Simula

87 3 1
                                    


Late...


My lips parted and my heart pounded hard when I saw the successive admission of patients inside the hospital.


Ilang beses akong napakurap at nanatiling nakatulala sa mga taong nag-iiyakan at nagsisigawan. My sandwich left in the air na dapat sana nakakainin ko pero hindi natuloy dahil sa biglaang nangyari.


"Tutunganga ka nalang ba d'yan, Nurse Zen? You know that we have a sudden emergency yet you're just here, watching as if you don't have a responsibility here." Nagulat ako nang makita ko sa harapan si Dr. Salvador na mariing nakatingin sa'kin.


Tinaasan niya ako ng kilay bago siya umalis sa harapan ko. Napangiwi ako at lihim siyang inirapan.


Bruha!


Wala sa oras na napabumuntong-hininga ako at naglakad sa kinaroroonan ni Dr. Angeles na busy sa pag-check ng mga pasyente.


"Ahm, Doc. Ano po bang nangyari? Bakit po sunod-sunod ang datingan ng mga pasyente?" Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa'kin.


Bigla akong napakagat ng ibabang labi ng mag tagpo ang aming mga mata.


Leche! Putangina... ba't ang gwapo?


"Bus accident. The driver was intoxicated when he drove the bus." Kumunot ang aking noo at wala sa sariling napakurap dahil sa sinabi niya.


"Pwede ba 'yon? Bakit pinayagan siyang mag-drive kung lasing pala siya?" I said disbelief at pakiramdam ko ay para akong sasabog dito sa sobrang inis.


Wala man ako no'ng mangyari ang aksidente, but it's frustrated me so much because a lot of innocent people were affected due to the driver's stupidity!


"The driver is already dead. He was dead on arrival when he rushed here." Aniya kaya napabuntong-hininga ako.


"Nurse Zen, paki-check muna ng pasyente ko sa pinakadulo. Kailangan ko lang asikasuhin ito." Aniya sabay nguso sa matandang walang malay.


Ngumiti ako at tumango sa kanya bago pinuntahan ang pasyenteng sinasabi ni Dr. Angeles. Isang batang nasa lima o anim na taong gulang ang bumungad sa'kin.


She's sleeping peacefully ngunit ng minulat niya ang kanyang mata ay kaagad itong umiyak. Bigla akong nataranta doon at hindi alam kung ano ang gagawin.


"May masakit ba sa'yo, baby? Or do you want something?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.


Umiling siya habang patuloy parin itong umiiyak kaya mas lalo pa akong nataranta. "I-I want mommy." Aniya.


"B-but I don't know where is your mommy, baby. Do you want me to call your mother, hmm?" Tumango siya at unti-unti itong tumigil sa pag-iyak kaya napangiti ako.

Emergence Of Twilight (Villafuerte Clan #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon