*RING* *RING* *RING*
Pikon kong kinapa ang cellphone ko na kanina pa ring nang ring sa ulunan, ng mahawakan iyon ay agad kong sinagot ang tawag ni Seo
"Drae! Nasaan ka na?!" nakaramdam ako ng kaba sa sigaw niya, pilit inaalala kung nasaan ba dapat ako ngayon sa mga oras na 'to
"Anong nasaan? Kakagising ko lang," kunot noo, inangat ko ang ulo ko at tigignan ang orasan sa dingding, 8:57 pa lang.
"Yare, kumilos ka na! Mahaba na pila dito! Baka ma-traffic ka pa!"
Agad akong umupo mula sa pagkakahiga at kinapa ang sintido ko
"Ha? Nasaan ka ba?!"
"Nasa school na ako, nakapila na sa may registrar," aniya, agad nanlaki ang mata ko at nagkukumahog sa pagtayo ng marealize
"Akala ko ba magkasabay tayo?!"
"Nakalimutan kita talaga, sorry!"
"Lala mo, Koya, sa dami-dami ng makakalimutan mo, ako pa talaga," pinatay ko ang tawag at dumiretso na sa banyo. Mabilis ang naging pag gagayak ko, kahit sobrang pikon na pikon ako ay sinantabi ko muna.
Mamaya ko na siya dadamdamin pag nasa harap ko na si Seo
Pagka-gayak ay agad kong inipon mga kakailanganing gamit ko sa sling bag. Ngayon ang last schedule ng pag-e-enroll namin para sa aming year level, kaya kung hindi ako makakapag-enroll ngayon, wala akong choice kung hindi mag hanap ng ibang school. Transferee pa naman ako, maraming kailangan i-process.
Depunggol ka talaga, Seo. Mamaya ka talaga sakin.
Agad kong ni-lock ang gate pagkalabas ng bahay saka nagmadaling lumakad papuntang kanto para mag abang ng jeep. Ang masahol pa, hindi talaga ako pamilyar sa daan papuntang school, hindi naman kasi talaga ako lumalabas ng bahay, at isa pa, salungat 'to sa daan ng dati kong school kaya hindi talaga ako pamilyar.
"Kuya, natigil ba 'to sa Marquez High? Doon kasi baba ko e," sabi ko kay Kuyang Konduktor sabay abot ng bayad. Maigi na lang sa dulo ng jeep ako naka-pwesto, nakasabit kasi sa labas si Kuya, madali ko siyang makakausap. Tinignan niya naman ako ng masinsinan, parang natatawa pa
Mukha po bang joke?
"Nako, nene, hindi kasi 'to nakakapasok sa highway na 'yon e. Dapat nag taxi ka na lang, taxi lang mga nakakapasok doon, saka mga habal-habal,"
Hahahahah hayop talaga
Agad namang pumasok sa isip ko na may cellphone pala akong dala, kinuha ko 'yon para i-google map sana 'yung school, pero agad akong nanlumo...
Sarap, wala akong load
Agad kong chinat si Seo para tanungin kung saan at paano mismo makakarating sa school, pero ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin siya nagrereply at pinara na ako ni Kuyang Konduktor. Doon daw daan papuntang school, agad ko namang nilakad ang way papasok sa daan na 'yon, pero potek
Kung seswertehin ka nga naman
May dalawang daan, kaliwa't-kanan, puro bahay na magagarbo ang nandito, parang mga walang laman na tao sa loob, ang tataas ng gate. Binuksan ko messenger ko habang naglalakad pabalik sa labas ng pinasukang daan
Kenseo Sawada
10:47
hayop ka, saan ang daan?
mag reply ka, ngina mo
kokonyatan ko noo mo pag nakita kita
11:01
'wag ka na talagang magpapakita sakin, 'wag ka na umuwi sa bahay
susumbong kita kay Kuya, inamo
Sabi ni Kuyang Konduktor kanina kanan daw e. Noong binaba niya ako kanina may dalawang eskinita papasok, kanan ang pinasukan ko kasi akala ko iyon tinutukoy niya, e ano 'to?! Saan ako dadaan dito? Kanan din ba?
Hayop talaga sa lahat
Nang makarating ako sa may highway bumili muna ako ng tubig at inayos ang sintas ng sapatos ko. Gusto ko sana mag tanong kay Ateng Tindera kaso may kachikahan pa siya, may mga nakatambay naman dito kaso nagkekwentuhan din sila.
Dinampot ko ang bag na pinatong sa upuan kanina at lumapit doon sa isang eskinita na hindi ko pinasukan, baka kasi doon ang daan papuntang school. Pero agad din akong tumalikod ng makitang may mga tambay doon at mga nagsisipag-yosi.
Hays
Pabalik na sana ako papunta doon sa pinasukan kong daan kanina, magmimini mini minimo na lang ako sa kaliwa't-kanan, pero tumigil ako ng may nakasalubong na mukhang studyante mula sa Marquez High, nakasuot siya ng lanyard ng Marquez High, pansin na pansin iyon, kulay dark blue.
"Excuse me," tawag pansin ko doon, napatigil naman iyon at taka akong nilingon
"Uy," pag aalinlangan na sabi niya
"Boss, alam mo ba daan papuntang Marquez High? Naliligaw kasi ako e, wala naman akong load pang google map," pag amin ko
"Hala," aniya, mukhang concerned, "Ang layo naman ng narating mo,"
"Dito ako pinababa noong nasakyan kong jeep e, hindi kasi ako pamilyar dito kaya sinunod ko na lang," natawa siya
Mukha po bang joke?
"Nakikita mo 'yung 7/11 doon," turo niya, tumango naman ako, "May daan sa gilid non, papasok doon ang daan papuntang Marquez High,"
Tinignan ko siya at nagpasalamat, nginitian niya naman ako, parang may gusto pang sabihin pero hindi na tinuloy. Nang talikuran niya ako ay agad naman akong nagsimulang maglakad papunta doon sa daan na tinuro niya
Pota, ang layo