13

212 11 2
                                    

           NAGISING ako ng tumunog ang alarm ko na agad ko din namang pinatay tatayo na sana ako ng maka ramdam ako ng pananakit ng puson, nakakainis dahil wala pamandin akong stock ng pad ngayon pero buti nalang ay hindi ako sa school dinatnan.

Tinext ko naman si nena na hindi ako makakapasok ngayon buti nalang din at hindi ngayon ang pasahan ng project namin

Hindi naman ako pwedeng naka higa lang dito dahil baka mamantyahan ang higaan ko pero hindi naman ako maka tayo sa sakit ng puson ko.

NENA
Nag alala naman ako dahil sa text nya ang sabi nya lang kasi hindi sya makakapasok ngayon ni hindi manlang sinabi ang rason.

“kuya hindi ka papasok?” tanong ko ng makita ko sya na hindi pa naka uniform

“Wala kaming pasok ngayon bakit?” sagot naman nito

“kuya puntahan mo kaya si Akira sa dorm nya hindi kasi sya papasok ngayon wala syang sinabi kung bakit hindi naman yun umaabsent ng walang dahilan” sambit ko dito

Bigla naman nyang pumasok sa kwarto nya

Kita moto napaka bastos hayss pero at least obvious na nag woworry din sya

Sino ba naman kasing hindi mag woworry lalo nat alam mong mag isa ngayon ang kaibigan mo diba saka paano kung kailangan nya pala ng tulong pero wala syang kasama

Akala ko kagabi sa dorm nya matutulog si kuya pero umuwi din ito ng 10pm pabor naman din saakin dahil hindi ko alam kung ano nanamang ipapalusot kay mommy kung nag kataon.

Maka pasok na nga

AKIRA
Napa takbo ako sa cr dahil sa text ni jayson saakin na nandito daw sya binigyan ko sya ng susi kagabi kaya hindi malabong pumasok sya kaagad.

Nakaupo naman ako sa inidoro habang hawak ang puson ko

“Are you okay?” tanong nya na mukang nag aalala “D*mn bat may dugo sa kama mo ayos ka lang?!!”

Hindi naman ako nag salita at napakamot nalang sa noo

Sabi na eh mamamantyahan yung higaan ko ang hirap hirap pamanding mag laba

“Open this d*mn door” sambit nito na animoy nag wawala

“Ayos lang ako!” sigaw ko 

“But there's a bloo—” di naman nito  tinapos ang sasabihin nya ng bahagya kong buksan ang pinto ng cr

Kakapalan ko na ang muka ko

“C-Can you buy me a napkin?” tanong ko dito “Please”

Nagulat naman ako ng tumakbo sya ng wala manlang salita

Wahhhh nakakahiya sa lalaki pa talaga ako nag pabili pero ayoko naman na makita nya kong may tagos nakita na nga nya yung dugo sa kama ko kainis!!!!!!!

JAYSON
Agad naman akong nag punta sa Store para bumili ng napkin nawala din ang pag aalala ko ng mag pabili sya dahil naiintindihan ko na kung bat may dugo doon sa kama nya babae ang kapatid ko pati ang nanay ko kaya alam ko ang tungkol sa menstruation.

Hindi ko naman alam kung anong klaseng napkin ang bibilhin kaya lahat ng klase nito ay binili ko na nakita ko pa yung mga tingin saakin ng iba wala namang nakakahiya sa pag bili ng napkin lalo na pag lumaki kang may kapatid na babae.

“Si jax yan diba?”

“Bumibili sya ng napkin”

“Sana ganyan din yung jowa ko hindi nahihiya bumili ng napkin”

“para kanino kaya yan?”

Hindi ko na sila pinansin at agad ng umalis matapos bayaran ang pinamili ko

AKIRA
pinalitan ko ang bedsheet ng kama ko pag tapos nya akong bilhan ng napkin napag ka dami dami at ibat iba pa ang brand hindi ko nga alam kung matatawa ako o maiinis pero kasalanan ko din naman dahil hindi ko sinabi sa kanya at nag papasalamat din naman ako dahil binilhan nya ako pero muka tuloy akong nag karoon ng sari sari store ng napkin.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nya sa labas ang paalam nya sa kusina lang sya humiga naman ako ulit dahil mas lalong sumakit yung puson ko ganto talaga ako pag first day pero pag 2nd day naman na wala na akong nararamdaman.

NARRATOR
Pinuntahan naman ni Jayson si Akira sa kwarto nya para ayain itong kumain pero tumanggi ito dahil nga masakit ang puson nya at nakita naman ng binata na namimilipit din ito sa sakin ng puson kaya agad nyang tinawagan si Nena pero hindi ito sumasagot dahil nga oras ng klase kaya tinawagan nito ang ina

“Oh anak napatawag ka?” tanong nito

“Sorry are you busy?” tanong nito sa ina

“Hindi naman may inaayos lang akong business proposal para sa monday why?”

“mommy anong ginagawa mo pag sumasakit ang puson ni Janena sa tuwing nag kakaroon sya?”

“Why? Nag karoon ba sya? Nasan sya?”

“No its not her its akira”

“Oww okay i will teach you una lagyan mo ng hot compress ang puson nya tapos pakainin mo sya ng kahit ano basta mainit na sabaw tapos painumin mo ng pain reliever, hay nako ang anak ko binata na”

Ginawa naman ng binata ang sinabi ng ina

AKIRA
Nagulat ako ng may ilagay sya sa puson ko

“I hope it can help” sambit nya

Nag dala din sya ng sopas na kinain ko naman habang nasa kama

Inabutan nya pako ng pain reliever at tubig “Inumin mo yan pag tapos mong kumain”

“Thank you” sambit ko naman at nag iwas ng tingin dahil nahihiya na ako “sorry hindi kasi ako sanay na may nag aasikaso saakin”

“ ginawa mo din naman saakin nung nag kasakit ako” napangiti naman ang ako dahil sa sinabi nya

Buwan palang kaming mag kakilala pero alam kong mabait syang tao gaya ng kapatid nya at ng mommy nya kaya naniniwala talaga ako na sa bahay unang natututo ang isang tao ng magandang asal o ugali

Nag paalam naman sya saakin na uuwi na sya ayaw nya nga sana akong iwan dahil muka talaga syang nag aalala pero sinabi ko naman sakanya na tatawagan ko sya pag kailangan ko sya kaya pumayag na din sya na iwan ako kalaunan gabi nadin kasi kaya pinauwi ko na.

NARRATOR
Pag kauwi nito ng bahay ay agad naman nyang naka salubong ang kapatid na kakauwi lang din

“Sorry kuya di kita na sagot kanina ano kamusta si Aki? May nangyari ba?” sambit nito

“namilipit sya sa sakit ng puson pero okay na sya ngayon” sagot naman ng kapatid

“salamat naman thank you kuya” parang kapatid na din kasi nito si akira dahil nga kababata nya ito at ito lang din ang lagi nyang tinatakbuhan pag may problema sya na ayaw nyang ipaalam sa kuya at mommy nya.

Kaya hindi nito maiwasan ang mangamba sa kaibigan lalo na at nag iisa ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WANTED BOYFRIEND!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon