Chapter 24

0 0 0
                                    


Nang makabalik sa mansion ay agad ring balik trabaho mode si Heira.Napagkasunduan din nila ni Loune na hindi na muna nila ipaalam sa mga kasamahan ang kanilang relasyon.Natuto na lamang din ang binata na makuntento sa mga nakaw nilang sandali.

"Babe,this is so annoying..parang ayoko nang itago ang relasyon natin."reklamo nito ng minsan silang nagkaroon ng pagkakataong magkausap ng masinsinan.

"Babe,darating din tayo jan..konting tiis pa."pangungumbinsi niya sa binata.

Matama itong nakatitig sa kanya kapagkuwan ay mabilisan siyang hinalikan sa labi.
"Babe,lets do a quickie"pabulong nitong sabi sa kanya habang humirit ng isang mabilis na yakap sa kanya.

"Babe naman eh...baka may makakita pa sa atin eh."pabulong rin niyang sabi.

"Bibilisan naman natin babe,i promise.."pangungulit pa nito sa kanya.

"Mamaya nalang pwede?marami pa kasi akong gagawin babe."sabi niya dito.

"Babe,pwede ka namang hindi kumilos dito,eh...namiss na kasi kita babe..."panlalambing pa nito sa kanya.

"Hindi nga pwede kasi nga magagalit sa akin si Manang Nely."determinado talaga siyang hindi muna ito pagbigyan kahit sobrang miss na niya ang binata.

"Sino ba ang boss mo dito ako o si Manang Nely?"nakasimangot nang tanong nito sa kanya.

"Ikaw syempre kaso..."naputol ang sasabihin niya ng bigla na lamang siya nitong tinulak pahiga sa malapit na sofa at agad na kinubabawan.

"Loune, ano bang..."muling naputol ang sasabihin niya sana ng angkinin nito ang kanyang labi.

Ilang segundo pa lamang ay mainit nang tinugon ng dalaga ang halik ng binata.Pareho puno ng pananabik ang kanilang paghahalikan.Sabay silang napabalikwas ng may biglang nagsalita sa paanan nila.

"Dios ko po..."nanlalaki ang matang sabi ni Dez tutop pa nitoang bibig habang naguguluhang pinagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Loune.

Mabilis niyang itinulak si Loune para tumayo.Sumunod naman ito sa gusto niya at pareho na silang naka-upo ngayon sa sofa.

"So,anong ibig sabihin nitong nakita ko?"mataray na sabi ni Dez.

Mabilis namang sinenyasan ni Heira ang pinsan na manahimik ngunit pinandilatan lamang siya nito.

"Kami na ni Heira.At mahal namin ang isa't isa."seryosong sagot ng binata na ikinalaki ng mata ni Heira.

"Dios ko...totoo ba ito Ray?"gulat na bulalas ni Dez.

"Kasi...."nag-aatubili pa si Heira na sabihin ang totoo sa pinsan.

"Babe,she deserve to know...she's one of your family member so i think..she needs to know about us."sabi ng binatang yumakap pa sa kanya.

"My God Ray,,,ano hindi ka pa rin magsasalita eh si Doc na nga ang may sabing 'i deserve to know'"mataray pa rin nitong sabi.

"Oo na nga wag ka nang masyadong mag-iingay at baka may makarinig pa sayo..Ang lakas-lakas pa naman ng boses mo."pag-amin niya sa pinsan.

"Kanino bang boses ang hindi lalaki kung ganoong posisyon ang maaabutan mo?So,kailan pa naging kayo?"naiintriga nitong tanong sa kanila.

"We became official while were on vacation"agad namang sagot ng binata.

Natutop na naman ni Dez ang bibig na parang nagpipigil na tumili.
"Kinikilig akooooo...my god Ray papatayin mo yata ako sa kilig...yieeeee"kinikilig paring sabi ni Dez.Natigil lang ito ng tampalin ito ng pinsan.

"Tumigil ka na nga para kang baliw eh."namamaktol na sabi ni Heira.

"Hmmm teka...may nangyari na ba sa inyo?"mas lalong nanlaki ang mata na sabi ni Dez.

Sasagot na sana ang binata nang mabilis na tinakpan ng dalaga ang bibig nito.
"Utang loob Dez.... manahimik kana."

"So,mayroon na nga?"pangungulit pa rin ni Dez.

"Manahimik ka ba o sasapakin pa kita"pagbabanta niya sa pinsan.

"Sabi ko nga aalis na ako.Ayeeeeiiii Doc ha....hehehe"kinikilig pa rin itong nagpaalam.

Nang makaalis ay nakapameywang na nagpalakad-lakad si Heira habang tahimik lang na nanonood sa kanya si Loune.Hanggang sa nagreklamo na ito.

"Babe,nakakahilo ka na..enough na sa kakalakad please..come here"tina-tap pa nito ang mga hita

"Unti-unti nang nabubunyag ang relasyon natin natatakot ako babe.."anang dalaga na umupo sa tabi ng binata.

Agad naman siyang niyakap ng binata at masuyong hinagod ang kanyang likod.
"Calm down babe...im here...we will face them together...i promise i wont leave you alone...i love you so much"

"Babe,,,kinakabahan ako..siguradong magkakagulo kapag malaman na ito ng fiancee mo."nag-aalalang sabi ng dalaga.

"Let me handle it babe..i will fix it and we will be free.I promised"sabi ng binata na masuyong ginagap ang kamay ng dalaga.

"Bababa na muna ako babe tutulong ns muna ako kina Manang Nely.I'll see you later.Ok?"malambing na sabi ng dalaga sa binata at hinalikan ang noo nito.Ngumuso naman ito sa kanya na agad naman niyang hinalikan ang labi nito."I love you"

Agad namang ngumiti ang binata sa kanya at humalik ulit sa labi niya."i love you more...i'll wait for you later...
"

"Yep"aniya at masuyong dinampian ng halik ang labi nito.Saka bumaba at dumeretso sa kusina nadatman niya doon sina Manang Nely,Miriam at Dez.Tahimik lamang siyang lumapit sa mga ito.

"Meryenda na tayo Ray,,"😦nakangiting anyaya sa kanya ni Miriam.

"Sige po.."sagot niya at umupo na sa tabi ni Dez

"Ray,saan nga pala kayo nagbakasyon ni Doc?"tanong ni Manang Nely.

"Sa Visayas po.."maikli niyang sagot dito

"Maganda ba doon Ray?Magkwento ka naman"excited na sabi ni Miriam.

Ayun at masaya namang ikinikwento ni Heira ang mga lugar na kanilang pinuntahan sa Visayas pati na rin ang isla na kanilang pinuntahan.Ngunit hindi niya isinama ang kanilang mga sweet memories.Para lamang iyon sa kanila ni Loune.

"Asussss...ang ganda ng ngiti oh..."tukso sa kanya ni Dez nang maiwan silang dalawa sa kusina.

"Tigilan mo nga ako..ikaw ha umayos ka baka madulas pa iyang dila mo sa harap nila."suway niya sa pinsan.

"Dont worry Ray...naka-zipper na ang mouth ko."seryoso namang sabi ni Dez "pero grabe talaga kinikilig pa rin ako..Grabe Ray, ha si Doc pa talaga yung taas-noong umamin tungkol sa relasyon niyo...At nakikita kong seryoso siya sayo Ray kaya alagaan mo siya"dagdag pa nito.

"Alam ko at ramdam ko naman 'yun.Pero natatakot ako Dez hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyayari kapag nalaman na ito ng fiancee niya."pabulong niyang sabi sa pinsan.

"Kahit anong mangyari Ray huwag mong susukuan si Doc...at kahit anong mangyari andito lamang ako hindi kita pababayaan.Laban mo,laban ko rin.. 'A Ja!"sabi pa ni Dez.

"Salamat, Dez.Pangako hindi ko siya bibitawan...mahal na mahal ko si Loune.At handa akong gawing lahat para sa kanya."seryosong sabi ni Heira.

***

---Hello silent readers...kaway kaway naman dyan👋

---Love

---Velle💗














Default Title - Unexpected LoveWhere stories live. Discover now