Chapter 43

4.7K 222 86
                                    

Lilipat nalang kaya ako ng ibang school? O sa ibang bansa nalang ako titira?

"Hey." Napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Madeline na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Y-yes?" Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako namatay.

"You see, I don't like you clingy into my little brother." Me? Clingy? "Stay away from him. I warned you."

Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay nilagpasan na niya ako. Napabuga nalang ako ng hangin.

•••

Nang makarating na ako sa bahay ng kambal ay agad bumungad sa akin si Eros na nagluluto ng pagkain. My eyebrow furrowed.

Ako dapat 'yong gumagawa niyan.

"Ako na po ang gagawa niyan," saad ko sa kanya.

"No, I can do this. Just sit there and watch my handsome face." I nod. At palihim na napairap sa sinabi niya.

Umupo ako sa upuan na kaharap niya lang at walang gana siyang tinignan. Bakit parang hindi siya nag aalala sa kambal niya?

"Hevis is in the hospital." Napahinto siya sa aking sinabi. "Hindi mo ba pupuntahan ang kambal mo?"

"I heard ayos lang naman siya. Malaki na siya, Luna. Kaya na niyang mag isa," nakangiti niyang sabi sa akin.

I know that smile is fake.

"But still, he's your twin." Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya dahilan para mapahinto siya. "I can do this on my own, pumunta ka na sa kambal mo."

"Hindi mo ba ako gustong makasama, Luna?" he asked seriously.

"Hindi naman sa ganun—"

"Kung ganun." Binitawan niya ang kutsara at humarap sa akin. "Why do you care about him so much? Do you like him more than me?"

Pantay-pantay lang naman ang pagtingin ko sa inyo. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mata naming dalawa.

"Pantay-pantay lang naman ang pagtingin ko sa inyo." Nagulat ako ng hinigpitan niya ang pagkakahawak sa wrist ko at tinaas ito ng kunti.

"If i knew that you fell inlove with someone else. I'm sure, Luna. Papatayin ko 'yong taong mahal mo and i won't let your life have a happy ending," seryoso niyang saad sa akin. Dahilan para mapahinto ako. Si Eros kaya ang tumulak kay Hevis? Napa chuckle ito, dahilan para mabalik ako sa realidad. "Kidding."

Dumistansiya na siya sa akin at pinagpatuloy na niya ang pagluluto. Napabuntong hininga na lamang ako.

•••

Ng tapos na siya magluto ay nilagay na niya ito sa lamesa. Dalawang plato ang nilagay niya sa lamesa, at nilagyan niya na ito ng pagkain.

"Kakain rin ba ako?" tanong ko.

"Syempre naman, kailangan magkaroon ng laman ang tiyan mo." Malandi naman siyang tumingin sa akin. I swear if ibang babae ang nakatingin sa kanya, siguradong na akit na niya ang babae. "Ayaw ko naman magutom 'yong baby ko."

Chasing Love: Eight Boys ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon