Prolouge

2 1 0
                                    

3rd Person's POV

Mayroong mag asawang naninirahan sa maynila matagal na nilang pinangarap na magkaroon ng anak pero palagi silang nabibigo.

"ROMAN!! HALIKA DITO!" Sigaw ni Julia mula sa banyo sa loob ng kanilang bahay na may dalawang palapag.

Agad agad tumakbo si Roman kung saan niya narinig ang sigaw ng kaniyang asawa "Bakit Julia? May problema ba?!" Panic ni Roman habang kumakatok sa pintuan ng banyo.

Lumabas si Julia ng banyo na may hawak na pregnancy test at ipinakita kay Roman ang resulta.

Maya-maya si Roman ay tumatalon at hinahalikan si Julia ng sinisigaw ng masaya ang "I'M GOING TO BE A DAD!" At hinawakan ni Roman ang tiyan ng kaniyang asawa at pinakinggan na parang mayroon na agad na buo na bata at kinausap ito "My baby this is Daddy, I can't wait to see you mahal kong anak"

Tumawa si Julia sa tuwa ni Roman at sila ay ngumiti sa isa't isa.

• •

9 months na ang makalipas at nanganganak na si Julia sa kanilang panganay na anak siya ay simisigaw sa sakit.

"Push pa sige iha, konti nalang" sabi ng doctora na nag-aasikaso sa kaniyang panganganak at ginawa din ni Julia ang sinabi ng doctora, Si Roman ay nasa tabi lamang ni Julia hinahawakan ang kaniyang kamay at lumabas na sa wakas ang bata.

"Babae ang iyong anak Miss, congrats" sabi ng doctora ng tuwa at ibinigay sa nurse na nakangiti sa batang babae para examination ang baby girl.

Ngunit sa kabila ng napakasayang nurse na iyon at ng doctora ay kesa nakangiti ang mag-asawa ay sila ay malungkot dahil gusto nila magkaroon ng anak na lalake at hindi babae kaya't sila ay labis na nalungkot at nung nakita ng doctora ang expression ng mga magulang ay sila ay tinanong nito "Ano po ang problema? Healthy po ang anak nyo at huwag po kayo mag-alala chinecheck po lamang ng nurse ang bata. At ano po pala ang iyong ipapangalan sa inyong anak?"

Ang pagod na si Julia ay hindi nasagot ang tanong ng doctora at ito ay nakatulog nalamang kaya si Roman ang sumagot at kumausap sa doctora "Kase po doctora gusto po sana namin magkaroon ng anak na lalake hindi po babae at hindi po namin alam kung ano ang ipapangalan sa kaniya parang gusto ko nalang nga po iwanan yang bata sa bahay ampunan dahil hindi namin siya gusto, pero Clara nalang po ang pangalan niya wala po akong pake"

Ang doctora ay nasaktan para sa baby na iyon dahil ayaw sa kaniya ng kaniyang mga magulang dahil lamang na isa siyang babae, narinig ng nurse ang sinabi ng tatay tungkol sa pag-iwan sa bata sa ampunan pero hindi nya ito hahayaan kaya kinausap niya ang mag-asawa pagkalabas nila na hawak-hawak ang bata at pinaguusapan nila kung aling bahay ampunan ito iiwanan.

"Wag niyong ibigay ang bata sa ampunan, kawawa naman ang bata at hindi lalaki na may kasamang magulang sa kaniya... kung gusto niyo ibigay niyo nalang sa akin siya dahil alam kong hindi nila siya aalagaan ng maayos sa ampunan" Ang tugon ng Nurse ang mga kamay niya ay nakalatag para kunin ang bata.

Nagtinginan sa isa't isa ang mag asawa at nagusapan ng pabulong at tumango at ibinigay sa nurse ang una nilang anak na walang pagkahesitasyon sa kanilang ginagawa sa una nilang anak dahil lamang ito ay isang babae at hindi lalake ng kagaya ng gusto nila.

Ngumiti ang nurse sa baby na kaniyang hawak pero pagkataas ng ulo niya ay nawala na ang totoong mga magulang na bata hindi nalang pinansin ng nurse ang mga walang pusong mga magulang ng napakagandang sanggol na ito at pumasok muli sa hospital at nagpaalam na siya ay uuwi na at sinabi sa doctora kung anong nangyari at siya ay pumayag at pinauwi ang nurse na dala dala ang natutulog na sanggol.

Kinuha ng nurse ang kaniyang bag ng may kaunting effort upang hindi magising ang sanggol na tahimik na natutulog.

Tumawag siya ng taxi at sinabi sa driver na dumaan muna sila sa grocery store dahil bibili siya ng mga gamit para sa sanggol na hawak niya at tumango na lamang ang driver at nag drive papunta sa malapit na grocery.

Pagkatapos bumili ng diaper, gatas, bottle na pang inom ng gatas ng bata at iba pa ay dumiretso na sila pauwi binayaran niya ang mamang driver at binuksan ang pinto ng bahay niya at ipinasok muna ang bata at inilagay sa higaan niya at pinasok niya na ang mga binili niya sa kusina at nag init ng tubig para makainom na ang sanggol ng mainit na gatas.

Buti na lamang ay ang nurse ay nakapagalaga na ng maraming bata dahil nagtrabaho din siya bilang babysitter bago naging nurse kaya alam niya kung ano at paano mag alaga ng bata.

Saktong pagkagising ng sanggol dahil ito ay gutom ay natapos na niya ang pagtimpla ng gatas at ipina inom ito sa sanggol habang ito ay idunuduyan niya sa maliit na duyan ng pang baby na kaniya ring ibinili.

Mayaman ang nurse na ito kaya mayroon siyang pambili ng gamit at saktong pera para sa pangangailangan rin niya kaya hindi problema sa kaniya ang bata at kapag siya ay mag tatrabaho muli ay marami naman siyang kaibigan na mag aalaga muna sa bata habang wala siya.

Ang nurse ay hindi nagkaroon man lang ng anak dahil hindi siya pwede manganak kaya kahit anong gawin niya ay walang lalake ang may gusto sa kaniya dahil di siya pwede magkaroon ng anak pero ngayon na siya ay kasama ang sanggol na ito ay hindi na siya magiging malungkot tuturuan niya ang sanggol ng marami at mabuti na parang sarili na niya itong anak, hindi lang dahil doon ay dahil ay angbatang ito ay iniwan lamang ng mga magulang niya na para lang siyang basura na kung ayaw nila ay itatapon lamang laya naisipan niya ito kunin at ituring niyang parang sa kaniya.

"Wag kang mag-alala munting sanggol ako na ang mag aalaga at mag mamahal sayo na parang isang tunay na magulang....hm ang pagalan mo pala ay.... Evelyn, Evelyn O'Hare."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

𝗛𝗔𝗛𝗔! 𝗡𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗸𝗼 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗳𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆 𝘀𝗵𝗼𝗿𝘁 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘁𝗿𝘆 𝗸𝗼 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗽𝗿𝗼𝗹𝗼𝘂𝗴𝗲
𝗽𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗼𝗵 𝘀𝗼 𝗬𝗘𝗔𝗛! 𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘂𝘀𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗸𝗶 𝗹𝗶𝗸𝗲, 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝘀𝗵𝗮𝗿𝗲 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻! 𝗦𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁!

They Don't Love Me(But Why Does It Still Hurt?)Where stories live. Discover now