Talagang gusto
"Ayaw mo talaga, Elias?"
Patuloy ako sa pangungulit kay Eliazar habang siya naman ay naka-squat sa harap ng mga kaing ng mangga.
Bakit ba kasi ayaw niya akong maging responsibilidad? Willing naman ako ha! O baka ayaw niya ng pabigat? Pero hindi naman ako pabigat!
Tumingin siya sa'kin, salubong ang kilay bago muling binalingan ang nasa kaniyang harapan.
Hindi siya nagsalita na ikinanguso ko.
"Bakit ayaw mo? Pangako hindi ka mabibigatan sa'kin!"
"Tumigil ka na," aniya, tila tamad na sa pakikipag-usap.
"Saka na kapag pumayag ka na na maging responsibilidad mo'ko!" nakangising asik ko.
Umiling siya bago tumayo at inilagay ang isang kaing ng mangga sa kaniyang kanang balikat bago nagsimulang maglakad kaya't kaagad ko siyang sinundan.
Kakarating niya palang ay aalis na kaagad siya?
"Saan ka pupunta? Maaga pa ha? Saka binayaran mo ba 'yan? Pati yung kahapong dala mo nang umalis ka.. bayad ba yun?" sunod-sunod na tanong ko, nagtataka.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniyang mga braso. Ang natatandaan ko ay bientitres na siya sa kuwento ni Auntie Elena kaya ba hubog na ang kaniyang katawan? Ano kaya ang trabaho niya?
Tumigil siya sa paglalakad kaya't napatigil rin ako.
"Ang kulit mo, nakaka.." salubong ang kilay na aniya at tinitigan ang aking mukha.
Mas napangiti ako sa naisip na kapilyahan.
"Nakakakilig?" tanong ko at napahagikgik.
Umismid siya.
"Nakakairita," aniya at muling naglakad.
Napanguso ako ngunit kaagad ring napangiti. Ang suplado! Sinundan kong muli siya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa bahay ko," seryosong sagot niya sa'king tanong na ikinangiti ko, akala ko ay hindi siya sasagot!
"Puwedeng sumama?!" tanong ko, excited na.
"Bawal."
Hindi ako napigil dahil sa kaniyang pag-ayaw. Kasing tigas ng mga braso niya ang aking ulo.
Napahagikgik ako dahil sa naiisip.
Tahimik ko siyang sinundan hanggang sa tumigil siya sa tapat ng isang pickup, iyon iyong sinakyan niya kahapon.
Tumigil rin ako at tumabi sa kaniya nang inilagay niya ang kaing na dala sa likuran nito.
"Aalis ka na? Pasama ha," sabi ko at napangiti.
Bahagya siyang napatingin sa'kin at napapitlag, tila nagulat kaya't lumawak pa ang aking ngiti.
Sinundan ko ang kaniyang ginagawa. Mayroong hinog na sa mga manggang nasa kaing, natatakam talaga ako sa mga hinog ng mangga!
"Ang kulit mo, sinabing bawal eh," seryosong aniya ngunit bahagya ng naiirita.
Nagkasalubong ang mga kilay ko at napanguso.
"Bakit bawal?"
Tumayo siya ng maayos pagkatapos ng maayos ang kaing at lumakad na patungong driver's seat kaya't muli ko siyang sinundan.
"Hahanapin ka ng ama mo," sagot niya.
Hindi naman siguro malayo ang bahay niya 'di ba? Saka kung hindi ako sasama sa kaniya ay wala naman akong gagawin dito! Siya lang naman ang dahilan kung bakit nandito na naman ako.

BINABASA MO ANG
Playful Feeling (Herran Series #1)
RomanceIt was a hot summer in the province when the playful Adaline Marions met the blue-eyed handsome man, Eliazar. He's snob, cold and mysterious so Ada got curious. Inalok niya itong makipaglaro sa kaniya kung 'yon lang ang tanging paraan upang magustuh...