Chapter 3

14 3 0
                                    


Warning: Grammatical and typographical errors a head.

-------------

Chapter 3


Library

Nagumpisa na ang hell week namin dahil sunod sunod ang mga activities sa school na pinapagawa sa amin, inaasahan na raw 'to ng mga ibang mga estudyante pero kami hindi! 'Pag may mga paparating raw na mga event sa school ay automatic na bago mangyari ang event na 'yon ay ipapagawa na ng mga professor ang mga activities na ipapagawa nila sa araw ng event na 'yon.

Sa madaling salita, inagahan na nila ang pagbigay ng mga activities dahil walang magka-klase sa araw ng event.


"Selene...Paturo ako kung pa'no 'tong solution dito." Nakakunot ang nuong tanong ni Vanessa.


"Sa pagkakasabi sa akin, walang math ang Tourism! E ano 'to?!" Gigil na saad nito.


Tumawa ako ng mahina. "Sino naman nagsabi sa'yo?" Tanong ko.


"Uhm... Ako?" Natawa na lang kaming dalawa. Habang tumatawa ay dumating naman ang tatlo.

Tumabi sa akin si Sander, habang si David naman ay kay Vanessa, nakita kong nagdilim ang paningin ni Caster sa dalawa. May something. Nagtama ang mata naming dalawa at biglang itong umiwas. Napangiti na lang ako.


"Wala ba kayong ginagawa? Or activities na gagawin?" Tanong ko kay Sander na ngayon ay kumakain ng lasagna. Mahilig ata sa lasagna 'tong lalaking 'to. Kahapon lasagna na naman ang kinain n'yang lunch tapos ngayon miryenda.


"Nagawa na namin last week pa."

"Last week pa!"


"Oo, bakit yung sa inyo ba?"


"Hay nako, hanggang ngayon stress pa 'rin ako dito sa bwiset na math na 'to!" Gigil na namang saad ni Vanessa. Nakitang kong lalapit na sana si Caster ay nauna naman si David. I smell something fishy.


"Gusto mo turuan kita?" Sabi ni David habang dikit na dikit kay Vanessa.


"True yarn?"


"Oo, ako pa ba. Magaling ako sa math." Pamamalaki ni David.


"Hoy! Tanga! Mas magaling sa'yo si Caster!" Singit ni Sander sa dalawa habang subo ang kutsara ng kinakain n'yang lasagna. Napatingin naman ako kay Caster naghihintay ng reaction n'ya.


"Let me see that." Turo nito sa sinasagutan ni Vanessa. Nakita kong tumaas ang kilay ni Vanessa. Hinampas naman ng notebook ni David si Sander, dahil siguro ginulo ni Sander si David.


"Aray! Ano ba! 'Pag ako pumalo sayo!" Banta nito sabay tayo sa inuupuan at lumapit kay David. Agad naman tumakbo palayo sa pwesto namin si David para makatakas. Ngayon ay naghahabulan na ang dalawa.

Lumipat ang tingin ko kay Vanessa at Caster. Mukhang si Caster lang ang makakahinto sa maingay na bibig ni Vanessa. Ang tahimik n'ya habang katabi si Caster na nage-explain sa kan'ya.


"This is the solution... do you get it now?" Tanong ni Caster kay Vanessa. Nagkatinginan pa ang dalawa bago sumagot si Vanessa.

"U-uhm...Oo."

Nakitang kong nagblush ang pisngi ni Vanessa. Hala! David bumalik ka na dito! Mukhang may kaagaw ka na!

Inalis ko na lang ang tingin sa dalawa. At kinuha ang aking cellphone sa bulsa ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin reply si Stan. Siguro na wrong send lang s'ya no'ng sinend n'ya sa akin 'yon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A WAVE OF NOSTALGIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon