17

71 8 0
                                    

Third person's PoV

"Good evening ladies and gentlemen! Welcome sa isa sa pinakainaabangang party sa kasaysayan! The engagement party of two of the most gorgeous heirs in the business industry Mariella Elizalde and Dennis Pagiua! Let's give them a round of applause everyone!" Sambit ng host sabay dilim ng paligid at lumabas sina Ella at Dennis aa magkabilang dulo ng silid.

It may be a romantic moment for the onlookers pero kung titingnan mong maigi, tanging si Dennis lamang ang may ngiti sa labi at Ella ay kating kati nang lumabas ng silid para puntahan ang taong totoong mahal niya, at yun ay si EJ.

Tumingin si Ella sa magulang niya at tumango ang mga ito as if saying na konting tiis na lang, konting tiis na lang makakatakas na siya sa impyernong pinagdalhan sa kanya ng sarili niyang lola.

Without an ounce of interest to the party, hindi niya namalayang nagtagpo na sila ni Dennis sa gitna ng silid. Napansin na lamang niya ito nang magpalakpakan na ang mga bisita at nakita niyang malawak ang ngiti ng lalaki sa harapan niya

"It would've been nice kung si EJ amg kasama ko sa okasyong ito" sambit niya sa isip niya

"You okay?" Tanong ni Dennis dito na tango lamang ang tangi niyang naisagot

"Ang ganda mo Ella..."

"Thanks" walang emosyong tugon niya dito bago sila pumunta sa entablado para makita ng lahat ng mga bisita

"Thanks" walang emosyong tugon niya dito bago sila pumunta sa entablado para makita ng lahat ng mga bisita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ella?"

"Ha?" Sambit nito pagkatapos matulala nang hindi niya namamalayan. Nabalik lang siya sa ulirat nang tawagin na siya muli ni Dennis dahil iniimbita sila ng lola niya para umikot sa mga bisita.

Sa utak niya ang tanging gusto lang niya ay matapos lahat ng ito at makasama si EJ papuntang Amerika

"Baby?"

"Dad"

"Relax okay?"

"Dad..." she said with a sly smile na tinugunan lang ng ama nito ng tapik sa balikat

"Ella?"

"Ano yun?"

"Can you not go?" Sambit ni Dennis dito

"Ha?"

"Please don't go"

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Mas ligtas ka dito Ella please"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo"

"Ella dear there you are! Oh what a great couple you and Dennis are!" Singit ni Donya Norma nang maaninag niya ang dalawang masinsinang nag-uusap

"Lola..." sambit niyang may pait sa matanda. She still can't believe how her own grandmother can do these things to her when she thought she loves her so dearly

"I'm doing this for you okay? Mas makakabuti to sayo apo"

"..."

The party went on at laging nakabantay sa kanila ang lola niya. When she finally had the opportunity and the courage to find her way out nakaabang sa kanya ang sarili niyang mga magulang para ihatid siya sa sasakyan

"Hurry up before Donya Norma notices!"

"Will you guys be fine?" Pag-aalala nito sa magulang

"We can handle them more than you guys kaya tara na! Naghihintay na si EJ sayo!"

They rushed out the venue at dirediretsong pumunta sa parking lot kung saan nakatago ang sasakyang gagamitin nila sa pagtakas

Sa kabilang banda, bumalik si Katerina sa party para bantayan ang ina. Puno ng kaba ang mga magulang nila sa sitwasyon pero ang tanging magagawa lang nila ay ang magdasal at magtiwala.

Wala silang kaalam alam na lahat ng kilos nila ay alam ng matanda.

"Donya Norma... nasa sasakyan na yung lalaking sinasabi niyo" bulong ng taong napag-utusan ni Donya Norma na magbantay sa kotseng pinlantahan nila ng bomba

"Edi tapusin mo na" matigas at nakangising sambit nito sa lalaki bago siya pinaalis sa silid para isagawa ang plano niya sa binata

"Kung hindi sa lalaking gusto ko... hindi siya mapupunta sa kahit na sino" sambit ni Donya Norma sa utak niya

Pagkadating naman ni Ella sa parking lot ay dire direcho niyang hinanap ang sasakyang sinabi ng magulang sa kanya. Nang makita niya ito ay agad siyang sumakay ngunit walang ibang tao sa sasakyan.

Maya maya lang nagbukas ang driver seat at pumasok doon ang taong kanina pa niya gustong makita

"EJ!"

"Ella!" Bati nila sa isa't isa nang magtagpo ang mga mata nila sabay yakap.

"EJ, natatakot ako..."

"Don't worry. Matatapos na lahat ng to Ella... matatapos na lahat" sambit ni EJ sa dalaga habang hawak ang mukha nito

"Mahal na mahal kita Ella..."

"I love you too EJ"

"Tara na?" Nakangiting sambit niyo sa nobya

"Let's make this a brand new beginning"

"We will Ella, we will"

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon