Jaycee's POV
Saturday ngayon. Kaylangan kong pumunta ngayon sa Rocket ko. Photographer yata ako? HAHAHAH. Yun kase ang sideline ko para may extra income ako.
*Facebook Pop*
Drake Lucero
Hi baby!
7:23 amHay jusko! Kay aga-aga nagdodota! Buhay nga naman oh.
Jaycee Flores
Ano nanaman ba? Kay aga-aga binubwiset mo ko!
Sent 7:25 am
Drake Lucero
Ah ganun ba? Sorry ah :( Bye.
7:26 amAyan! Mabuti yan! Walang gugulo sa buhay ko ngayong araw! Bwahahah!
Nilagay ko na yung mga gamit ko sa sasakyan ko at sumakay na. Sa Diamond Garden ang Venue namin. 16th birthday. Bongga siguro ang party nito. Samantalang ako, 14 pa lang. Batang-bata pa. Hahaha.Pagkadating ko, nilibot ko agad yung Garden para makahanap ng magandang spot at lightning para sakanya. Isa sya sa Childhood Friend ko. Para kaming magkapatid kung magturingan.
Mga 8:30 dumating na siya. Perfect yung suot nyang outfit sa Garden. May dala syang Skate board. Ang galing pala nya. Hanggang sa andami na naming naging shots. Masasabi kong napakaganda nya.
"Jaycee! Magpahinga ka muna! Patingin naman ako ng mga shots mo. Sana maganda ako." Ate Aira
"Aynako! Wala kang palpak! Ang ganda mo kaya Ate Aira! Napaka-Photogenic mo." Ako
"Thankyou! Halika, may ibibigay ako sayo! Dali!" Ate Aira
Kinaladkad nya ko hanggang sa tent nya. Medyo naalog yung utak ko. Hahah.
"Oh ayan! Sana nagustuhan mo yung regalo ko sayo." Ate Aira
OMG! Binigyan nya lang naman ako ng Lens ng Camera. Grabe talaga!
"Like omg! Sakin talaga to? Wow! Thankyou ate Aira!" Ako
"Wala yun. Malayo pa mararating mo! Tara na?" Ate Aira
At saktong umulan. Eto yung first rocket kong umulan. Gusto ko ring maexperience yung ganto. Uminom muna kami ni Ate Aira ng Gamot para incase hindi kami magkasakit. Pinagtampisaw ko sya sa ulan at ang ganda ng mga shots na ginawa ko.
Pagkatapos nun, umuwi din ako agad. Chineck ko yung phone ko kung may nagtext. Ano na kaya ginagawa ni Drake? Aish! Bat ko ba yun iniisip? Haynako! Okay nga yun e! Walang naggugulo sakin diba? Hahahah.
Naligo na ko. Mga 6:30 na pala. Sa Condo ako nakatira. Eto yung iniwan sakin ng Tito ko. Nasa ibang bansa na sya e. Nagpapagamot. Napakalaking tulong nito dahil dito na ako nagaaral sa Maynila.
Nagbihis na agad ako ng pantulog. Lumabas na ako sa kwarto ko. Bale malaki-laki tong Condo na to. May SecondFloor, Dirty Kitchen, Living room, Dining room, May Dalawang room sa taas. Niyayaya ko nga dito si Maddi e. Baka by next month lumipat na din sya dito. Tinatapos nya muna yung renta nya sa Bahay na tinutuluyan niya. Si Tito ang nagbabayad ng Electricity, Tubig, Wifi, Cable, Baon at Tuition ko. Napakaswerte ko. May iniwan pang 10 bilyon sa account ko sa bangko. Iniwan daw saakin yun ng aking mga magulang noong nabubuhay pa sila. Lumubog yung barkong sinasakyan nila noong 10th anniversary nila. Balak na nilang sundan ako kaso yun. Buti na lang may Guardian ako, si Tito. Siya ang tumayong mga magulang ko. Tuwing Pasko, pinapapunta ako nung pamilya ni tito para doon na magpalipas ng pasko.
Ibinaba ko muna yung Laptop ko sa Lamesa sa Dinning room at pumunta sa Dirty Kitchen para kumuha ng dinner. Sagot ko ang pagkain dito. Kaya ano nagsisideline. Noong una, ayaw akong payagan ni Tito. Pero nung sinabi kong masaya ako sa ginagawa ko, napapayag ko na sya.
Gumawa na lang ako ng Pizza Cupcakes. Medyo paubos na yung mga pagkain dito, kaya kaylangan ko ng magGrocery. Hinintay kong mabake tas bumalik na ko sa Dinning room para kumaen.
NagOnline ako sa Facebook para Icheck yung Notifications ko. Nakakapanibago. Tuwing mag-oonline ako 20+ agad yung nasa Chat ko. Ngayon kahit 1 wala.
Namimiss ko kaya siya?
-------
Nakakaloka! Ang haba ko magUD. One-shot ba talaga to? My ghawd! 😂😂 Ingat tayo!