Chapter 25

6.3K 279 40
                                    

"Pardon?" What did she just say? Wala namang sinabi si Sol sa novel na ganyan?

Tumingin siya kay Saichi na kumakanta, pero seryoso pa rin ang mukha niya.

Nagkagusto na ba siya kay Saichi?! Pero akala ko ba wala siyang nagustuhan sa walong lalaki?

"Halata naman siguro na ako ang mahal ni Saichi, diba?" Malungkot itong tumingin sa akin. "Alam kong mahal mo siya, Luna. Pero ako na ang mahal niya, alam kong masakit sa'yo, pero sana tanggap mo na ako ang mahal ni Saichi. So please layuan mo na siya... Wag muna kaming guluhin."

Teka? Ano bang ginawa ko? At ano bang pinagsasasabi niya? Ako? May gusto kay Saichi?

"S-sol, It's not what you—" naputol ang sasabihin ko ng agad siya sumabat.

"Sinasabi ko 'to sa'yo, Luna. Dahil ayaw kong masaktan ka." Napayuko ito ulit and she seemed to pity me. "Alam ko kasing wala kang pag asa sa kanya."

"Hindi ko siya gusto, Okay!" Nagulat naman siya sa sinabi ko.

I rolled my eyes at napahilot sa sintido ko. Mabuti pang umalis nalang ako, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kwento na 'to?

It changes a lot! Binago ko lang naman kunti 'yong pangyayari sa kwento, at ang binago ko lang naman ay 'yong pagputol ko ng friendship namin ni Sol.... 'yon lang naman, pero parang nagbago na ang lahat.

Tumayo ako at akmang aalis pero napahinto ako ng mapansin ko ang boses ni Saichi.

"Oh, I've been dazed and confused
From the day I met you
Yeah, I lost my head
And I'd do it again
Either I've seen the light
Or I'm losing my mind
There's something 'bout you
That's got me dazed and confused~"

Kunot noo ko siyang tinignan. Nakatingin lang ito sa akin and he didn't even take a glance at Sol.

And why did i stop walking in the first place?

"Dazed, Dazed and confused,
Dazed~"

Hindi naman ako na inform na nalilito siya sa feelings niya para kay Sol? Eh 'yong lyrics kasi.... Nabasa ko 'yon sa novel. He sing a song that represent his feelings for Sol.

"I bet you know just what you're doing
You're not the type that's used to losing
First, you build me up, then with just a touch
Leave me here in ruins
Something 'bout your eyes
I can't even walk in a straight line
Under the influence~"

Napabuga nalang ako ng hangin. Aalis na ako dito, wala ako sa mood ngayon. At saka, alam ko naman ang mangyayari. Walang interest sa mangyayari dito. Inshort... Boring.

Akmang aalis ako pero napahinto rin ako ng agad niya ako tinawag.

"Luna!" Tumingin ako sa kanya.

Tumahimik ang lahat at nakatingin lang sa amin. Ano na naman ang kailangan nito?

"What?" cold kong sagot.

Lumapit siya sa akin. At hinawakan 'yong kamay ko at nilagay ito sa dibdib niya. Nangunot ang aking noo na nakatingin sa kanya.

Ano na naman 'yong trip niya?! Akmang magsasalita ako pero agad siya nagsalita.

"Can you be my girlfriend?" Nagulat ako sa kanyang sinabi.

Nilapit ko naman ang sarili ko sa kanya. Lahat ng tao na nandito ay natahimik sa kanyang sinabi.

"Ano na naman 'to, Saichi? Pinapunta mo lang ba ako dito at ginagawa mo 'to? Para atakihin ako ng mga fans mo?" inis kong tanong sa kanya.

Naka mic pa siya kaya lahat ng mga tao na narito ay rinig ang kanyang sinasabi. 

"I'm serious, Luna. H-hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko.... Hindi ako sigurado." Ano bang hindi siya sigurado? At dapat umamin na siya kay Sol ngayon?! Bakit sa akin siya lumapit? Seryoso naman siyang tumingin sa akin. "Hanggang sa hindi ko pa nasisigurado 'yong feelings ko sa'yo. Can you be my girlfriend? Please~ I just want to make sure what I'm feeling right now."

What the heck is happening?! At ano ba 'yong feelings na sinasabi niya?! Dahan-dahan ako napatingin kay Sol na ngayon ay namumula na ang mata at kulang nalang ay bumagsak na ang luha niya.

Sinamaan ko ng tingin si Saichi, kung alam ko lang na may balak siyang masama sa akin ulit. Ay hindi na sana ako pumunta dito.

"Stop this Saichi. Nasasaktan na si Sol." Ngunit parang hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Hindi ko na alam. Help me just this once, Luna." Tumaas 'yong isa kong kilay sa sinabi niya.

Sinandal niya naman ang ulo niya sa balikat ko dahilan para mapahinto ako. I heard his fans start whispering to each other.

"I tried to forget you but everytime i tried to... Mas lalo akong nakakaramdam ng ganito. I feel comfortable when I'm with you, I think you're the only person who is not fake with me." I heard him chuckled pero hindi ko nakita 'yong reaksyon niya dahil nakasandal 'yong ulo niya sa balikat ko. "I like being with you, Luna. You make me happy kahit wala ka namang ginagawa. I hate you because every time i see you, It makes my heart beat fast and my mind went crazy.... You make me confused... Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman."

"What are you talking about, Saichi? Gusto mo si Sol diba?" Pati ako nalilito na. Baka prank lang 'to?

"Since you came.... My feelings for Sol.. is gone... I think I'm inlove with you, Luna." Nagulat ako sa kanyang sinabi.

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi naman kami masyadong nagpapansinan ni Saichi, pero bakit nangyari 'to?

"You think? H-hindi ka pa sigurado diyan, Saichi," seryoso kong sabi sa kanya. "At may boyfriend na ako. Hindi tayo pwede."

Ngumiti naman ito ng nakakaloko.

"Makipag break ka sa kanya, simple." I rolled my eyes.

"No." Nawala 'yong ngiti niya sa sinabi ko.

Napabuga nalang ito ng hangin. "Bahala na kung kabit lang ako. Pumayag ka lang maging girlfriend ko."

"Ayaw ko," diretso kong sagot. 

Akmang magsasalita si Saichi pero agad sumabat si Sol.

"Anong ibig sabihin nito Saichi?!" Lumapit naman sa kanya si Sol. Oh gosh! "Akala ko ba mahal mo ako? Diba, sinabi mo naman sa akin na mahal mo ako."

Napatingin si Sol sa akin at nag uunahan ng bumagsak ang mga luha niya. Pwede bang umalis nalang ako? At sila nalang ang mag usap.

"Sol—" naputol ang sasabihin ni Saichi ng agad nagsalita si Sol.

"Diba ang sabi mo! Wala ng ibang babaeng nagpapatibok ng puso mo kung hindi ako lang?! So, anong ibig sabihin nito?! Saichi! Ano?!"

Chasing Love: Eight Boys ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon