How To Wear Cinderella's Slippers

69 1 2
                                    

Reena Domingo’s POV

“Reeeena!!”

“Reeeena!!”

“Hoyyy!! Reeeeennnnnaaaaaaaa!!”

Napabalikwas ako ng bangon. Nilingon ko ‘yung orasan.

5am. ‘Nak ng tokneneng!! Ano na naman ba kailangan nila sa’ken ng ganito kaaga?! Linggo naman ah?!

“Reeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeennaaaaaaaaaaaaaaa!!!”

Biglang bumukas ‘yung pinto ng kwarto ko.

“Ano ka ba naman ha!? Gising ka na pala, tutunganga ka pa d’yan?!!”

Ay sus. -__-“   Heto na naman sila.

“Hoyyy! Kinakausap ka ng kapatid ko!! Alam kong maganda kaming dalawa, pero hindi ka pa ba nasanay sa ganda na’min na kailangan mong tumunganga?!!”

Oh please. Yuck ha, sino’ng nasa tamang pag-iisip ba magsasabi nun? Hindi pa ba nila nakikita ang sarili nila sa salamin? Psh.

“HHHHHHHOOOOOOOOOOOOOOOYYY!!! ALIEN!! Tumayo ka na d’yan sa kama mo! Malelate na kami sa misa!”

Huwatt??

Hanuraww??

MISAAAAA???

First time ah. Bro, sana po hindi sila masunog pagpasok nila sa bahay niyo. 0:)

“Ano ba? Kelan ka ba tatayo?!!” naramdaman ko ang batak sa’kin ni Eloisa patayo.

Grabe mehn. Masakit. Kapal ng buto nito eh. At dahil nga sa gulat ako, nasubsob ang fes ko sa sahig.

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.” Duet na tawa nung dalawang bruha.

“Eloisa! Roise! Ano na naman bang ginawa niyo d’yan kay Reena?” iniluwa naman ng pinto ang isa sa aking mga pinsang babae, si Joycee. “Halaaa.. Kawawa ka naman. Inapi ka na naman nila?” humarap ito ‘dun sa magkapatid. ” Loisa, Roise, ano ba naman kayo!?? Ba’t hindi niyo ako isinama sa pang-aapi kay Chimay?!!

Yeah. I’ve seen it coming. Lumalala pa ‘yan. Hintay lang kayo. >.<

“Oo nga pala, dalian niyo nang gumayak! ‘Pag nalate tayo, hindi naten makakachismisan ‘yung mga gwapong choir memebers! Hihingin ko pa ‘yung number nung gwapong sacristan eh!” sabi ni Joycee.

Tokneneng. Kaya pala pupunta ang mga aswang sa banal na lupa, maghahagilap ng biktima.

No offense naman ha, maganda naman ‘yung….

Uhmmm..

….

Sa’ng banda nga?? Nakalimutan ko na. -__-“

“Hoy!!! Sino may sabi sayo’ng i-head-to-toe mo ako?!! Hanapin mo ‘yung blouse ko, madali!!” sinipa pa ni Eloisa ‘yung paa ko.

“Oo nga! Pati ‘yung shorts ko na maong!!”

Gosh ha?!! Blouse?!! Maong shorts?!! Alin du’n??!

“Uhmm.. Alin ba ‘dun?” yes.. finally.. nagsalita na ako. :D

“Ano’ng alin ‘dun?!!” duet na sabi nila.

“Aling shorts at aling blouse?”

“Shungenge k aba?!! Eh di ‘yung bago!!” -Eloisa

“Oo nga!! ‘Yung bago!!” –Roise

Tumingin ng matalim si Eloisa kay Roise. “Binili ka ni Mama ng bagong shorts?”  ^_*

“Hehehe.. Hindi.” –Roise

“Good.” –Eloisa

“Uhm.. So.. Alin ngang shorts?” –Ako

Sabay silang tumingin sa’kin na para bang krimen magsalita.

“Ikuha mo nalang sila ng maganda!!” binatukan ako ni Joycee. “Dalian mo ha!!”

Hayyy buhay, parang life. -__-“

After a few moments at super daming utos, nakaalis na rin sila.

“Reena.” Mataray na tawag naman ng aking mahal na step mother.

Kung akala niyo eh kumpleto na ang cast ng storyang ‘to maliban sa prinsipe, mali kayo.

“Ipagluto mo na kami ng Mama mo ng umagahan. Dalian mo’t may pupuntahan pa kami.” Sabi naman ng tatay ko.

And yes, hinahayaan niya akong alipinin ng bago niyang pamilya. Saklap. >.<

Tumango nalang ako at pumunta sa kitchen. Kadating-dating ko, nandun ang mga “little stepsisters” ko na pinaglalaruan ‘yung kutsilyo. AIIIISSSHHHHHHHH!!

“Hui! Tigilan niyo nga ‘yan! Baka magkasakitan kayo.” Pilit kong kinuha ‘yung kutsilyo, pero ayaw talaga nilang ibigay.

TOKWA. Baka mapatay ko pa ‘to sa aksidente. >.<

“UWAAAAAAAAAAAAAAAA. CHIMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY.” T.T

At ayun nga. Nasugatan sa kamay si Marie.

Lagot ako!

Sakto naman na lumitaw si Mama.

“Ba’t nagkasugat ‘to?!” lumapit siya agad kay Marie. “Jerry! Ano?!”

Bumanat naman ng best actor na ngawa itong si Jerry. “Si ATE REENA po!! Kami raw maghiwa nung spam!!”

Aish..

“Reena! Ano ka ba naman!? Pati bata uutusan mo?! Napakatamad mo, wala ka na ngang pakinabang!!” dinuro-duro na naman ako ng aking mahal na step mom.

Nakita ko naman na dumila si Jerry sa’kin.

“Magluto ka na!!” tapos nun, iniwanan na nila akong tatlo sa kitchen.

Okay, headcount tayo. Isang step pinsan, isang step brother, tatlong stepsisters, isang stepmom, at ang aking real daddy na mas evil pa sa kanilang lahat.

Kung hindi pa po obvious, sa storyang ‘to, ako si CindeReena.

Marami pa akong drama sa buhay. Abangan niyo ha?

Ayos lang ba? Tell me.

Uso comment. :D

-Ms.L

How To Wear Cinderella's SlippersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon