Chanika's P.O.V
Place: Home (Genderson's)
Nagising ako sa tulog ko ng may narinig ko yung ringtone ng cellphone ko.
Yung una akala ko may unan akong kayakap pero pagmulat ko ng mata ko nakita ko yung mukha ni jihoo halos nakatapat na sa akin.
Napaupo ako agad at binitawan yung kamay niya. Kinuha ko agad yung salamin ko para luminaw yung paningin ko.
Siya nga!
Paano siya nakapasok dito?!
Bigla kong naalala yung cellphone ko na nagriring. Tumayo ako sa kama at kinuha ito sa lamesa.
Habang nakatitig ako kay jihoo na nakaupo sa sahig at nakalingon yung ulo sa kama, sinagot ko yung tawag.
Ako: Hello po?
Nanay: Anak! chacky! pumunta kayo dito sa hospital. May nangyari sa tatay niyo!
Sumikit agad yung dibdib ko
Ako: May sama bang nangyari?!
Nanay: BASTA! HALI NA KAYO DITO!
Hinde tumagal na naghang up nasi nanay.
Inayos ko agad ang sarili ko, tumakbo ako sa tabi ni jihoo at niyuyugyog siya ng malakas para gumising.
uhhh... bakit ba? - jihoo
Jihoo! Gumising ka. Please! - ako
Unti unting minulat niya yung mga mata niya. Nagulat na lang siya na nakita niya ako sa harapan niya nakaluhod.
Siguro nabigla lng siya na alam kong nakatulog siya sa kwarto kung saan niya ako pinalagay.
Chacky.....uh..- jihoo
Hinila ko siya agad sa braso.
Hinde mo na kailangan mag-explain. Kailangan natin na pumunta sa bahay para kunin si danika. Pumigil na yung ulan oh. Kaya alis na tayo. Kailangan namin pumunta ng hospital! - ako
Nakakahiya maghingi ng ganitong klasing pabor pero wala na akong pakealam, kasi tatay ko yung importante ngayun hinde yung ibang tao.
Bakit kailangan mo pumunta ng hospital? may sakit ka ba?! - jihoo
Hinde ako, basta... kailangan natin pumunta. Please - ako
Tumayo siya agad at inayos yung damit niya na kusot.
Halika kana. Pagnagmamadali ka, siguro importante talaga yan - jihoo
.
10 minutes later
Place: Home (Grace's)
Nakadating na kami sa bahay namin. Buti na lng tapos na yung ulan tsaka hinde na block yung daan
Si jihoo nasa labas lng, sabi niya kasi ayaw niyang sumama at maghihintay na lng daw siya kaya hinayaan ko na lng.
Pagpasok ko sa bahay namin, tumakbo agad ako sa kwarto ni danika.
Kahit malayo pa ako narinig ko na siyang umiiyak at isa pang boses na laging nagsasabi ng "Shhh... ok lng yan. Iyak ka lang"
Ang problema sa boses na yun ay galing yun sa lalaki.

BINABASA MO ANG
Na Inlove si Gwapo kay Pangit
Teen Fiction"You'll break her heart She'll wreck your world"