Epilogue

178 16 12
                                    

Isang linggo na din ang nakalipas simula ng umalis ako sa rpw, masakit ang ginawa niya sa akin pero unti-unti ko na ding natatanggap na hindi talaga totoo ang internet love.

Ginawa kong busy ko ang sarili ko para mawala ang pagmamahal ko sa lalaking iyon. Grabe talaga ang impact ni Kayden sa puso ko, the moment na mabasa ko iyong last message niya ay parang namimilipit ang puso ko sa sobrang sakit.

First time ko na lang mag-mahal tapos sa maling tao pa. Well, internet love is fake.

Andito ako ngayon sa likod ng bahay, gumagawa ng research report ko for final printing dahil ipapasa ko na 'to sa susunod na araw. Hindi naman siya rush dahil patapos na din naman ako, magrerevise lang ako ng mga babaguhin at iyong mga mali ko.

While typing on my laptop, i heard my sisters screaming like someone running her. Nagsisigaw siyang tumigil sa harap ko habang nagsisigaw, ang paningin niya ay nasa kaniyang cellphone.

Oo nga pala, hindi na ako iyong owner ng account ko na Ella Mendez dahil binigay ko na 'to kay Mia. I was using my real account which is for academic purpose.

"Ate?!" Sigaw niya.

"Ano? Kita mo namang may ginagawa ako diba?" Naiinis na sabi ko.

Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Ate! Si... si kuya Kayden...ano---

"Ano? Pwede ba hindi ako interesado sa kaniya," puno ng iritasyon kong sabi.

Bumalik na ako sa aking ginawa at hindi na pinansin ang baliw kong kapatid.

"Si Kuya Kayden nasa labas ng bahay."

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa narinig ko kay Mia. Ano daw? Si Kayden nasa labas ng bahay?

What the fuck? Paano nangyari? Oh No! No!

Napabalik ako sa realidad ng may narinig akong kumakanta sa labas ng bahay at ang gand ng boses.

Putangina! Pasampal ako, nanaginip ako.

"Mia, pasampal ako," ani ko.

"Ha? Seryoso ka ate?" Tanong ni Mia.

Tumango ako bilang sagot dahil alam ko naman na nanaginip ako.

*PAK*

"Arayy ko!" Malakas na sigaw ko kay Mia. "Bakit mo ako sinampal?" Galit na sigaw ko kay Mia.

Ngumuso siya. "Sabi mo kasi eh."

Inirapan ko siya at tumayo na, naglakad ako papasok ng bahay patungo sa gate. May nakita akong mga teenagers na nagkakantahan, anim ata sila. Tatlong babae at tatlo din ang lalaki.

Binuksan ko iyong gate at kunot noong tinignan sila isa-isa. Kasi naman hindi ko sila kilala at ngayon ko sila nakilala.

"Sino hanap niyo?" Tanong ko sa kanilang anim.

Nakatinginan pa silang lahat bago tumungo. Umayos sila ng tindig na akala mo ay mga sundalo, Tsk.

"Andiyan ba si Ella?" Tanong ng isang matangkad na lalaki, singkit ang mata at medyo kulot ang buhok.

"Bakit anong kailangan mo sa kaniya?" Walang ganang tanong ko sa kaniya. " tsaka sino ba kayo?"

"Kayden," ani nong lalaking singkit.
"Brian," ani ng payat na lalaki.
"Mathaious," ani naman ng medyo pandak na lalaki.

"Brittney," ani ng maputing babae, she's like fil-am mataas eh.
"Hera," ani ng naman ng babaeng pandak.
"Myrtle," sabi ng babaeng morena.

Tumango ako sa kanilang anim. Tsk, humayo pa talaga sila dito sa bahay ko.

"Anong ginagawa niyo sa bahay ko? Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.

Napakamot ng ulo si Kayden. "Kasi hinahanap ko si Ella dahil aakyat ako ng ligaw."

Napahagalpak ako ng tawa. Oldest? Akyat ng ligaw o baka akyat ng bakod.

"BWHAHAHAAH sige akyat ka sa bakod, charr!" Tumatawang sabi ko.

"Just kidding! Sige pasok kayo sa bahay at may kakalbuhin ako." Binuksan ko ng malaki ang gate para papasukin silang anim.

Sinarado ko muna iyong gate at naglakad na papasok ng bahay. Pinaupo ko sila sa living room, at ako naman ay pinuntahan si Mia.

"Mia, pagtimpla mo sila ng juice. Akyat lang ako sa kwarto." Utos ko kay Mia.

"Okay ate, pero paano kung magtanong saan ka?" Tanong niya.

"Ikaw na bahala." Sagot ko.

Bumalik na ako sa sala at nadatnan ko silang anim na parang mga maamong tupa, ang tatahimik at ang babait.

"Feel at home, she'll be there. Mia ang sinasabi ko sa'yo."

Aakyat na sana ako ng marinig ko ang boses ni kayden na tinatawag ang buong pangalan ko.

"Ella Nicole Mendez."

Pakening shit.

"Andito na nga siya maya-maya," sagot ko habang nakatalikod pa din sa kaniya.

"I know it's you!" He said.

Kumabog ng malakas ang puso ko habang dahan-dahan na humarap sa kanilang anim. Mapakla akong ngumiti sa kanila.

Shit. Paano niya nalaman? Kahit kailan hindi naman ako nag-face reveal ah.

"We're childhood friend," he said softly.

I was flattered and speechless while looking at him. How it happened? I didn't remember him?

"I'm sorry for what I did to you pero totoo naman kasi na taken na ako." Tumigil muna siya sa pagsasalita. "I'm taken by... you."

Bigla na lang tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Bwisit!

"Yieeee! Kasalan na!" Sigaw ni Mentos.

Tumayo siya at naglakad patungo sa akin, nakatingin lang ako sa mga mata niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at ako naman ay parang bato na nakatayo na hindi alam ang gagawin.

"I'm sorry, please forgive me. I really love you Ella," he said.

"Kayden?!" I said between my sobs.

"Shh, I'm sorry."

"It's hurt but my love for you was still there," i uttered. "It's been a week that you broke my heart."

"Yes, I know kaya nga andito ako diba? Andito ako para humingi ng tawad at umakyat ng ligaw sayo personally at sa parents mo," ani Kayden.

Kumalas ako ng yakap sa kaniya at tumango ng dahan-dahan. He wiped my tears using his two hands, it's gentle and soft.

He caressed my cheeks then said, " I love you, boss."

" I love you too."

EPISTOLARY: Crush, Crush Me Back✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon