▶︎[ 04 ] ♡

2.5K 151 98
                                    


Easton Ycarrius' POV

July 14, 2021

Tagaktak ang pawis na nakarating ako ng España. Bwisit na Theodore kasi, ang sabi niya ay dito raw kami magkikita nina Yuri at Augustine. Sobrang init ng panahon tapos may suot pang mask at face shield, dagdag mo pa ang pagco-commute ko dahil ginamit nina ate ang kotse.

Nagpabalik-balik lang ako sa paglalakad pero, wala pa rin silang tatlo. Halos sampung minuto na akong naghihintay pero wala pa rin. Sa pagkapikon ko ay tinawagan ko si Theo, pero lintik lang, out of coverage area maski si Augustine at Yuri.

Makakalbo ko talaga ang tatlong yun kapag nalaman kong niloko lang nila ako!

[ Baby Kei calling... ]

Napatingin ako sa cellphone ko ng magvibrate ito, at napangiti naman ako ng makitang tumatawag si Keira. Isang tawag niya lang, talo na agad ang bad mood ko.

“Yes, baby?” bungad ko sa kaniya.

“May itatanong ka ba sa akin, East?” tugon niya na ipinagtaka ko.

May itatanong? Wala naman siguro. Saka bakit ito ang bungad niya? Dapat Hi East o Hi Admin, kasi ganun naman talaga ang panimula niya sa tuwing nag-uusap kami sa tawag.

“Wala naman, Kei.”

“Are you sure? Wala kang itatanong sa’kin na gusto mong masagot?”

That made me think deeply, and that is when I realized na meron nga akong itatanong sa kanya na gusto kong mabigyan niya ng sagot.

“Alam mo na ‘yon Kei,”

“Eh? Ano nga?”

“Can you be my girlfriend?”

Biglang tumahimik sa kabilang linya. Magsasalita na ulit sana ako pero agad naman niya akong naunahan.

“Tumingin ka sa east.”

“Ha? Anong east?”

Sa silangan mo!”

Tangina. Akala ko yung literal na pangalan ko ang tinutukoy niya, 'yon pala ay direksyon. Ang tanga ko naman.

Puno man ng pagtataka ay sinunod ko pa rin ang sinabi niya. At doon ay nakita ko siya sa silangan habang hawak ang isang card board na may nakalagay na YES.

I run towards her and I hug her tightly. Nabitawan niya ang card board pero wala na kaming pake do'n.

She hugged me back tightly. “Yes, East. Yes!”

Tangina. Ang sarap sa pakiramdam! Ang gandang pakulo naman pala nito. Muntikan pang maudlot 'to kung pinairal ko talaga ang kabagalan ng utak ko. Worth it pa rin pala ang pagpunta ko rito sa España! Thank God, this is it!

“I love you, Kei. I love you so much, baby.”

“I love you too, East!”





Admin, Let's TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon