Chapter 19

8K 184 24
                                    

Trigger Warning: Self-harm, Suicide

"Babe,"

Nagising na lang ako na nakahiga pa rin sa hita ni Drew. Nakapatong 'yung kamay niya sa braso ko at natutulog na rin siya. Nakasandal lang 'yung ulo niya sa pader. Naaawa ako sa kaniya, sigurado akong sasakit 'yung leeg niya sa posisyon namin. Hindi niya na lang ako ginising para nakahiga siya nang maayos.

"Babe," pagtawag ko ulit. Nagising siya at tumingin sa akin. Mukhang antok na antok pa. "May pasok tayo, babe." umayos na ako ng upo sa couch.

"Anong oras na ba?" he asked in his morning voice.

Tinignan ko 'yung cellphone ko. "6:30 na."

Tumayo na siya at kinuha 'yung gamit niya. "Alis na ako." pagpapaalam niya.

Tumayo na rin ako at niyakap ko siya. "Dito ka na kumain."

"Okay, sige."

After class ay napagdesisyunan kong puntahan si Drew sa building nila. Habang naglalakad ako sa engineering building ay nakasalubong ko pa si Steve kaya tinanguan ko na lang.

Nang malapit na ako sa room nina Drew ay nakita ko siyang palabas. Napangiti kaagad ako.

Pero nawala 'yung ngiti ko nang lumabas din 'yung Sara. Lumapit siya kay Drew at hinalikan 'yung pisngi ni Drew. Nagtago kaagad ako para hindi nila ako makita.

Nagmamadali akong bumaba ng building na 'yon. Parang tutulo na naman 'yung luha ko pero pinipigilan ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad hanggang sa may makabangga ako.

"Lian, Oh, my gosh!" napayakap sa akin si Calynn. "Kinakabahan ako bukas, tara sa centrix."

Tumango na lang ako kaya pumunta kami sa Centrix, bukas na na nga pala 'yung lunch niya kasama 'yung parents ni Steve.

Kinuwento rin niya 'yung mga kaklase niya na pinagawa sa kaniya halos lahat ng paper nila dahil hindi raw siya makakaattend bukas. Ayaw naman niyang ipamove 'yung lakad niya kasama 'yung parents ni Steve.

"Mahal na mahal, ah." halos pabulong kong sabi bago inumin 'yung beer ko. Nakakailan na ako dahil kailangan ko 'to.

"Bakit, ikaw ba hindi?" tanong niya.

"Huh? Aba, oo naman din!" sagot ko na lang. Ang sakit pa rin noong nakita ko. I'm sure Drew has an explanation pero sana lang ay hindi na sumabay. Siya na lang 'yung kinakapitan ko ngayon, eh.

Parang tinamaan na ako ng alak kaya hindi ko na masiyadong nacocontrol 'yung mga sinasabi ko. Napansin yata 'yon ni Calynn kaya nag-aya na umuwi. Pagpasok namin ng sasakyan ay hindi ko na napigilan 'yung sarili ko kaya yumakap ako sa kaniya.

"Tangina, Calynn, ang unfair ng mundo." bulong ko.

Ang unfair naman talaga, kapag sumaya ka, dobleng lungkot 'yung kapalit. Hindi pa nakakalipas ng isang araw 'yung saya ko ay binawi na kaagad.

"Hey, are you okay?" tanong ni Calynn.

Parang bigla akong nagsisi sa sinabi ko. Ayaw kong makadagdag sa iniisip niya ngayon dahil alam kong anxious na siya sa lunch nila bukas ng parents ni Steve. Ayaw kong maging pabigat sa kaniya, ayaw ko nang dumagdag pa.

Nagpanggap na lang ako na nakatulog na ako. Hanggang makarating kami ng bahay ay nakapikit lang ako at nagkukunwaring tulog. Nang bumaba si Calynn ay nagsalita si Kuyang Driver.

"Ma'am, hindi po kayo tulog." biglang sabi niya kaya napadilat ako.

"Paano niyo po nalaman?" tanong ko.

"Halata po sa mata niyo, gumagalaw, eh." medyo natawa siya.

Natawa rin ako nang bahagya. "Huwag ka na lang maingay, kuya."

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon