Chapter 2

13 4 0
                                    


Warning: Grammatical and typographical errors a head.

-------------

Chapter 2

Befriend

Since the first day ay mas naging close kaming lima. Halos lagi kaming magkakasama tuwing lunch break.

Andito kami ngayon sa canteen dahil lunch break na. Kanina pa tawa ng tawa si Vanessa at David habang naguusap, at dahil sanay na kami sa kanilang dalawa ay pinapabayaan na lang namin.


"Masarap ba 'yan?" Tanong ni Sander habang sumisilip sa kinakain kong lasagna na binili ko kanina.


"Oo, masarap." Sagot ko pagkatapos ay kumuha ulit sa pinggan para kumain.


"Talaga ba?" Hindi na ito nakitingin sa akin, nakatingin na s'ya sa kinakin ko at mukhang kaonti na lang ay maglalaway na.

Itatanong ko na sana kung gusto n'ya ba ito para mabigyan ko s'ya pero naunahan na n'ya ako.


"Pwede patikim?" Nakapout pa ang kan'yang mga labi habang magkadikit ang dalawa n'yang kamay na parang tutang nanghihingi ng pagkain sa amo. Natawa ako ng mahina at tumango sa kan'ya, agad naman s'yang napangiti.


Ibibigay ko na sana ang pinggan ko kay Sander ng bigla naman akong akbayan ni Vanessa.


"Ano yung naririnig ko na 'pwede patikim', Selene at Sander?" Asar pa nito sa nanunuyang tono.


"Ng sapak, Vanessa. Gusto mo rin ba?" Tanong ko dito at inalis ang akbay n'ya sa'kin.


"Eto naman 'di na mabiro, joke lang." ganti nito sa mahinhin na boses.


"Nakapasa ka na ba ng reflection paper kay Ma'am Iris?" Pagiiba nito sa usapan.


"Oo, kahapon pa. 'Di ka pa ba nakapasa?" Tanong ko at sumipsip sa iniinom kong mango juice.


"Ni rush ko na nga lang ang pagpasa kanina kasi nagayang uminom yung pinsan kong si Lumi kagabi kaya ako napuyat." Pagrarason nito.


"Gusto ka nga raw n'yang makasama na uminom, naikwento kasi kita sa kan'ya." Dagdag n'ya. 'Di na ako nagulat na masabi n'yang naikwento n'ya ako sa pinsan n'ya, sa daldal ba naman nitong babaeng 'to.


"Before i dismissed all of you, i just want to orient you all that our school fest is nearing and i want all of you to start preparing. That's all. Class dismissed." Our professor said before he leave.


Pagkalabas na pagkalabas ng professor namin ay nagingay na agad ang lahat, kasali na do'n ang katabi ko.


"Feel ko magiging masaya ang school fest this year!" Sabi pa ng iba, at nakisabat naman si Vanessa.


"Oo nga, at isa pa maraming gwapong seniors ang makikiparticipate. Kailangan nating bonggahan ang mga booths natin." Mukhang paghahandaan nga nila ang paparating na school fest, nakikita kong desido talaga sila. Hay nako.


"Selene, may mga booths ka na ba na naisip?" Tanong sakin ni Vanessa habang nagpapahinga dito malapit sa Building ng mga engineering department. Marami kasing mga puno rito at masarap ang hangin. Nakikisama rin ang three idiots sa aming dalawa ni Vanessa 'pag vacant period rin nila.


"Wala pa." Sagot ko at sumandal sa tabing puno. Buti na lang ay may dalang blanket si Vanessa para pagupuan at paghigaan pag gusto naming umidlip.


"Sa bagay kakaannounce lang kanina..." pagkasabi nito ay humiga ito at ipinatong ang ulo sa aking mga hita. "Pero ako marami ng naisip na pwedeng gawin sa school fest, saka ko na lang sasabihin pagkumpleto na tayo." Pagpapatuloy n'ya.


A WAVE OF NOSTALGIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon