Chapter 12

0 0 0
                                    

Heira's P.O.V

Kasalukuyan akong naglilinis ng c.r at banyo ni Doc, pawis na pawis na ako dahil sa sobrang init pa sa loob..Grabe... ang laki at lawak nang banyo ay katumbas ng isang buong kwarto ko sa probinsiya idagdag pa ang kanyang c.r. na ganun din ang laki.Sa laki at lawak nito pwede kang makikipaghabulan dito habang naliligo eh.Init na init na talaga ako parang ang sarap maligo ...may shower room,may bath tub,at may jacuzzi pa..hmmm parang gusto ko i try yung jacuzzi ah...ay! wag na nga lang at baka mahuli pa ako ni Doc..

Pagkatapos kong maglinis ay lumabas na akong pawis na pawis na pawis..whooo grabe ang init samantalang sagana sa tubig yung pinuntahan ko...winalisan ko lang ng kaunti ang sahig ng room niya kaka-polish lang kasi ni Dez kanina at bumaba na rin para maglinis sa ibang banyo sa ibaba..

Inayos ko ng kaunti yung beddings dahil medyo nagusot at papunta nako sa office niya ng madaanan ko ang nakangiti niyang pictures na nakasabit sa may hallway.Isa-isa ko itong tiningnan at kunwaring nililinis pero yung totoo gusto ko lang mapagmasdan yung mukha niya..Nahihiya kasi akong tingnan siya sa personal.

"Hmmm ang gwapo mo dito...,"sabi ko habang pinupunasan ang katamtamang laki ng frame.

"Ay mas gwapo ka yata dito..."habang lumipat ako sa isa pang frame...

"Hindi,,ito yata ang pinaka the best shot mo..."ani ko habang tinititigan ang simple at di kalakihang frame.."tama ito nga ang pinaka-gwapo mong pic sa lahat...pero bat ganun kahit sa anong anggulo kita tingnan ang gwapo mo talaga...ewan ko nga ba kung bakit kinakabahan talaga ako kapag andyan ka...hayyyyy sayang ang gwapo-gwapo pala ng boss ko di ko man lang natititigan sa personal.."sabi ko habang parang baliw na kinakausap ang bawat picture na nadadaanan.

"Pero pangako.."itinaas ko pa talaga ang kanang kamay ko na tila nanunumpa sa harap ng picture ni Doc"tuturuan ko ang sarili ko na kontrolin ang kaba at takot ko sayo..actually hindi naman talaga ako takot sayo eh..nahihiya lang talaga ako sayo.pero next time i promise susubukan ko na talaga..kaya be good ha wag masyadong suplado..okay?"sabi ko at pumasok na sa office para maglinis.

Yung daldal ko kanina ay mabilis na napalitan ng nakakabinging katahimikan...pagpasok ko pa lang ay bumungad na sa akin ang mukha ng gwapong nilalang na nakahiga sa mahabang sofa..nakapikit ito at mukhang pagod kaya humakbang na ako paatras para bumalik sa pinanggalingan ko nang magsalita ito.

"Nandito kana sa loob bakit ka pa lalabas?"sabi nito na ngayon ay seryosong nakaupo na sa mahabang sofa.

"Sorry po Doc..maglilinis lang naman po sana ako dito."nakatungo kong sabi.

"Bakit ka nga sana lalabas?"tanong ulit ni Doc.

"Eh k-kasi p-po...a-ahm natatakot po a-ako na baka madisturbo po k-kayo.."nagkandautal ko pang sagot...haaaiissttt nakakahiya talaga...

"Akala ko ba kokontrolin mo na ang kaba mo,bakit nauutal ka na naman?"seryoso nitong tanong sa akin..

Awtomatikong natutop ko ang bibig nang marinig ang tanong niya...'oh may gadddd narinig niya yunnn???😳Nakakahiya everrrr!!!

"Ahm s-sinusubukan ko naman po.."nakatungo kong sagot habang ang mga pisnge ko ay nag-iinit na sa sobrang hiya.

"Bakit di ka nagrereply sa mga text ko??"nakasimangot nitong tanong sa akin..at ako namay naguguluhan..

"Text?Anong text po?..."naguguluhan kong tanong at sinubukang tingnan siya sa mata.

"I also ring your phone twice..but you didnt care to answer"tila inis nitong sabi.

Kaagad nagliwanag ang mukha ko at nagpakawala ng iilang hininga sa narinig...'si Doc lang pala yun akala ko kung sino na,whew!'Bahagya na akong nakangiti nung magsalita.
"Unknown number ho kasi kaya di ko ho pinansin...Pasensya na po kayo..teka lang ho at isi-save ko yun.."sabi ko sabay kuha ng phone ko sa bulsa ng pants ko.

Adding to contacts...

Doc L

Saving....

Pero laking gulat ko ng makitang hawak-hawak na ni Doc ang phone ko at "ako na ang magsi-save..maglinis ka na lang muna at ibabalik ko ito sayo kapag tapos kana.."anito at komportableng naupo ulit sa sofa.."Ahm Eih..."tawag nito ulit sa akin..

"Po..?"mabilis ko namang sagot.

"Will you give me the password...?"sabi ni Doc na busy  sa kabilang kamay niya na hawak rin ang kanyang phone.

"Minajak ko sania.."sagot ko sa kanya na ikinasalubong ng makakapal nitong kilay.

"Ano yun?"tila di pa gets nito ang password ng phone kaya inulit ko na.

"Anong salita yun?"curious nitong tanong.

"Subanen.."maikli ko namang sabi.Kita ko pang hindi na maayos-ayos pa ang nagkasalubong niyang kilay.😁Hinayaan ko nalang siyang kalikutin ang phone ko habang salubong ang kanyang mga kilay...cute!

***

-----time check---11:41pm

-----ganito pala kapag di ka importante kahit magpuyat ka nang magpuyat,walang magsasabi sayo ng 'matulog ka na'..walang go-goodnight sayo😂😜hayaan mo nalang... ako na lang magsabi...itulog mo nalang yan babes..eyebags mo oh,lumalaki na😂😂😂😂✌✌✌✌

------love lotsss

------Velle💗

Default Title - Unexpected LoveWhere stories live. Discover now