Six

4.2K 115 5
                                    

Six

°•°•

"Teka! Di kita maintindihan! What are you saying?" I asked.

Paano naman kasi kung anu-ano yung sinasabi nya.

"I thought you're older than me? Dapat alam mo kung ano yung sinasabi ko," Dash answered.

"But I don't understand!"

Di ko talaga sya maintindihan. Ano bang pinagsasabi nyang first and last?

Umiling nalang sya.

"Do you have movies here?" He asked.

"Oo, tignan mo nalang dyan."

Pumunta naman sya dun sa may tv. Ewan ko kung ano yung tinitignan nya dyan.

"Ooooh. You play video games?" Tanong nya sakin.

"Well, sometimes. Its not mine, kay Chrome yan." Sabi ko sabay scan sa phone ko.

Hindi manlang ako naaalala nitong kapatid ko. Dalawa na nga lang kami tapos di pa ako maalala.

"Chrome?"

"Yes, his my younger brother minsan pag grounded sya sa condo ko yan yung nilalaro nya. Napakahilig kasi sa basketball atsaka motorcycle races." Tumango naman sya.

Tumayo naman sya atsaka tumabi ulit sakin.

"Tara," I frowned.

"Where?"

"Sa convinience store sa tapat,"

"Anong namang gagawin mo dun?"

"Ano pa ba ginagawa dun? Diba, nagrogrocery?" I glared at him.

"Alam ko kung ano ang ginagawa sa convinience store--"

"Yun naman pala eh," I added.

"Patapusin mo kaya muna ako magsalita, pwede?"

"Sorry.." I sighed.

"So, bat ka naman maggrogrocery?"

"Basta. Ano? Pwede mo na akong samahan?"

"No, ayoko. Tinatamad ako." Umiling sya.

"Laziness? Come on, samahan mo na ako."

"Ayoko nga, tinatamad ako." Napakamot sya sa batok.

"Ayaw mo bang kumain ng sinigang?" Bigla akong natigilan.

I groaned.

•°•°

Dahil likas na makulit si Dash napasama tuloy ako.

"I wan't this, this, that and this." Sabi ko sabay lagay sa cart ng mga nakuha ko.

He frowned.

"Junkfoods? Chocolates? Lollipops? Aanhin mo to?"

"Kakainin malamang,"

"Akala ko ba bawal tumaba yung models?"

"Bawal naman talaga, pero maintain ko body ko. Mukha ba akong mataba?" I asked.

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Bigla syang namula. Okay? Ang weird. Umiwas sya ng tingin.

"Y-You're thin," nagsimula na syang maglakad palayo habang hila-hila yung cart.

Napanganga ako. Did he just said that I'm thin?! I'm not thin! I'm sexy! Ugh.

"What are you still doing?" He asked.

I gritted my teeth and then padabog akong lumapit sa kanya.

"I'm not thin, I'm sexy." Gigil kong bulong sa kanya. He chuckled.

"Okay, let's go to the meat section." Nagsimula na ulit syang maglakad. I rolled my eyes.

Hindi manlang nya pinansin yung binulong ko sa kanya?! How rude! Teka nga, ako yung mas matanda ako yung sunod ng sunod sa kanya.

At heto ngayon, kararating lang namin sa unit ko. Naaasar ako kasi hindi manlang nya ako pinayagan bumili ng junkfoods. Sasabihin, "Wag yan di healthy." Tapos "Tataba ka nyan," meron pa "Baka magkasakit ka nyan"

Seriously?! Sino matanda samin? Sya o ako?!

At heto nanaman, nasa kusina kami. Itinali ko yung buhok ko atsaka nagsuot ng apron. Magluluto daw kasi si Dash, tuturuan nya ako. As if, masarap yang niluto nya. Hindi parin ako naniniwala na marunong syang magluto.

"Mag-chop ka," utos nya.

"Fine," I answered while rolling my eyes.

Kinuha ko naman yung chopping board atsaka knife.

"Wait," pigil nya sakin.

"What?"

"Marunong ka ba mag-chop?" I glared at him.

"Mukha ba akong walang alam?"

"Malay natin hindi ka marunong diba? Ingatan mo daliri mo,"

Bigla akong nakafeel ng goosebumps sa sinabi nya. Ingatan ko daliri ko? Teka, alam ba nya na hindi ako pro mag-chop?

Naririnig ko ng pinapakulo na nya yung baboy.

"Matagal pa ba yan?" Tanong nya.

"Wait teka," nagmadali naman ako mag-chop.

Nang biglang na-hiwa ko yung kamay ko.

"Sht!" I shouted.

Dumugo kamay ko.

Napalingon naman si Dash.

"Oh god! Bat di ka nag-iingat?!" Lumapit sya atsaka hinawakan yung daliri kong dumudugo. "Asan ba first aid kit mo?"

"Ayun! Dali kunin mo!" Nakakadiri kasi yung dugo. Agad-agad nya namang kinuha yung first aid kit atsaka kumuha ng bandage.

"Hugasan muna natin yang kamay mo," hinawakan nya ulit kamay ko atsaka hinugasan ng tubig sa sink.

"Aww!" Buhusan ba naman ng alcohol hiwa ko?!

"Sorry! Akin na," nilagyan nya ng blue na polka dots na bandage ang kamay ko.

"Ayan okay na," tumingin sya sakin. "Sa susunod ingatan mo daliri mo, pasalamat ka buo pa yan." Ngumuso ako.

"Paano naman kasi.." umiwas ako ng tingin. Ang lapit nya kasi.

"Masakit pa ba?" Tanong nya. Halatang concerned sya.

"O-okay lang," sabi ko habang tumatango. Actually medyo mahapdi pa.

He looked at me.

Halos mapa-nganga ako nung bigla nyang kiniss yung daliri ko na may bandage.

"Gagaling din yan, ganyan ginagawa ko sa mga pasyente ko." He said while smiling.

One thing I knew my brain stopped functioning.

He's Younger than MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon