Zoila's POV,
'Minsan ang buhay madaya.Kaya ka niyang paikutin sa sarili mong mga palad.Tulad nalang ng nangyare sakin ngayon.'
"Ohh, pampalubag dyan sa masakit mong damdamin."
"Thanks, Bhe.."Abot sakin ni Ynah ng mug na may lamang ice cream.Alam niya talaga ang paborito ko, Cookies and Cream.Napangiti nalang ako ng tipid sakanya.
"Zoila, daanin ba ko sa ngiti?Oh, ano ng plano mo?"Tanong niya na tumabi sakin ng upo at hinarap ako.
Hawak ko parin yung mug na may lamang Ice Cream, naka tingin lang ako dun.Ewan ko ba, kahit na masarap siyang kainin ngayon dahil sa tag-init na, hindi ko parin magawang tikaman ito.Bigla nalang kasi akong nawalan ng gana sa tanong ni Ynah.
Haissttt..Bakit ako ang nasa ComfortZone ngayon?Dapat ako ang nagtatanong ng tanong ni Ynah saken ehh.
Kung anong plano niya kay Darwin?(Present Boyfriend ni Ynah.) Ako dapat ang nasa pwestong 'yan.
"Bhe, hoy!Ay, grabe sarap manigaw ngayon."Pukaw sakin ni Ynah.
"Bhe, change topic please?Ayoko muna siyang pag-usapan."Itinung-tong ko pa sa sofa yung dalawa kong paa at ipinatong ko naman yung hawak kong Mug sa bandang tuhuran ko.
I sighed.
Ganito pala talaga ang feeling.Once your heart is already at danger zone.Danger Zone talaga?Ang hirap mag adjust at sagutin ang mga tanong ng ibang tao sayo.Wala kang maisagot kapag sarili mo na palang damdamin ang involve.Nakakatameme.
"Ayan tayo ehh.Eh,di ngayon naranasan muna?Ang tanong, kumusta puso mo?"Galing talaga mang-asar ni Ynah.Porket may Darwin na siya. I fake a smile and breaths deeply .
"Eto, nasasaktan siya ngayon.Hindi parin tanggap na sinaktan lang siya ng taong pinili niyang mahalin."Sagot ko.Nginitian ko lang si Ynah.To hide the pain I felt right now.
Now I know.Kung bakit para sa iba, nahihirapan silang mag let go sa taong mahal nila.Alam kona, kasi naranasan ko na. Masakit pala.
"Zoila..."Kinuha ni Ynah ang kamay ko at pinag saklob ito sa dalawang kamay niya.
"Ynah..I'm okey.Diba nga, like I always said.Parte na ng buhay pag-ibig ang masaktan.Na hindi lang 'to ang unang beses na makakaranas tayong ng ganito.May naka pila pa.So, we have to be strong and face what the reality showed us.Diba?"Pangungumbinsi ko kay Ynah na seryoso lang ang tingin sakin.
I know she's worried for me.Yung mga tingin niya palang I can read now, what Ynah's thought's to me.Sa mata palang, alam ko nang nag-aalala siya.And I appreciate that.Kasi palagi siyang andyan nasa tabi ko lang handang sumalo kapag ganitong malungkot ako.
"Beh, naman..Ayan ka na naman sa mga payo mo!Pero ikaw sarili mong problema sa pag-ibig nguma-nga-nga ka!Alam mo ikaw na!Ikaw na magaling mag paka positibo sa katangahan mo."
Ouch!Shemay, two hints na 'yun ahh?Kung dati ako ang mahilig mag sabi sa iba na 'TANGA.' sila.Ngayon bumabalik, ako na ang sinasabihan ni Ynah ngayon ng TANGA.
Salbaheng best friend 'to..
Haaisssttt...See how life is being tricked.Nakakatawa diba?
Kung dati ikaw 'tong mahilig mag payo sa mga taong sinasaktan at nasasaktan.
Ngayon ikaw naman ang lumalapit sakanila.
Kung dati ikaw 'tong malakas ang loob mag bigay ng tips patungkol sa love mapalakas lang ang loob nila.
Ngayon, sobrang lungkot muna.Ice Cream lang hindi mo pa ma galaw?
Kung dati masaya kang nag bibigay ng positive vibes sa iba.Just to encourage them not to give up and fight for their love.No matter what.
Ngayon, pinipilit mo nalang na maayos at magiging okey din ang lahat.Kahit na ang totoo masakit naman talaga.
Na kung dati ikaw 'tong si sermon sa mga taong hindi marunong madala sa katangahang ginagawa nila.
Ngayon, pati sarili mong best friend tina-tanga kana rin.
Ang saya diba?Lahat ng naranasan ng mga taong pinayuhan mo.Ngayon in one snap!Nasayo na.Biglang baliktad. Bilog nga talaga ang mundo.Kung sino pang nasa taas noon, nasa ibaba na ngayon.
Parang beauty products at slimming tea na madalas I commercial sa T.V. once you use it. Mag kakaroon ng changes.May before and after .Ganyan sa pag-ibig..Lahat na ihahambing.
?
"Beh, time will help you to forget him.Makaka-move on ka din."Tapik ni Ynah sa balikat ko.Tumango lang ako sakanya.Langay!Move on?Ako kaya madalas mag sabi sakanya niyan.Sa dami ng lalakeng nag paiyak sakanya.
Ako kaya ang namumulubi kakaiyak at singa niya ng sipon sa Panyo ko!
"Move on.."Wala sa sariling sabi ko.Saka umiling nalang.
"Oh?Dimo carry noh?Ano nga ulit yung precious line mo?Better luck next love."Saka siya tumawa ng malakas.
Oo, one of my best lines na parati kong sinasabi tuwing nag a-advice ako.Inirapan ko nga si Ynah.
Seryoso pa ba ang pinag-uusapan namin dito?Luko 'to ahh.
"Sige Ynah..Mag simula ka ng ganyan.Maliligo ka ng Ice Cream ngayon."Banta ko pa.Tunaw na kaya yung Ice Cream sa Mug.Hindi kona tuloy nakain si Ynah kasi.Basagtrip!
"Pinapatawa lang naman kita ehh.Paano nayan?Ano na Status mo ngayon?"Ynah asked and I looked uncertainly to her.Status??Meh ganun?
"S-Single, maybe?"Sagot ko.
Cont.
BINABASA MO ANG
"Change STATUS"
Romance"Ehh, paano nalang kung ikaw mismo ang nasa katayuan na ng mga 'Pinapayuhan' mo?"