Danika's P.O.V
Place: School (Danika's)
"Mahal kita danika" confess sa akin ng isa kong classmate
Sorry pero hinde ako...I'm sorry - ako
Pano ko dapat sabihin na hinde kami pareho na naramdaman. Ayaw ko siya masaktan
"Pero..-"
"Sorry" putol ko agad sa sinabi niya bago umalis
Sana ok lang siya
.
Ako pala si Danika Grace. I am 14 yrs old at 2nd year sa highschool.
Gusto niyomalaman kung anong nangyari kanina?
Si michael yun. Isa siya sa mga lalaki na may gusto sa akin. Pero nabasa niyo nga, binusted ko siya. Wala naman akong ibang magawa kasi hinde ko pwede ipilit ang isang bagay na alam ko ayaw ko. Wala akong nararamdaman para sa kanya kaya hinde kami pwede magsama. Ganon yun kasimple
Harsh ba ako masyado?
Hinde ko alam kung bakit lagi ako hinahabol ng mga lalaki pero hinde ako proud. I mean, maganda din na madaming lalaki nakakagusto sayo pero para kasing masama akong tao dahil lahat sila lagi kong sinasaktan.
Kasalanan ko kung wala akong nararamdaman para sa kanila?
Sa tingin niyo ba conceited ba ako
Sana si ate na yung habulin ng lalaki para bawa narin sa problema ko. Maganda rin naman si Ate chanika, mabait rin pero wala lang talagang lalaki na nakikita yun. Itsura lang kasi habol nila
.
"Dan!"
Umalis yung tingin ko sa sahig at napatingin sa labas ng gate namin. Nakita ko si kuya minho na nakatayo at nakasandal sa motor niya. Ngumiti siya sa akin.
*THUMP* *THUMP*
Ayun nanaman yung feeling nayun.
Yung feeling na parang sumisikip yung dibdib ko, yung feeling na parang madaming paroparo na sumisikdo sa loob ng tyan ko.
Bakit kaya nararamdaman ko yung mga bagay nato?
*SNAP*
"HUH?" nasabi ko bigla
Pagkita ko, nasa harapan ko na pla si kuya minho. Napatalon ako palayo sa subrang lapit niya.
*blush*
May nangyari ba? Bakit parang natunganga ka? at bakit pula yung mukha mo? - minho
Palusot. Dali "Wla. mainit lng siguro"
Napatingin ako ulit sa mukha niya. May malapad na ngiti nakalagay sa mukha niya, nanaman
*THUMP*
Iniwasan ko tumingin sa kanya
Ang bilis ng tibok ng puso ko
Bakit ka nandito? - ako
Tumawa siya at kinamot yung likod ng leeg niya.
Hahatid kita pauuwi - kuya minho
Huh??
Pero susunduin naman ako ni Mang lance - ako
Hinde na, simula ngayun ako na yung maghahatid sayo pauwi - kuya minho
bakit? - ako
Bakit? ayaw mo? - kuya minho
Hinde naman sa ganon, pero diba busy ka? - ako
Basta para sayo lagi akong available - kuya minho
*THUMP*
Kahit sa mga salitang yun... bakit ang dami kong inaasahan?
*SNAP*
huh? - ako
Ano bang nangyayari sayo? - kuya minho
Ahem. Alis na tayo - ako
Lumapit ako sa motor niya.
Palaka! naka-skirt pa naman ako. Paano na yan?
Umupo ka na lng na nakagilid - kuya minho
Sinuot niya yung helmet niya tapos sumukay sa motor.
Gilid na kung gilid. Umupo ako at kinuha sa kanya yung extra helmet.
Ready? - kuya minho
Yumakap ako sa likod niya.
*THUMP* *THUMP*
Ang hirap huminga at parang umiinit na talaga dito.
Oo - ako
Sinimulan niya ng inandar yung motor niya.
Hinigpit ko yung yakap ko agad sa kanya.
*THUMP* *THUMP*
Bakit ang tigas ng tyan niya?
[A/N: Innocent little danika]
.
Ayaw ko maramdaman ang mga nararamdaman ko. Ayaw kong nahihiya ako pagnandyan ka, naiinsecure kung paano ba ang itsura ko kung malapit ka. Ayaw ko lumala yung pagtingin ko sayo sa punto na magiging mahina na ako't masasaktan sa ano man na pwede mong gawin
.
Place: Home (Grace's)
Nandito na tayo - kuya minho
... - ako
Danika? - kuya minho
Bakit? - ako
Sabi ko nandito na tayo - kuya minho
Nasa harapan na pla kami ng bahay namin. Inalis ko yung yakap ko sa kanya at bumaba ng motor. Inalis ko yung helmet ko at binigay sa kanya.
Ok ka lng? - kuya minho
Tumango ako
Bakit parang lagi ka lng tulala? - kuya minho
Ako? Tulala? Hinde kaya... - ako
.
Pinat niya bigla yung ulo ko
Mag-ingat ka hah? Alis na ako. Hintayin mo na lang si ate chanika mo ah? - kuya minho
Inalis ko yung kamay niya. Wag mo ako tratuhin na parang bata
*THUMP*
Kahit ang sarili kong puso hinde ko kayang kontrolin
Kaya ko naman ang sarili ko eh - ako
Kung sabi mo. Pero pag may kailangan ka, tawagin mo lng si oppa ok? - kuya minho
Wala akong cellphone - ako
Edi makitawag ka - kuya minho
Ayaw ko umasa sa wla.
Papasok na ako... - ako
Hinde na ako nagkaway sa kanya. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay namin. Sumandal ako sa pintuan namin habang narinig yung tunog ng motor ni kuya minho paalis.
Tumawa ako ng parang tanga sa sarili ko, yung puso ko, yung nararamdaman ko, ganito ba yung feeling na wala ka ng magawa kundi mahulog na lang.

BINABASA MO ANG
Na Inlove si Gwapo kay Pangit
Teen Fiction"You'll break her heart She'll wreck your world"