Update chapter 3. Maiksi ata eh. Edit ko na lang for typos and such.
3.
Ayiesha's POV
"Hannah, are you sure?" tanong ko. Ah golly kinakabahan ako. Nasa gate kami ngayon ng university. Never, even once during this last 6 years, that I would capable of taking this huge risk of being in a school with boys again.
"Yes, I'm sure. Kaclose ni Tita yung mayari ng university kaya sabi ko kay tita eh safe ka daw dito. Tutal out of 100%, 40% lang ang boys dito." Kahit na anong sabihin ni Hannah, kinakabahan pa rin ako.
Hindi ba to dangerous para sa akin? Ah golly nahihirapan na naman akong huminga.
"Oh Trick ikaw na bahala dito hatid mo siya ah. Here is her schedule. Chiao!" Napalingon ako kay Hannah. Nagpaalam na siya sa akin at tumakbo paalis.
O.o
Iniwanan ako?! Yung babaeng yun talaga!
Buti na lang malayo sa akin si Trick.
Nung palapit siya eh kinabahan ako lalo. Tinakpan ko ang mata ko.
May pinatong siya sa ulo ko. "Oh." Nang marinig ko ang malalim niyang boses, masasapak ko na sana siya pero pinigilan ko.
Kinapa ko ito. Panyo?
Ah.
Binlindfold ko na ang sarili ko.
"Deretso."
H-hah? Ano daw?
"(Girl voice) Maglakad ka ng paderetso. Sundin mo lang ako. Sabi ni Hannah wag daw kitang hawakan. Eh paano kita magaguide papasok kung ganun. Tapos di ka pa makakita." Pagecplain niya.
"P...p-pero...." pangangamba ko, alam ko kasing pagtitinginan ako. Syempre nakablindfold tapos parang robot na inuutisan kung saang direksyon pupunta. T-tapos my possibility na makabangga ako ng lalake... tapos.. tapos... pababayaan niya ako.. tapos tapos...
"Ayiesha...." madiing sabi ni Trick. Hindi siya gumamit ng boses babae kaya nagulat ako. Naistatwa ako.
"I won't leave you alone. I'm here. I'll protect you."
"...."
"Don't you trust me?" Mas lalo akong napatahimik sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot. I can feel his' waiting for my answer behind my back.
Trust? Pero kakakilala ko lang sa kanya the other day. Do I trust him?
He's a good guy.
I can feel that.
"I....I..."
"Its....its alright. You don't have to push yourself to trust me. Just wondering." sabi nya.
"N....no." pagsisimula ko. "I t-trust you....... "
Narealize ko na not all guys are harmful. Maybe some guys are fragile... like him. Maybe he's fragile like me...
Naramdaman kong lumapit siya sa akin.
He patted my head.
O////O
Napahawak ako sa bibig ko. Oh noes..
Tricks' POV
Why did I do that?
Pinagpapalo ko ang isa kong kamay gamit ang isa ko pang kamay.
Alam ko namang bawal siyang hawakan eh!
Kahit sa ulo pa yan!
Tsaka anong drama to? Kung anoano sinasabi ng bibig ko.
Siguro sa panonood ng too much romance movies. Yung kapatid ko kasi hilig dun. Parang bakla.
Habang kinakausap ko ang sarili ko sa aking isip eh may naramdaman akong biglang bumuhos sa paanan ko.
"FUCK!"
Walanghiya!
"Ba't mo ko SINUKAHAN?!!"
Hannah's Pov
"Hannah!"
Oooh la la who's the handsome guy calling meh??
Tumatakbo papunta sa harapan ko yung lalaking tumawag sa pangalan ko.
"Oh? Ako ba?" Sabay turio ko sa aking sarili. Lumalabas na naman ang malandi kong side pero wala namang masama dun kung hindi naman taken at hindi ako nanakit ng tao hindi ba?
Paano ko na lamang single?
His shirt says it all. I'm single. You want me?
Oh I so want!
"Oo. Ikaw nga." Pero wait... hindi ko naman siya kilala, paano niya nalaman ang pangalan ko?
Could it be? Secret admirer????
"K-kasi..." ay nahihiya si kuya ah.
"Kasiiii?" Ako naman tong di makapaghintay sa sasabihin niya.
"Ako si Gior..."
"Ako si Giorr?? - I-I mean.." napapasunod na ako sa sinabi niya eh ba't ayaw pa kasi diretsuhin!
"I-its okay.. ummm... gusto ko lang sabihin na I LIKE YOU. Can we go out sometime?" Hinihintay niya ang sagot ko.
Ako naman..
*sabog confetti*
Ang ganda ko talaga haha
"Sure--"
Nagulat ako dahil may biglang humablot sa akin at binackhug ako.
"Sorry dude. She's taken. By me. Fin Valdez. You want her? You can have her after three months." Tumingin siya sa akin na nasa state of shock pa rin. "If.. I don't have her heart til then." Nagpaalam naman siya sa Gior guy na secret admirer ko na gwapo at hinatak ako papuntang bleachers. Hindi pa kasi time ng classes ko. 8 yun eh 7:30 pa lamang.Teka dapat nagkaklase na toh ah!
Habang papunta dun eh pumiglas ako sa hawak niya. Pinagtitinginan nga ako ng mga tao eh. Third year HIGH SCHOOL STUDENT PA LAMANG PO ITONG SI FIN VALDEZ NA KAPATID NI TRICK. Nagmumukang child abuse ako dito eh.
Magkasama na kasi ang college at high school sa university na pinasukan ko. Magkatabi lang building.
"Ba't ka pumiglas?" Tanong sa akin ni Fin.
Sarap sabihan ng bb word! (Hindi blackberry ah batukan ko kayo eh!)
"Ay malamang kasi gusto ko, tsaka masakit tsaka ano pa ba kasi, GUSTO KO?!" Nainis ako eh gwapo gwapo nung admirer ko nagconfes tapos inask-out ako tapos dahil sa kanya nasira ang sanang love na mabubuo, naimagine ko na nga yung mga anak namin eh huhuhu
Ang dami na talagang taong nanonood kaya sinabi ko sa kanya na ituloy sa bleachers ang usapan. That way konti lang tao.
"T@nga ka ba?-Aray naman masakit!" Binatukan ko nga. Mas matanda pa ako sa kanya ah walang respeto tsk.
"Ang ibigsabihin ko," sabi niya at lumapit siya sa akin, "AKIN KA."
"Remember that."
Napatulala lang ako ng saglit kasi in the moment ang seryoso niya. Pero may narealize ako kaya tinulak ko siya.
"Ikaw yung t@nga! Ummm duh alam ko yung contract no! Ako yung gumawa eh!" Calm down Hannah mas matanda ka pasensya whooo. "Ang gusto ko lamang isaksak diyan sa iyong dusty brain ay una, I am not yours at pangalawa, nakikipagdate lang ako sayo for three months dahil sa contract. I still can date any guy I want. " deredretso kong sabi sa kanya. Sino siya para angkinin ako.
Tumingin siya sa akin. Biglang lumungkot yung mga mata niya na bigla kong ikinagulat.
"I know...
But the contract also states to not break my heart."
BINABASA MO ANG
She's Scared Of Boys (on hold)
Teen Fiction"How can she love me back when she's still scared of me?" - Trick. (Filipino story.)