It's already midnight, nandito ako sa kusina. I can't sleep, kaya nag gatas na lang muna ako.
Nang saktong bumukas ang pintuan ng kusina at pumasok si Raquel na kinukuyumos ang mata niya, halatang inaantok pa.
“Oh? Gising ka pa? Hindi ka makatulog?” gulat tanong niya pagkakita sakin na nasa kusina pa at nagpunta sa refrigerator para kumuha ng tubig at lumapit sa lamesa na kinauupuan ko para mag-salin.
“Oo e,” sagot ko. “Oo nga pala, ano nga 'yung sinasabi mo sakin kanina? 'Yung about kay Izak?” tanong ko.
"Oo nga pala!” nakangiting sabi ni Raquel nang may maalala, napapitik pa ito sa hangin.
“Kahapon kasi, pagkatapos namin ni Izak magpunta sa park, we went to MOA. Then may babae na lumapit sa amin. Pinuri niya si Izak, ang gwapo-gwapo daw! Sabi niya, bagay na bagay si Izak na maging baby model!” tuwang-tuwa na kwento ni Raquel.
Baby model?
Nangunot ang noo ko at agad na umiling.
“He's too young to be a model, he just turned 1,” sabi ko. “At saka, ayoko naman gawing pagkaperahan ang anak ko.” dagdag ko kaya agad kong naramdaman ang hampas ni Raquel sa braso ko. Napasimangot ako dahil mabigat n nga ang kamay niya namiss ko pa si Seven dahil sa ginawa niya.
Palagi kasi akong hinahampas ni Seven noon, kalalaking tao eh. Mapanakit! Nang-iwan ba naman.“Grabe ka naman sa pagkakaperahan! Hindi naman kasi porket magiging baby model si Izak ay pagkakaperahan agad. Ang sa akin lang, mas maboboost yung confidence niya habang lumalaki siya. Makikilala siya ng mga tao. At saka, ang gwapo ng anak mo! Ipagmalaki mo sa lahat!” Napaisip ako sa sinabi niya.
May point din naman siya.
Sa isang taon kasi, lagi lang kaming nakakulong ni Izak sa bahay noong nasa Cebu pa kami. Hindi siya sanay sa mga tao. Siguro ito na rin yung way para hindi na siya mahiya sa iba? Oh sige na nga, para na din naman kay Izak.
“Okay, basta take good care of him,” sabi ko na kinangiti ng malawak ni Raquel.
“Pumayag din sa wakas!" masayang sabi ni Raquel at hindi napigilang yakapin ako.
Nang lumayo siya sakin ay may bigla akong naisip kaya nakaramdam ako ng kaba.
“Pero, paano pag nalaman ito ni Sygred? Paano kung malaman niyang anak ko si Izak?” mahinang tanong ko, nakita ko pa ang pag irap ni Raquel.
“Bakit ba kasi ayaw mo pang ipaalam sa kanya? Karapatan niyang malaman, Idalia, kasi siya ang ama ni Izak.” Nangunot na talaga ang noo ko kay Raquel.
Naguguluhan na talaga ako sa kanya.
Bakit ba ganito siya? Hindi ba niya alam na may asawa't anak na si Sygred?
Gusto ko siyang tanungin, pero pinanatili kong tikom ang bibig ko.
“At saka, Idalia, kung busy ka palagi sa trabaho mo, kahit ako na lang yung kasama ni Izak pag may shoot. Ako na ang bahala,” Tumango ako sakanya.
Alam kong hindi pababayaan ni Raquel si Izak dahil parang anak na rin niya si Izak. May tiwala ako kay Raquel alam kong hindi niya ako bibiguin.
“Salamat, basta ingatan mo ang anak ko,”
“Syempre naman!” nakangiting sabi ni Raquel at biglang humikab.
“Inaantok na ako, Idalia. Una na ako ha? Matulog ka na rin,” Naglakadna si Raquel palabas ng kusina .
Inubos ko muna ang gatas ko at hinugasan ang baso bago ako nag-tungo sa silid namin ng anak ko. Nahiga na ako kasi maaga pa ako papasok bukas. Agad na akong nakatulog dahil madaling araw na at masarap talagang matulog sa madaling araw; talagang aantukin ka talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/251793355-288-k443085.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...