Tinignan kong mabuti ang sarili ko sa salamin saka napa-iling iling
Hindi, 'di talaga bagay sa'kin 'tong uniform na 'to, mukha akong si Minnie Mouse sa laki ng ribbon, dibdib version nga lang
Agad kong kinuha 'yung isa kong blouse na binili. Hindi ko pinalagyan ng ribbon 'to kasi alam kong chaka talaga pag nasuot ko na, pero nandon pa rin naman 'yung logo ng school sa right side. Tinignan ko uli ang sarili ko sa salamin
P'wede na, wala ng choice, 'di naman nababago ang mukha
Kinuha ko 'yung sign pen na nasa side table ko saka sinilid sa palda ng uniform ko na hanggang binti. Kulay dark blue at may malalaking checkered na puti. Bumaba na ako papuntang sala.
First day of school ngayon at hindi ako magdadala ng bag, kung tatanungin kung bakit? Hindi ko rin alam. Basta noong araw na nagpa-enroll ako, ang alam ko lang pag uwi ko, hindi ko na bag iyong dala dala ko. Hindi ko na gamit 'yung mga nasa loob noon at ayaw ko naman gumamit at mangealam ng hindi ko pag-aari. Wala namang ID or kahit anong bagay ng may information ng owner kaya hindi ko maibalik.
Hindi ako kawatan, pero hindi ko rin alam kung ba't iba na laman niya
Mabuti na lang at p'wede pang humingi ng panibagong form sa registrar noong time na nagpa-enroll ako, nasa bag ko kasi 'yung form na na-fill upan ko. Kung hindi edi sana may poknat na si Seo, sa kaniya ko kasi nasisi lahat ng kamalasan na nangyari sakin noong araw na 'yon e, ginanutan ko talaga ng malala
"Mukha kang matino," ani Seo, nagtatawa na nakatingin sakin, nginiwian ko lang 'yon
"Magaling na sugat mo?" tanong ni Kuya, umupo ako sa tabi ni Seo saka nagsimulang mag sandok ng kanin, bahagya ko namang inangat ang kaliwang kamay ng matapos mag sandok, tinitignan din ang sugat na medyo pahilom na
"Okay naman na siya, medyo umaantak lang pag nadidiinan,"
"Tanga kasi," Seo
"Wow, sinong tanga? Kompleto 'yung nadalang pabango sa kotse pero ako nakalimutan?!" bulyaw ko
"Hoy sadyang nasa kotse ko talaga 'yung mga pabango na 'yon 'no!" pagtanggol niya sa sarili, nginiwian ko naman siya
Nakapag-enroll pa rin naman ako on time, nakarating din naman ako sa school, pero hindi matiwasay. Tama 'yung sinabi noong pinagtanungan ko na daan, hindi lang ako na-inform na puro hagdan pala 'yon at maraming aso. Ang ending, sa sobrang takot ko makagat, nagtatakbo ako at nag swimming sa hagdan, ewan kung saan tumama 'tong pulso ko, sa bato ata na matilos kaya nagkasugat.
Wala naman akong galit kay Kuya na pinagtanungan ko kasi kasalanan ko naman kung ba't ako nag swimming sa hagdan, pero naiinis ako sa kaniya kasi tama rin naman pala 'yung unang daan na pinasukan ko, iyon pala talaga ang mismong daan papuntang school. Pero bakit doon niya pa ako tinuro sa parang daan ng mga nagka-cutting?
Omai
"Mag sabay na kayong dalawa mamaya pag uwi ha, Kenseo baka naman maiwan mo na naman si Drae, hindi ka na talaga makakagamit ng kotse," pagpapaalala ni Kuya, dinilaan ko naman si Seo dahil doon