1st Splash: Meet the Human and the Mermaid

167 4 1
                                    

1st Splash: Meet the Human and the Mermaid

Phoenix Ashford's POV

{The Human}

Ayun na naman yung panaginip na yun. Ba't ba lagi ko yung naalala? Nakaka-irita naman 'to o.

"hoy Phoen, gago di ka ba nakikinig?" inis na sabi ni Drake.

"sorry nawala sa isip ko e."

"Naku! Naparami ata ang nainom nitong tubig e." biro ni Tristan.

Binigyan ko sila ng masamang tingin. "mga gago kayo! Umalis na nga kayo dito asungot Lang kayo dito."

"hahahaha." aba at tinawanan Lang ako.

"oo na titigil na kami at isa pa kailangan na naming umalis may pasok pa kami." paalam ni Authrun.

"eh? Sayang ayaw ko panamang pumasok si Tanda kasi yung 1st period namin e." -Drake

"ano? Cutting tayo?" -Uriel

"sige! sige!" sangayon ni Tristan

"tumigil nga kayo diyan. Finals na na natin bukas kaya dapat pumasok kayo." -Athrun

"oo nga sumunod nga kayo dito kay Authrun para matuto kayo at magsilayas na kayo, naalibadbaran na ako sa inyo."

"grabe ka naman Phoen." -Tristan :(

"oh siya aalis na kami." paalam nila.

"Ciao" -Tristan

Salamat at nagsialisan na sila.

Pero ano na ang gagawin ko ngayon? Ang boring mukhang pagsisihan kong pinaalis ko yung mga asungot na yun.

Napatingin ako sa binta ko.

Naalala ko nanaman yung mukhang yun.

Kinuha ko ang sketchpad ko sa may side table ko at nagsimulang magguhit.

Shannon Dela Vega's POV

{The Teen-age Mermaid}

"Shan anak, Hanggang kailan ka ba magbababad diyan sa tub ah? Tignan mo yung oras oh, tanghali na." -daddy

"oops. Sorry dad magpapatuyo nalang " :) sinimulan ko nang idrain yung tubig sa tub.

Umm.. Mukhang 3 hours earlier ako sa sched ko ah :) 

Matapos madrain yung tub ay umangon na ako kaso--

"ouch naman!" ang sakit tuloy ng buntot ko. Kahit may fur carpet dito para mabawasan ang impact ay di parin maiwasang makarandam ka ng sakit. Urgh! Sisihin ang gravity at laws of physics! Kainis na Isaac Newton! Chos Lang XD

Teka alam kong naguguluhan kayo sa buntot na part. Di po ako aso or pusa na may buntot ah? Isda po 'tong saakin :)

Di ko ipagkakahiya na isa akong serena. Creepy diba? Pero ako proud to mention ako. Asan pa ba kayo makakakita ng ganito diba? Cool right? d(^___^)b

Matagal na akong ganito. Simulang dumating ako sa mundong toh kasama ko na buntot na toh :) Kung nagtatanong kayo kung paano ko nakuha 'to, well Hindi ko rin alam eh XD 

Kinuha ko na yung towels ko at yung giant mega blower ko :D kahit malaki toh kalbaryo parin magpatuyo ng sarili.

After 1 and a half hour.

Sa wakas natapos na talaga. Lumabas na ako ng cr ko at nagsimula nang magbihis ng uniform. Heh? Saan kayo nakakita ng mermaid na nagaaral? Hephep baka iniisip niyong nakamermaid form ako ha?  Hindi oi, delekado yun baka hulihin nila ako at ikulong. Alam niyo na matatakot ang mga tao.

Nagiging mermaid Lang kasi ako pagnababasa ako ng tubig o di naman kaya'y fullmoon pero bumabalik naman ako sa pagiging Tao pag natutuyo na ako :)

"goodmorning anak." bati ni daddy sa akin habang naghahanda ng breakfast table.

Lol nakakatawang tignan si daddy kasi naka-apron siya with business attire XD hahahaha

"Morning dad."

"oh kumain ka."

"opo"

At ayun kumain na na ako.

= = = = = =

*beep* *beep*

"wait Lang dad, pinapadlock ko pa e."

"hahahaha ok Lang yan nak. Wag kang mapressure."

Sumakay ba ako sa car.

After 30 minutes.

"o nak dumeretso ka Lang sa ospital mamaya baka kasi di kita masundo mamaya."

"ok po. O sige una na ako dad." bumaba na ako sa car at naglakad na ako papasok sa school.

Timing namang naabutan kong papasok din ang bestfriend kong si Laura.

"Laurs! Hintay."

Lumingon siya, "Bonjour Shan." aba may pafrench-French pang nalalaman. Hahahaha hanep talaga 'tong bestfriend ko.

"morning Laurs, kamusta yung report mo?"

"Aisht, wag mo nang ipaalala. Ba't ba kasi ganito ang buhay matalino?" ang haba ng hair! Sige na siya na talaga! Siya na ang nasa honors' class.

"oo na di mo kailangang ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang matalino" =_____=

"hahaha" naglakad na kami papunta sa classrooms namin. Sa Honors' section siya at ako naman sa 3-B pagpasensyahan average Lang kasi ang utak ko.

"oh sige kita nalang tayo mamaya sa break."-Laura

"owkie" at nagsipuntahan na kami sa aming kanya-kanyang classroom.

Nakita kong nandyan na ang English teacher namin. Naku ang aga talaga ng tandang yan. >,< At pakiramdam ko magiging mahaba 'tong araw na 'to. Sana naman walang mangyaring masama.

*☆~(ゝ。∂)

________________________________________________

Yeah~!! 1st chap is up!!! sana ok siya. Pls leave your comments :) do vote din.

Be A Mermaid's Lover[ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon