*nagkakaroon ng problema sa chapter arrangement. Kindly read "Capitulum 02" first before this one.
Taves' residence
11:30 a.m.
---
Lucky for them, there weren't any traffic on their way to the neighborhood.
'But of course, I doubt this is a coincidence.' Hindi na magtataka si Nico kung kumalat na ang balita sa buong Eastwood at kung pinagpi-piyestahan na naman ng media ang nangyari. As much as he despises the police department, hindi niya masisisi kung bakit naiirita rin sina Inspector Ortega sa pakikialam ng media. One minute you'll be solving a sensitive murder case and then the next they'll broadcast all the details to the public.
Nang maiparada na nila ang taxi ilang kanto mula sa bahay ng biktima, halatang nakahinga nang maluwag ang hepe nang makitang wala pang media van doon. Maya-maya pa, binalingan na niya ang dalawang detectives, "Sigurado ba kayong gusto ninyong tingnan ang loob? I can just have a team take pictures for you."
Nova nodded. "I think it's best if we take a look ourselves. Wala akong alam sa mga sakit, pero kung totoo ngang may foul play na nangyari sa pagkamatay ng biktima, we'll be able to spot it instantly. Right, Yukishito?"
Pero nang lingunin ni Nova ang kanyang katabi, doon na niya napagtantong nakalabas na pala ito. Napabuntong-hininga na lang ang dalawa nang makitang naglalakad na ang detective papalapit sa health workers. Nakapamulsa at chill lang.
"Hindi talaga maawat ang batang 'yan kapag may kaso. Don't you think he's being a little too 'passionate' with his job?"
"Well," Nova climbed out of the taxi and tied her pink hair in a ponytail. "It's my job to make sure his passion doesn't get him infected, inspector."
*
Imbes na forensic team at police officers, mga health workers agad ang sumalubong sa kanya. He flashed them his detective badge and studied the "safety measures" the ECDCP already did so far. Hindi na siya nagulat nang makitang may naka-setup na malaking transparent tent sa bahay ng pamilyang Taves. Base sa amoy ng mga kemikal at sa mga taong nakasuot pa rin ng biohazard suits, mukhang kakatapos na rin nilang mag-disinfect.
'Interesting.'
Habang nagmamasid sa paligid, hindi na niya namalayang nakalapit na pala sa kanya si Nova.
"Gosh! This is my first time seeing their actual containment procedures." Dumako ang kanyang mga mata sa bintana ng bahay kung saan natatanaw ang isang Christmas tree sa sala. The unfinished decorations already told the story. Nakakalungkot lang isipin na mga anak pa mismo ng ginang ang nakahanap sa kanya. "Sa tingin mo ba may foul play sa kasong ito?"
"I can't conclude anything right now."
Nico took a mental image of the place and scanned for clues. Sa ngayon, wala silang sapat na ebidensiya. Ni hindi pa lumalabas ang mga resulta para i-identify kung anong pathogen ang pumatay sa biktima. In this case, any bacteria, virus, or microorganisms that can cause a disease is called a "pathogen", so it might take some time to know which one caused this. Fortunately, the ECDCP follows strict containment protocols just in case this pathogen is among the top deadly ones.
Base naman sa interview sa asawa nito, higit isang linggo ring masama ang pakiramdam ni Mrs. Taves bago ito nangyari. Kung anuman ang sakit na 'to, kailangan nilang doblehin ang kanilang pag-iingat.
BINABASA MO ANG
✔ 03 | Point of Exposure
Mystery / Thriller"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Briannova Carlos are forced to face two enemies... One unseen. One vengeful. Both deadly. What happens when...
