ZONE:1

20 2 1
                                    

John Paulo's

"Ma kakain na po!" Sigaw ko. Ako ngayon ang nag handa ng umagahan.

"Nak halika muna tulungan mo ako!" Kailangan sumigaw ni mama para marinig ko siya dahil nasa kusina ako at siya ay nasa kwarto.

"Ma wag mo na po ayusin yang bahay dahil aalis na din naman tayo dito." Sambit ko habang pinupunasan ang bintana ng kwarto ni mama.

"Ano kaba Paolo, dumating tayo nang bahay na malinis at aalis din tayong malinis." Ani mama.

Sinunod ko ang mga inuutos ni mama. Matapos kong gawin lahat agad din ako bumaba para makapag hugas ng kamay at makakain na.

"Ma! Halika na!" Sigaw kong muli.

Habang kumakain kami kami sa kusina agad na may tumawag sa telepeno ko.

"Dre what's up."Sagot ko.

[Pwede kaba ngayon? Need ng vocalist pre, side line ka muna.]Si Jeffrey barkada ko noong highschool.

Napatingin ako kay mama na tahimik na kumakain.

"Ma, excuse po kausapin ko lang to." Tumango si mama kaya lumabas na ako.

[Wala ka naman ata pasok ngayon diba? Sayang to wala kasi ako mahanap na bokalista e.]

"Oo, wala ako pasok." Sagot ko, pinag iisipan ko pa.

[Ano dre? Dito sa bar malapit sa Bulacan. Alam mo naman ata to?] Tanong nito.

"Mag kano sabit ko dyan? Kailangan ko pa naman ng pera." Giit ko.

[Sampung libo din to, tig dadalawang libo tayo pag tapos ng performance natin. Ano g?] Nag dalawang isip pa ako pero agad din ako pumayag.

"Sige dre. May service ba?" Tanong ko.

[Nasan kaba ngayon?]

"Dito sa Nueva Ecija." Rinig ko pa ang buntong hininga ni Jeffrey bago sumagot.

[Masyado kang malayo mag grab kana lang ako na sasagot sa pamasahe mo.] Giit nito.

"Hindi na. Alas singko pa lang naman, lilipat na din kami Manila. Doon niyo na lang ako sunduin sa sogo."

[Sa loob?] Natatawang sabi ni Jeff.

"Tarantado." Giit ko bago binaba ang linya.

Pag pasok ko sa loob masamang nakatingin sa'kin si mama.

"Sino yon? Si Jeffrey na naman? Banda na naman?" Kalmadong sabi ni mama pero alam ko na galit siya.

"H-hindi po ma. Si Jojo kailangan daw nila ng tao sa milktea shop, tinatanong kung gusto ko daw ba." Pag sisinungaling ko.

Tumayo si mama para ilagay ang pinagkainan niya sa lababo.

"Lilipat tayong Maynila para makapag aral ka at hindi dahil sa banda na yan." Patuloy na pag sasalita nito.

"Kung ayaw mong mag away tayo. Wag na wag kana hahawak na mikropono at gitara." Dagdag nito at umupo sa harap ko at ngumiti.

Ngumiti ako pabalik kay mama at dahan dahan tumango.

Saktong alas sais nasa byahe na kami papuntang maynila.

Nasa harapan si mama ng jeep at ako naman ang nasa dulo para tingnan tingnan ang gamit namin.

[From:Jepoy

Mamaya dre. 7:00 pm susunduin
kana namin.]

Basa ko.

Isang Pangarap [SB19: Fanfic Story]Where stories live. Discover now