This Chapter is dedicated to Kuya_Soju
I’m one of his avid reader of horror genre :)Rain POV
Pagkalabas ko ng Classroom ay agad kong nakita yung lalaking kanina pa sumusunod sa akin. Nakangisi itong nakatingin sa akin habang papasok sa Elevator. Alam niya na kaya ang Section ko? Patakbo akong papalapit sa Elevator kung saan naroon sya pero huli na ako dahil hindi ko siya naabutan.
Mabilis kong tinahak ang daan kung nasaan ang hagdan na ginamit ko kanina pero nahagip ng mata ko sa bandang kanan na may isa pa palang Elevator kaya tumakbo ako papunta don at agad kong ipinidot ang ★ main entry floor sa Elevator buttons panel pababa sigurado akong maabutan ko pa ang lalaking iyon sa ground floor.
*FLASH BACK*
Kanina ko pa napapansin na may taong nagmamasid sa akin habang ako’y naglalakad galing sa classroom nong lalaking naka engkwentro ko kanina.
“Halika na Geri bilisan na natin pababa sa 5th floor ma la-late na tayo”
Mabuti nalang at may dalawa pang mag-aaral ang nag lakwatsa ngayon bukod sa akin
“Kasalanan mo kasi ito e sabi mo nasa 8th floor ang classroom natin hindi naman pala”
“Hay naku mamaya mo na ako sumbatan ang importante ngayon ay makaabot pa tayo sa first subject dahil si Miss Shimp ang Guro natin Ang sabi kasi ni Ate napaka terror ang guro na iyon kahit first day of class magdi-discuss at mag qui-quiz na agad”
“Ano! Ba’t ngayon mo lang sinabi? Naku! Kahit kailan pahamak ka eh alam mo namang first Rule ng P.U ang bawal ma late lalo na sa unang pasukan tsk! Pero sigurado ka bang siya yung Lecturer natin?”
“Oo nga Section Diamond tayo pareho diba? Si Miss Shimp ang Guro natin kaya bilisan na natin kung ayaw mong makatanggap ng insulto mula sa terror na guro na iyon”
Nilagpasan nila ako at patakbong pumasok sa Elevator.
Sinundan ko lang sila nang tingin hanggang nagsara na yung elevator na pinasukan nila.Naramdaman ko parin na may taong sumusunod sa akin kaya mabilis kong itinakbo ang Elevator at pumasok na din pero bago pa yan may lalaking pumasok bukod sa akin. Base sa suot nito ay mukha itong Janitor dahil nakasuot siya ng Cap,face mask,gloves,at may dala pa siyang timba na may kasamang mop.
“Okay lang bang sumabay sa iyo Miss?”
Sambit nitoTumango ako bilang sagot
*TING* ELEVATOR CLOSED
“Pasensya ka na ah may Janitor kang nakasabay ngayon tapos na kasi akong maglinis dito sa 8th floor kaya isusunod ko nang linisin yung nasa ibaba”
Sambit niya“Pwede bang magpalit tayo ng posisyon Miss dito ka nalang sa harap at ako diyan sa likod kasi ambaho ng pawis ko nakakahiya kapag maamoy mo iyun baka umaga palang sira na ang araw niyo”
Tumango ulit ako at lumipat sa harap at siya naman nasa bandang likuran.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Mr.Lim na walang nakapaskil na Pangalan ng Section sa Machine Door ng Classroom namin kundi 8digits lamang ito kaya agad kong sinulyapan ang aking PCRI kung saan naroon ang 8digits na pagbabasehan ko sa Classroom namin.
BINABASA MO ANG
Phoemer University
General FictionDate Posted June 8, 2021 PHOEMER UNIVERSITY Handa ka na bang pumasok sa kinikilala nilang perpektong paaralan? Na halos pangarap ito ng mga kabataan. Bawat sulok ng paaralan ay napalibutan ng iba't-ibang klaseng gadgets na bawat galaw mo ay nababan...