang gusto ko.


I smiled as I saw my reflection through the mirror. Tama nga sila, sobrang ganda ng aking mga ngiti, ngunit sa likod ng aking napakagandang ngiti ay siya ring kasing lungkot ng aking mga mata.


Lips may lie, but the eyes cannot.


Ipinilig ko ang aking ulo dahil masyado na naman akong nag da-drama ngayon, kulang lang ako sa tulog kaya ganito na naman ang mga iniisip ko.


Bumuntong-hininga ako at nilagyan ng pulang lipstick ang aking bibig. Punong-puno din ng kalorete ang aking mukha na parang hindi ko na makilala ang totoong ako.


Yes...I'm hiding my identity behind this thick make-up. Ngunit sadyang maganda ang aking mga mata at ngiti na kahit anong tago ko ay makikilala na makikilala parin ako ng mga tao lalo na't kilalang-kilala ang pamilya ko sa mundo ng politiko at mainit sa mga mata ng tao, the Villafuerte.


"Uy...Sa'n ka na naman galing? Kanina pa kita hinahanap." Salubong kaagad ni Tina nang makita niya ako.


Isa siya sa mga kasamahan ko na nagta-trabaho dito. Mabait siya sa'kin at may pagkapareho din kami ng ugali kaya nagkakasundo talaga kami sa kahit na anong bagay.


"Nagpaganda lang ako, ano kaba." Ngumuso siya at tiningnan ang buong katawan ko.


Just like her. I'm wearing a black cropped spaghetti strap top and a back-fitted mini skirt. Block stocking and black heels.


Para akong a-attend ng funeral dahil sa suot ko buti nalang ay maputi ako at maganda akong manamit kaya sobrang bumagay ito sa'kin.


"Ulol mo! Mas maganda ka yata pag walang make-up. Litaw na litaw ang dugo mong-" Ngumisi siya at mas lumapit pa sa'kin. "pagiging Villafuerte." Bulong niya.


Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. "Shut up, bitch! You're not funny anymore."


Kahit naman na isa akong Villafuerte ay ayaw ko naman na ipagkalat na isa nga akong Villafuerte. I'm fine with my life now, sobrang layo sa gulo. And beside...I don't want to ruin their reputation.

Emergence Of Twilight (Villafuerte Clan #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon