After taking a drink, Minnesota headed straight to the next patient she was about to check up on. Humikab ang nurse at inayos ang kanyang mask, careful not to appear too tired.
Bakit ba kasi hindi siya makatulog nang maayos kagabi?
'It's only around 10:00 a.m., Min. Hindi ka pwedeng antukin!' She mentally scolded herself and entered the room.
A lot of thoughts ran in her mind, flashing what occured in the last week ever since the UD case started.
Lutang niyang ginawa ang kanyang trabaho, but Min couldn't help but notice the way the other occupant in the room stared at her and studied her every move. Sa kabila ng paminsan-minsan nilang pag-uusap tuwing bumibisita siya rito, Min still couldn't shake the weird feeling she has.
Siguro nga, napapagod lang siya.
*
Malinaw pa sa kanyang mga matang bumalik ang mga imahe kay Nico. It was as if his mind instantly conjured up the crime scenes in full detail, one by one...
"Sa kaso ng mga Taves, nabanggit ng ilang teachers ng magkapatid na nagiging sakitin sila and they even mentioned how Mrs. Taves would even take them to see a doctor---you---and accompany the kids everywhere. Kung infected na rin ang mga bata dahil sa ibinigay mo sa kanilang prutas o kung si Mrs. Taves mismo ang kumain nito dahil hindi mahilig sa prutas ang mga anak niya, either way, you successfully exposed the family to these horrors by offering them these fruits. And might I add, sa crime scene sa Taves' residence, a bowl of fruits were at the living room, right next to the broken mug and the mother's body. That alone gives the impression that someone in the house consumes fruit on a regular basis, most likely Mrs. Taves herself, and you knew it...
Sa kaso ng mga Chua, it was a similar case for their daughter, Molly, wasn't it? Appointment and manipulation and offering her something to eat. Sa kaso ng mag-amang namatay sa mall, since their financial status is a problem, you could've easily took advantage and volunteered to do check ups on the kid out of a 'good heart' and found a way to infect him, too. Maganda ang reputasyon mo sa Eastwood, kaya hindi kataka-takang pinagkakatiwalaan ka ng marami. With your line of work, it would be easy for you to execute your plans on the others---sa batang sakristan at sa batang may dala-dalang mangga sa parke," Nico finished and eyed the killer.
Nakayuko na ito ngayon at mukhang malalim ang iniisip.
*
Nakayuko ngayon si Atty. Lelouch habang binabasa ang mga dokumentong nakalap nila sa isang flashdrive sa opisina ni Dr. Fabella. They were in his office at the ECDCP, investigating the attack on Dr. Almeida.
Dahil hindi available sina Detective Yukishito at Brian para tingnan ito (and upon Inspector Cordova's insistence), they decided to take matters into their own hands. Kung na-distract man siya sa tawag kanina ni Omari, now the attorney's full attention is on the screen in front of him.
"Pero bakit naman ito itatabi ni Dr. Fabella?" Lelouch skimmed through the files and read them thoroughly. From the looks of it, the director carefully hid this from plainsight.
BINABASA MO ANG
✔ 03 | Point of Exposure
Mystery / Thriller"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Briannova Carlos are forced to face two enemies... One unseen. One vengeful. Both deadly. What happens when...
