Tama nga sila
Ang pag ibig ay parang isang gyera
Nalilito kung susugal or maghihintay
Sa taong dumating na galing sa paglalakbayBihira lang yung tamang taong dadating sayo
Yung kaya kang ipaglaban hanggang dulo
Yung tanggap ang pagkakamali mo
Dahil hindi kanaman perpektoYung nahihirapan kang yakapin ang sarili
Dahil lahat ng iyong ginagawa ay puro pagkakamali
Kaya sa di inaasahan ay dumating ka
Tinanggap mo lahat ng aking kamaliang nagawaInaamin kong hindi ako perpekto
At lahat ng yun ay nakikita mo
Minsan nga ay nagagalit ka
Dahil sa katangahang aking nagawaPero di parin nawawala
Ang pag-aalala saiyong mga mata
Kaya lumapit kat ako'y iyong niyakap
At dun nawala ang aking pangambaMahal, tandaan mong hindi ka isang sugal
Na sa huli ay may talo at panalo
Dahil sigurado akong ipaglalaban kita hanggang dulo
Hindi ako mapapagod sa ating lalakbayin
Kahit saan man ay kaya kitang sabayan
Basta't huwag mo lang akong iwan sa gyerang atin ng nasimulang lakbayan
BINABASA MO ANG
TULA PARA SAYO
PoetryThis poem is just for you, buong pusong sinulat at iaalay para sayo.