"Una"

23 1 1
                                    

2015 June, 15, Enrollment...

Previews.....

( Kung saan nag simula ang lahat.)

Kung saan ang buhay ni Zoila ay na bago...

Zoila,

" Trigo, Speech, P.E.---"

"Zoila!, Zoila!"

"Huh?" I was busy looking my Subjects and Schedule's on the bulletin board. When someone calling my name.

At kailangan with a high voice talaga? Kulang nalang malagutan ng ugat. Papalapit na siya sa kinatatayuan ko, i never blink my both eyes to her. Hanggang sa makalapit siya saken.

"Zoila.." Ang tanging naisa tinig niya nalang. Holding my right arm. Dahil humahangos na ito ng paghinga. Sapo nito ang dibdib at naka yuko.

Hinawakan ko kaagad ang braso niya to rise her body up.

" Ynah? B-bakit?! May nangyare ba? Basang-basa ka ng pawis, best." Ang natataranta kong tanong sakanya.

Hingal na hingal ito ani mo'y naki paghabulan yata sa mga aso? Ano bang nagyare sa babaeng 'to? Halos 30 minutes palang kasi ang nakakalipas ng mag paalam siya saken. Bibili lang daw siya ng snacks namin sa canteen .

Asan yung snacks? Sa isip-isip ko.

Na gulat ako sa biglang paghawak ni Ynah sa braso ko. Ang higpit kasi. And she looked at me with a teary eyed.

"Y-nah." Bigla akong kinabahan sakanya.

"Z-zoil.. Si Faith.."

Si Faith? One of our best friends too. May nangyare nga.

I hear Ynah sobbed.

"Ynah.. Where is that brat?" Kalma kong tanong sakanya. Ayokong mag panic. Lalo lang kasing makakapagbigay ng takot to kay Ynah. May hika kasi siya, baka dito pa 'to mag collapse. Kahit gusto ko nang sumabog sa galit pinigilan ko parin ang sarili ko.

Kalma lang ,Zoila. Kalma.... Bulong ko pa sa sarili ko.

"Ynah.. Hey, stop crying.. Tell me where is Faith?" Muli kong tanong sakanya.

"Zoil.. Faith.."

Sometimes mapapagod ka din maging kalmado. Kung ganito ang kausap mo. Yung palaging may pause sa pagsasalita. Yung totoo Dvd player lang? Kaya kailangan gamitan ng konting sigaw.

Konti lang naman..

"Ynah.. Sasabihin mo! O sasabihin mo! Asan si Faith!" Wala ng kalma-kalma. Buset!

"In the architech building! On the roof top! Zoila, we need to hurry! Nagtatangkang mag pakamatay yung brat na 'yon."

" Ahh.. Magpapakamatay lang pala, ehh. Maliit na----,"

<(0.0)> Ano daw??!!!

"Bakit ngayon mo lang sinabe saken 'yan?!" Sigaw ko pa.

" Ehh, inunahan kasi ako ng kaba. Natakot ako." Sabay yuko ni Ynah.

Mukhang hindi si Faith ang mababatukan ko. Kundi itong nasa harapan ko. Haist..

"Natakot ka sabihin?! Pero yung kaibigan mong tatalon nasa building hindi?! Jusko nemen, Ynah. Ang laki mo talagang kulang." Inis ko pang sabi.

" Sorry, naman.."

Ano panga ba? Ynah, masasabunutan kita! Mukhang ako ata ang hihikain sa babaeng 'to. Nakakahigh-blood.

"Guys! Dali! Sa Archi. Building daw."

"Totoo ba? Si Faith Fajardo daw yung tatalon sa roof top? Nakakahiya naman yung ginagawa niya. Naturingan pa namang may pinag-aralan."

"Oo, yung spoiled brat na maldita na 'yun! Bilisan na natin! Gusto kong ma witnes ng katangahan ni Faith Fajardo."

"Oo nga, dahil lang kaye Loid gagawa siya ng kahihiyan sa school natin. "

Lahat ng 'yon ay narinig namin ni Ynah. Dumaan ba naman sa harap namin, ehh. As in sa harap ko at ni Ynah. At nakakagalit.

Wala silang alam kaya wala silang karapatang manghusga!

"Hoy! Mga panget!" Tawag ko sa apat na mukhang pinurga ang mukha sa foundation at nag kakapalang lipstick. Konting kapal pa at magmumukha na silang mga pok.pok!

"Zoila.. Wag na. Kailan nating puntahan si Faith. " Pigil sakin ni Ynah. Tinangal ko lang ang kamay ni Ynah na naka hawak sa braso ko. Hindi kasi ako tulad ni Ynah. Masyadong mabait.

Iba ako, lumalaban

"Sinong Panget ang tinawag mo?" Ang mataray na sabi nung babaeng kulot salot. Na kasama nung tatlong payaso. Kakapal kasi ng mga make-up. Mukhang doon nalang yata nila pinapaganda ang mga sarili nila.

Tuloy payaso ang kinalabasan ng mga mukha nila.Mga feeling Sosyalerang wala sa lugar.

" Kayo! Bakit may iba pa bang panget dito bukod sa inyong apat?"

Pinagtawanan tuloy sila ng mga taong naroon. Nakatingin na samin.

I looked at them from foot to head. "Mga mukhang paa." Sabi ko pa.

"Sumosobra kana ah! " Susugod na sana yung babaeng may blode ang buhok ngunit maagap siyang pinigilan nang mga kasama niya.

"Aira, don't. Black belter 'yan. Remember last year? Gusto mong matulad 'don?" Bulong ng babaeng pula ang buhok, sa kasama niyang naka blonde din. Yung Aira daw?

Yeah, yung binugbog ko, yung freshmen na umagaw sa ex. ni Ynah... So?

" Fine! Magkikita pa tayo." Banta nung naka blonde saken.
Saka na sila tumalikod paalis.

"Malamang nasa iisang school lang tayo! Hihintayin ko 'yon!" Pahabol ko naman.

Aira, De Jesus...

"Zoil. Come,on.. Baka tumalon nasi Faith, ehh." Hila naman sakin ni, Ynah.

"Eh, ano naman?"

"Zoila!" Galit na si Ynah.

" Oo , na! Tara na nga!" Ako na mismo ang humila sa kanya.

As if naman Faith will do that? She's afraid of heights noh. Haist, ano na naman ba 'tong katangahang ginagawa mo Faith.. Buong School na ang nakakakita..

Cont...

&quot;Change STATUS&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon