Nathan’s POV
Tatlong subjects na ang lumipas. Okay naman ang paglipat namin. Mukhang marami-rami na rin palang nagbago ditto sa school. Wala na rin ‘yung tambayan naming dati ni Ree.
Eh bakit nga ba siya iniisip ko?
“BAAAAAAAAABE.. Buti umalis na si Prof no? She’s just wasting our time, lahat ng tinuturo niya about English language tinuro na sa’tin last year. Like duuuhh, ulit nalang ng ulit ‘di ba?”
“Uhh.. Yes.”
“Kanina pa lumilipad thoughts mo ha? I can’t blame you though, I’m bored din eh.”
Biglang may dalawang babaeng tumabi kay Vanessa. If I’m not mistaken, siya ‘yung nakikiFC na seatmate ni Van.
“Ses, ano raw sabi ng sossy nating classmate?” bulong nung isa. Chanel yata pangalan? Classmate rin naming siya noon ni.. nevermind.
“Vanessa tell him that the thoughts of him is plying plying!.” Sagot naman nung isa. Louis, if I’m not mistaken.
“Playing??”
“You know, da birds and da bees?”
Tumangu-tango naman ‘yung isa.
Hayy. Pa’no ba ‘to nakalampas ng grade two?
“Could you please stop speaking in English? You guys are starting to annoy me.” Bumaling siya sa akin, tsaka bumulong. “Please switch seats with me. I can’t bear them anymore.” >__>
Tumayo na ako sa upuan ko at lumipat sa seat niya, pero hindi pa ako nauupo, may nakita ako sa desk nung upuan.
Bakat lang ‘yung ng marker. That was my same desk two years ago.
Kahit pafade na ‘yung tinta, kitang-kita ko pa rin ‘yung nakasulat.
“Reena + Nathan”
Ako nagdoodle nu’n, ibibigay ko dapat sa kan’ya bago ako umalis, pero may nangyari.
Something I don’t even want to remember, yet it kept on coming back.
Hay. Ano ba gagawin ko sa buhay ko kung puro siya naaalala ko?
Napatingin ako sa singsing sa kamay ko.
You’re engaged Nathan. To Vanessa.
‘Di ba mahal mo naman siya?
Bakit wala kang maisip kundi si Ree--
Hayyy!
Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?!
REENA’S POV
Nakahiga lang ako sa kama.
Tofuuu.
Pa’no nalang gagawin ko ngayon?
Nandito siya..
Malamang classmate ko pa ‘yung mga ‘yun.
Pati ‘yung babaeng ipinalit niya sa’kin.
Hay! Eh ba’t ba parang nagdaramdam ako na pinalitan niya ako?!
Samantalang ako naman ‘yung dahilan kung ba’t kami naghiwalay.
****Flashback
“Are you kidding me, Nathan!? I take it you don’t like arranged marriage, pero pumili ka naman ng maayos-ayos na babae! She looks like a rag!”
Napatingin ako dun sa suot kong dress. Oo, sa tiangge ko lang ‘yun binili, pero ganun ba kapangit? Hindi naman halata e.
“And have you seen that dress hijo?! Nakita kong suot ‘yun ni Aling Marsing kahapon! She’s not even our maid, or mayordoma, labandera lang naten siya!”
Napahigpit ang hawak ko dun sa palda ko.
Nakatago ako nun. Habang nag-uusap sila sa mini library, nandun lang ako sa likod nung pinto, sa hall.
Sabi kasi ni Nathan may pag-uusapan lang raw silang mahalaga. Family matters daw kaya huwag na akong sumama sa kaniya sa loob.
Alam ko namang mayaman siya eh.
Na mukha akong basahan ‘pag kasama ko siya.
Kaso ang sakit pala sa pride ‘pag ipinamukha sa’yo.
‘Yun na nga lang meron ako eh. Pride.
“Hindi naman ‘yun Pa eh. Mahal ko siya!”
“Masasalba niyang pagmamahal mo ang kumpanya natin!? Nalulugi na tayo Nathan!”
“Hindi, Pa. Pero hindi maibibigay niyang kumpanya niyo ‘yung saya ko kapag kasama ko siya.”
Naramdaman kong papalabas na si Nathan sa kwarto kaya tumakbo na ako pababa sa sala.
Mahal niya ako.
Masaya siya sa’kin.
Pero sapat ba ‘yun?
***END of Flashback
Biglang tumunog ‘yung cellephone ko kaya naputol ang pagpaflashback ko.
[A/N: Lol. Soorrryy.. bangag si author.. xD]
Sinagot ko agad ‘yung tawag.
“CHIIIMAAAYYYY! OPEN THE GATE!!”
“MAYDAY MAYDAY!! WE’RE GONNA CRASH!!”
“HOYY!! ANG IINGAY NIYONG DALAWA!”
Sabay-sabay lahat ‘yang narinig ko.
At, Oo, di tawag ang pagbubukas ng gate. -____-
Hayy.
This is it..
Welcome back to me, CINDEREENA.
-----------------------------------------
End.
Missed me? :*
Back to 3x a week na ud. :D
--Ms.L
BINABASA MO ANG
How To Wear Cinderella's Slippers
Teen FictionMaraming mga babaeng nangangarap maging si Cinderella. 'Yung makapagsuot ng mukhang cake sa laki na damit, magfeeling na prinsesa, makapagsayaw sa prinsipe, at siyempre, ang maisukat ang walang kamatayan niyang glass slipper. Pero anak ng tokneneng...