THE FIRST CHOSEN

57 4 0
                                    

BLADE POV



HINDI LANG HAYOP ang kaya niyang iligtas, may mga tao rin siyang ginagamot sa pamamagitan ng sinaunag panggagamot.
Kaunti man ay halos araw-araw may dalawa hanggang tatlong tao ang lumalapit sa kanya para magpagamot, lahat ng taong yun ay nagagamot niya ng mahusay.

"Wala siyang kapangyarihan pero nagagawa niyang magligtas ng buhay sa ganitong panahon na parang hindi pa uso ang kahit na isang gamot."

"Vermillion Blade." napalingon ako kay Escanor


Sa wakas sa loob ng 2000 YEARS nagsalita siya!


"Talim ng pulang espada. Kasing talim niya ang kanyang pangalan."

Saglit akong natigilan sa sinabi niya, wala akong makitang katiting na ekspresyon sa mukha niya pero nararamdaman ko na gusto niyang piliin ang lalaking yon.

Pero dahil siguro wala siyang tiwala sa tao kaya hanggang ngayon ay wala siyang mapili, hindi niya pa rin kayang piliin ang taong yon.


"T-Tulong, tulong!" may mga dumating lalaki sa bahay ni Vermillion

Tatlo sila at tila may iniindang sakit sa kanyang katawan, sobrang naninilaw ang buong katawan. Nang silipin ko ay nagimbal ako sa nakita ko.


GALLSTONES!

"Damn isang malaking problema sa ganitong panahon ang sakit na yan, hindi uso ang operasyon sa ganitong panahon!"

"Ano bang masakit sayo ginoo...?"

"Juan po, Juan De Febian po ang pangalan niya at ako si Isaak De Febian." pakilala ng kasama nito


"Madalas na biglaang sumasakit ang aking sikmura." ani ni Juan na ang tinuturo ay ang kanang itaas na bahagi ng kanyang tiyan

Matinding sakit sa itaas na kanang bahagi ng tiyan, yan ang pangunahing sintomas.

Saglit na pinagmasdan niya si Juan mula ulo hanggang paa.


"Kailan pa nag simula?"

"M-Matagal na po pero wala po kasing makaalam kung anong klaseng sakit ito, h-hindi po magamot ng kahit nang sino."

Talagang walang makakagamot diyan sa panahong ito na hindi alam ang gallstone o cholelithiasis.

"Ginoo magaling raw kayong manggagamot, kaya nagmamakaawa ako pagalingin niyo po ang Kuya Juan ko."

Hindi ko alam kung imagination ko lang pero nakita ko ang bahagyang pagsilay ng maliit na ngisi sa labi niya, tapos nag niningning ang mata niya na para bang excited? Excited siya?

Hinaplos niya ang kanang bahagi ng tiyan ng lalaki, hindi gaano madiin yun pero sobrang napahiyaw yung lalaki. Sunod ay dumapo naman sa gitnang bahagi ng tiyan ang kanyang kamay na mas lalong ikinadaing ng lalaki.

Alam na alam niyang pati ang parteng yon ay masakit na rin, ang breastbone. Pero paano niya na laman? May naging pasyente na ba siya noon na may kaparehong kaso?


"A-Ano po bang-"

"Nagsimula sa pagsakit ng kanang bahagi ng tiyan, tapos nang lumala na ito ay maging ang gitnang bahagi nito, ang balikat at likod mo ay sumasakit na rin tama ba ako?" tumango tango si Juan "Bukod pa roon ay naninilaw ang yung balat."

Naniningkit ang mga mata ko kasi habang sinasabi niya yon with excitement pa!

"Kung hindi ako nagkakamali.. lahat ng yan ang sintomas ng may namumuong mga bato sa iyong katawan."

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now