His POV (Donny)
Nasan na yung dalawa??? Para naman 'tong mga bata lagi nalang nawawala tas ako laging taga hanap, ano ba tingin nila sa 'kin? Detector???
Bat ba kasing tuwing uwian bigla bigla silang naglalaho, may mga mahika ba silang tinatago? O.. Sinasadya nila akong iwan?
Ay.. Teka, si Belle yon ah!
“Be-” ay may kasama siya.. Tito niya yan siguro, tito niya nga, napakamot ako sa ulo ko. Tito niya lang naman may ganyang kotse sa pamilya nila Belle eh.
Umalis na 'ko bago ko pa makita pumasok si Belle sa kotse, at bigla kong nakita si Sharlene.
“Sharlene!” Sigaw ko, at dali dali akong tumakbo papunta sa kanya.
“O.. Don!” Napayakap siya sa 'kin, “Saan ka ng galing?” tanong niya, at inalis niya ang kanyang kamay na naka yakap sa'kin, “Babalik na sana ako sa loob ng school para hanapin kayo ni Belle kaso biglaang umulan at bigla ring lumakas.”
“Ahhh, ganon ba. Galing ako sa loob ng school kalalabas ko lang, hinahanap ko kasi kayo ni Belle. Eh ikaw saan ka galing??” tanong ko sa kanya.
“Wala ka kasi sa classroom.. Tas wala ka rin sa basketball court kaya akala ko nasa labas ka ng school...” napahigpit siya ng hawak sa kanyang bag.
“Nasa cr ako non.” Sagot ko, at pinayungan siya.
“Nga pala! Nasan si Belle?”
“Wag ka mag alala, di naman yon nakidnap.” Napatawa ako ng marahas.
“Lah, tangina mo. Nasan nga kasi siya?”
“Ayon, sinundo ng tito niya.” Sagot ko.
“Yung tito Oliver niya??”
“Oo.” I nodded.
“OMG umuwi na pala tito Oliver niya!” Gulat niyang tuwa, “Kelan kaya umuwi yon?” tanong niya
“Ewan, how would I know?” Tanong ko pabalik.
“Gago, di ikaw kausap ko. Sarili ko tinatanong ko.”
“Sorry naman, my bad.” Sabi ko, “Edi ano naman ang sagot ng sarili mo sa tano-”
“Yung sagot niya, wag daw ako makipagkaibigan sa mga assuming na lalaki na tulad mo.” She cut me off.
“Lah! Gagi ka!” “Minsan lang naman ako ganon! And besides, I know you’re glad to have me as your best friend.”
“Wow ah! Aren’t we both glad to have each other as best friends hm?”
Well.. She has a point. I.. Agree.
“See? We both are.” Ngumiti siya at sinanggi ako sa braso.
“Okay fine, whatever. Hindi ba tayo magko-commute?” tanong ko.
“Okay lang sa 'kin maglakad, ikaw ba?” tanong niya pabalik.
“Uh.. Si-”
“Ay tol! Not today, di ako makakasabay umuwi sayo, mag kikita kami ni Jairus nga pala, Ingat ka ah! Bye!” Kaway niya sa 'kin, at bigla kong hinablot ang pulso niya bago siya makatakbo.
“Gantong naulan? Ha? Gantong naulan Sharlene? Wala ka ngang dalang payong eh, tska hindi ganto ang tamang panahon para makipagkita ka.”
”Wag ka ngang nanay jan, nangako ako sa kanya na pupuntahan ko siya. So BYE. Ingat ka ah? OK?”
“Sharle-” nakatakbo na siya bago ko pa siya mapigilan. Ugggh!!! Pag ikaw nag kasakit ah! Bahala ka nga sa buhay mo!
Tsaka sino ba kasi si Jairus? Manliligaw niya? Kaibigan niya? Secret admirer niya? Ano???! Sino siya????! Curiois ako!
![](https://img.wattpad.com/cover/270594093-288-k552356.jpg)
BINABASA MO ANG
Tayo Ngayon
Fanfiction"Pag nag bago ang isa minsan o kadalasan ma-apektuhan nito ang isang relasyon." Image not mine, credit to the rightful owner This story is a fan fic of Donny Pangilinan, Sharlene San Pedro, Belle Mariano and Jairus Aquino.