Chapter 3

14.2K 334 157
                                    

"Sure!"

Energetic kong sabi sa crush ko na nakauniform ng engineering. Bakit ba napakagwapo niya? Hindi ako naniniwala kay Calynn na hindi niya naga-gwapuhan. Mula ulo yata hanggang paa ay gwapo, walang pantapon. Ang tangos ng ilong, maganda 'yung labi, medyo mapanga siya kaya manly talaga tignan. Parang gagalaw pa lang siya ay hihimatayin na ako.

"Doon ka," walang buhay na sabi ni Calynn at itinuro 'yung bakanteng upuan sa tabi ko.

"Salamat." nginitian siya ng crush ko bago tumabi sa akin. Gusto kong dukutin 'yung mata ni Calynn dahil umiirap.

"Hi," nahihiyang bati ko.

"May kasama ako, okay lang?" tanong niya sa amin.

"Nasaan?" nagpalinga-linga ako.

"Mark!" tawag niya sa isang lalaki na kakatapos lang umorder. Tinignan ako nang masama ni Calynn dahil tatabi sa kaniya 'yon for sure.

"I'll just go to the powder room." biglang sabi ni Calynn bago pa dumating 'yung Mark.

"Sige," sagot ko at nagmamadali siyang tumayo at umalis.

"Huwag ka mag-alala, hintayin lang namin 'yung order." mahinahong sabi ng crush ko. Umupo na rin 'yung kasama niya sa tabi ng upuan ni Calynn.

"Sana all seener," biglang sabi ko sa kaniya pero nakatingin lang ako sa frappe ko at nilalaro-laro 'yung straw.

"Gusto mo bang mag-audition?" biglang tanong niya sa akin kaya napalingon ako.

"Huh?"

"Sa Dance Troupe. Akala ko kaya ka nagsend ng emoji na sayaw dahil gusto mo mag-audition." pagpapaliwanag niya.

"Hindi ako dancer." I faked a laugh.

"We?"

"Hindi magaling." nahihiyang sabi ko.

"Java Chip Frappuccino for Sir Drew." sigaw ng babae sa counter.

Ano ba 'yan! Ang bilis naman.

"Sige, salamat." tumayo na siya. "Drew," inilahad niya ang kamay niya. Medyo natulala pa ako ng 5 seconds bago inabot 'yon.

"Lian," I shook his hand. Tumango siya at umalis na. Pinapanood ko lang siya habang lumalabas ng coffee shop, pati yata pagbukas niya ng pinto ay na-a-attract ako.

"So, how was it?" biglang tanong ni Calynn, bumalik na siya sa upuan niya.

"Bakit mo ako iniwan?" I pouted.

"Tinutulungan na nga kita, at saka papaupuin mo sa tabi ko 'yung stranger? No way!" maarteng sagot niya.

"Drew raw pangalan niya." kinikilig kong sabi at napatingin pa ako sa kisame.

"You're happy." biglang sabi niya.

"Kinikilig ako, gago!"

"Okay. As long as you're happy." sabi niya at bumuntong-hininga.

Hindi ko alam kung mag au-audition ba ako. Ilang linggo na ang nakalipas. Last batch na raw 'yung audition ngayon noong nagtanong ako sa room ng NAU Dance Troupe last week.

Pero napag-isipan ko na mag-au-audition ako. Ilang araw akong nagpractice ng audition piece ko. Wala pa naman kaming masiyadong ginagawa sa school dahil simula pa lang. Syempre, ayokong mapahiya kay crush!

"Samahan mo ako mamaya!" aya ko kay Calynn habang naglalakad kami papunta sa klase namin.

"Okay, I'll cheer you." sagot naman niya bago pumasok sa klase niya.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon