My Prince 1

348 32 60
                                    

Guys just re-read My High School Prince. There are huge changes with the story, I re-wrote all the chapters, made it longer and twisted some events. Mas pinaganda ko po ang storya at ginawang mas ka-abang-abang. Hope you all enjoy it! :)

Chapter 1

New School Year

"Anak pasensya na iniwan na tayo ng papa mo. Pinagpalit na nya tayo sa kanyang babae." Sambit ni mama habang humihikbi.

"Ma okay lang yan, wala na tayong magagawa dyan. Nandito pa naman ako at nandyan ka pa rin mama, wag kang mag-alala sa akin ma ikaw yung pagkukunan ko ng lakas. Magkapit bisig nalang tayong dalawa at siguradong malalampasan din natin ito mama."
Sabi ko habang umiiyak dahil alam kong kailangan kong i-comfort si mama. Kung may mas nasasaktan sa amin ngayon, si mama iyon.

END OF FLASH BACK--

Mula ngayon mas pagbubutihin ko pa ang pag-aaral ko para wala nang babayaran si mama na tuition fee kung sakaling maging scholar ako sa darating na pasukan. Hindi rin kaya ni mama yung tuition fee sa gusto kong pasukan na school ngayong High School. Isa kasi itong school for elite students. Yung mga estudyante sa paaralang gusto kong pasukan ay mga anak ng may-ari ng five-star hotels, restaurants, mall, at balita ko magiging fresh man student rin ang anak ng may-ari ng Diamond University ngayong darating na pasukan. Mukhang magkakasabay pa yata kami.

Lumaki akong cheerful at palabiro, dahil na rin sa lubusang pagmamahal na binuhos ng mama ko. Kahit minsan hindi ko naramdaman na malaking kawalan ang papa ko.

"Life must go on!" napasigaw ako at biglang nagtinginan ang mga tao dito sa mall sa akin.

"Hehe." Tumawa ako nang mahina at medyo nahiya sa ginawa ko. Niyuko ko yung ulo ko at umalis na doon sa kinatatayuan ko, penguin style yung paglalakad ko ngayon.

Ay oo nga pala, nandito ako sa mall ngayon para mamili ng school supplies kasi malapit na ang pasukan.

"Yipeeee!!" napasigaw na naman ako at nagtinginan na naman yung mga tao. Ah bahala na sila sa kung ano yung gusto nilang isipin basta't excited ako sa darating na pasukan.

"Wohooo! Start of High School Life!!!!!"
at nagsitawanan yung mga tao sa mall.

"Ah hihihi." Mahina kong tawa.

FIRST DAY OF SCHOOL

"Anak gising na mali-late ka nyan, first day of school mo kaya ngayon! anak! anak!" Paulit-ulit na sigaw ni mama. eh ang hirap-hirap ko kasi gisingin daig ko pa ang natutulog na mantika pagdating sa tulugan.

Kahit ilang beses ko nang ini-snooze yung alarm ko hindi pa rin ako bumabangon, sarap kaya matulog. it's the best feeling in the world.

Galit na si mama kaya hindi na nya napigilang umakyat at hilahin ang paa ko para lang gumising na ako.

Ako naman tong matigas ang ulo panay ang kapit ko sa headboard ng aking kama para lang hindi mahulog.

"Anak ano ba mali-late ka dyan sa ginagawa mo eh! Gumising ka na nga kung hindi ka pa gigising dyan wala ka talagang allowance for one week."

Syempre nakatayo agad ako ikaw ba namang hindi magkaroon ng allowance for one week, hirap kaya no'n.

Habang naliligo ako naisip ko. "This will be the start of my journey in high school, sana maging memorable ang high school journey ko."

Nasaan na ang Prince Charming ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon